"sis hipon?" tanong ni ate sakin tsk nang iinis nanaman favorite ko kase ang seafoods pero bawal sakin dahil may allergy ako
"ikaw talaga niloloko mo nanaman yang kapatid mo" sabi ni mama na natatawa
"hay nako yan nga mamimiss ko kay ate pag bumalik na sya sa Canada" sabi ko si papa naman ay napatingin kay mama.. tumikhim eto at nagsalita
"uhm mga anak, Janine.. about nga pala sa pag balik mo.. Cancel your flight anak.." sabi ni papa
"huh??" pagtatakang tanong ni ate Janine
"ah anak" sabi ni mama at hinawakan nya sa kamay si ate "you'll stay here for good na.. sa totoo nga di mo naman kelangan magtrabaho meron tayong kumpanya dito na balang araw kayong dalawa ng kapatid mo ang mag mamanage"
"y-you mean.. mag stay ako kase mag tetraining na ako para sa company??" pagtatakang tanong ni ate
"ganun na nga. tsaka para na din may kasama lagi dito si julie anne" sabi ni mama at ngumiti sakin
"And.."
"and??"
"hon ikaw na mag sabi" sabi ni mama kay papa
"bukas nalang.. mag didinner tayo bukas ah? mag prepare kayo lalo ka na Janine mag ayos ka okay?" sabi ni papa nagkatinginan naman kami ni ate
"ah.. pa if you dont mind.. ano po bang meron bukas??" tanong ko si papa naman ay ngumiti lang
"basta.. oh Janine anak cancel your flight okay??"
"uhh.. pa sayang naman 1 year nalang naman yun eh pang 2 years na yung ngayon.. tas ngayon pa ba ako aatras??"
"anak... please? pinagbigyan ka nanamin ng papa mo mag abroad sana naman kami naman ang pagbigyan mo" sabi ni mama kay ate tumingin naman sakin si ate na parang nanghihingi ng tulong
"a-ah.. ma, pa.. 1 year nalang naman pala.. pagbigyan nyo na si ate.. tsaka for sure naman after ng 1 year na yun babalik na sya dito"
"pag sinabi kong walang aalis! WALANG AALIS! Cancel your flight PERIOD!" nagulat kami ng sumigaw si papa.. nang matapos nyang sabihin yun umalis na sya at umakyat na sa taas
"wait lang mga anak.. Hon!!" sigaw ni mama at hinabol si papa paakyat
nakita ko namang napaiyak si ate.. mababaw lang ang luha ni ate para syang balat sibuyas kaya nung mga bata pa kami minsan lang sya mapagalitan.. yung pag punta nya ng Canada kung di pa madedepressed si ate nun di pa sya papayagan nila papa..
"ate.. okay lang yan. ito na din siguro yung time na pagbigyan mo sila papa"
"pero Julie yun na yung pangarap ko eh matatapos ko na ngayon pa ba ako uurong??"
"eh ate.. yung company naman naten pwede m---"
"Julie Anne di mo ko naiintindihan. Tungkol saan ba yung kumpanya?? pagawa lang naman ng gatas ang mga pinag uusapan doon.. julie anne ano bang talent ko?? Mag drawing diba?? sige iconnect mo yung talent ko sa ginagawa at pinag uusapan sa kumpanya natin!" sigaw ni ate at pabagsak nyang binitawan ang mga kubyertos na hawak nya nagulat naman ako sa inakto nya matapos nun umakyat na din sya.. unang beses. unang beses nya kong sigawan. unang beses syang nagalit sakin.
"a-ah n-nay paki ligpit nalang po yung mga pagkain.. sorry po ah kung di namin naubos" sabi ko at matamlay na ngumiti sakanya nagtataka siguro kayo bat nanay tawag ko kay manang.. bata palang kasi ako lagi na kaming naiiwan nj ate sakanya parang sya nga nanay namin hindi si mama kase sya lagi kasama namin sa lahat ng bagay meeting sa school basta sa lahat..
...
"son wake up"
dinig kong sabi ni mommy kinusot ko yung mata ko pero natulog ulit ako
"hey! wake upppp may sasabihin kaming importante ng daddy mo"
"makakahintay naman yan mom matutulog muna ako" sagot ko at nagtalukbong sa blanket pero may humila nito
"elmo gumising ka makinig ka sa mommy mo"
"dad inaantok pa ko"
"pano ka di aantukin eh alas dose na ng umaga nadidinig ko pa ingay dito sa kwarto mo. pag ako nainis kukumpiskahin ko yang video games na yan"
"ugh dad im not a kid anymore"
"but you're acting like a kid"
"aish!! babangon na nga!!"
sabi ko at bumangon at nadinig ko namang natawa sila mommy at daddy
"what??" inis na tanong ko
"kaya ka di nagkakagirlfriend eh" natatawang sabi ni mommy pailing iling pa ito
"mom I dont need girls in my life" maikling sagot ko at nagtungo sa banyo para mag hilamos naramdaman ko namang sumunod sila
"alam mo anak kailangan mo yun.. pano pag wala na kami ng mommy mo? kaisa isa ka naming anak oh pano ka? sino mag aalaga sayo and besides nasa tamang edad ka na mag 22 ka na next month" paliwanag ni daddy
"shut up dad di naman kayo mawawala kung di nyo ko iiwan.. now get out here kasi jijingle na ko"
"sus nung bata ka duwag ka jumingle mag isa nagpapasama ka pa samin tas ng---"
"aissh!! sa baba nalang nga ako" akmang aalis na ako ng humagalpak sila sa tawa
"hahaha sige na umihi ka na after that bumaba ka na at mag bebreakfast tayo may pag uusapan tayo" sabi ni daddy pagtapos ay tinap nya ko sa shoulder at umalis na sila
at yun nga nang matapos ko jumingle bumba na ako at yun nga nakahanda na ang hapag kainan
"so.. ano pag uusapan natin? is it about my sports car?? bibilhan mo na ba ako dad?" sabi ko at kumuha ng french toast
"only if you agree to go with us sa dinner mamaya.." nanlaku mata ko sa sinabi ni daddy
"are you for reals!?" tanong ko at inaalog alog pa si daddy
"yes.."
"oh god dad!! sasama ako!"
