Chapter 1

25 2 0
                                    

4th year ako ngayon.Syempre may prom.Weeks before the prom,lahat ng kaklase ko nagpaplano na ng kanikanilang susuotin.Take note,pati prospect dates nila.Lahat sila excited maliban sakin.Prom?Its just a night na magfefeeling prinsipe at prinsesa kami.Sabi ko sa sarili ko,di ako pupunta unless imbitahin ako ng all-time crush ko na maging ka-date niya.

Magilusyon daw ba?Alam ko na imposible yun.Kasing imposible na mabuhay ako ng walang gadgets.Well,fine.Imposible na kung imposible.Eh anong magagawa ko kung sobrang tinamaan ako sakanya?Pero ok lang gun.Libre lang naman ang mangarap eh.Pero kala niyo ba ako lang?HAH!May mas desperado pa saakin na nagtatapang tapangan at sila mismo ang nag-invite sakanya.

Oh,carry niyo yun.Pero,di ko naman sila masisisi.Papable kaya siya!Star player ng basketball varsity team,vocalist ng banda,magaling sumayaw at matalino.Nasa kanya na siguro ang lahat.Nung nagpaulan siguro ang Diyos ng kagwapuhan,sinalo niya lahat.Matangkad,matangos ang ilong at magandang mga mata.Yung bang parang pag tinitigan ka niya ang sarap himatayin.

Uhm,I'll tell you a secret.Atin atin lang ha.Alam niyo ba na every single night nagpapray ako na sana ako ang maging ka-date niya sa prom.But you know what?Prayers do work.Sabi ko na nga ba,malakas ako kay Lord! Ganito kasi yun.

(Flashback)

Nasa library ako nun.Nagpapakastudious.Naghehenyohenyohan.Pero sa totoo lang wala akong matambayan.Out of the blue,he knelt in front of me at hinawakan niya ang kamay ko.Grabe!Lumuhod siya sa harap ko!Tapos ayun, tinanong niya akong maging date niya sa prom.Sa sobrang kilig,napatango na lang ako.Yun na lang ang nagawa ko.Yung di ko inaasahan nagkatotoo.

(End of Flashback)

That night di ako makatulog.Siya lang yung nasa isip ko.Parang pirated na CD na paulit ulit na nagpaplay sa utak ko.Nung nasa gitna ako ng pagiilusyon ko ng biglang tumunog young phone ko.Aaaaah!Its HIM!Gusto ko ng tumalon talon sa sobrang saya.He invited me to watch a movie,kwentuhan with him.Para magkapalagayan kami.Magpapakipot pa ba ako?Syempre hindi na noh!Oo na agad.

The following night was a dream come true.Siya lang at ako.Nanood kami ng sine,kumain,at pumunta sa Starbucks at doon kami nagkwentuhan.Get to know each other.Ang saya niya kasama.Feeling ko long time friends na kami.Feeling ko close na kami agad.And when that night ended,I knew that it would be one of the happiest moments of my life…^__^.

Days before the prom,lagi kami magkasama.Feeling ko nga kami na eh.Sabay kaming naglulunch,nagmemerienda tapos hinahatid pa niya ako.Talk of the town nga eh!Pano daw na ang isang kagaya ko ay magugustuhan ng isang kagaya niya.Oo nga naman.Ang laki ng difference namin.Parang nasa Milky Way Galaxy siya at ako nandoon sa Andromeda.

Prom night,sinundo niya ako sa bahay dala yung magarang kotse niya at with matching bouquet of red roses.Grabe,the whole night was magical.We danced and laughed the whole night.Ang sweet niya,gentleman pa.Kinikilig ako nang sobra pagtinitignan niya ako at sinasabing

"You know what?You're the most beautiful girl I ever laid my eye on"

Eto na talaga pwede na ako mamatay sa kilig.Before we left,nagpapicture muna kami.Souveneir daw.Yun nga lang di ko nakita kasi kinuha niya agad.Di bale alam ko naman na perfect picture yun.Tapos na yung prom.Hinatid niya ako and pinark niya yung kotse sa tapat ng bahay.Being such a gentleman that he is,pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan ako bumaba.Nakatayo lang kami,nakatitig sa isa't isa.Nabingi ako sa sobrang katahimikan kaya nagsalita na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon