Paano Mapapatibay ang Relasyon, Kahit matagal na :)

757 0 2
                                    

Dadating yung araw na...

ikaw nalang yung madalas magttext.

Dadating yung araw na yung mga pagkahaba habang reply niya sayo,

ngayon hindi na umaabot ng 3 words.

Malay mo isang araw, hindi na siya singsweet nung dati.

Yung 10x na pagi-iloveyou niya sayo sa isang araw ngayon isang beses na lang,

minsan nga hindi na.

Yung pagaalala niya na, “Kumain ka na ba?”

o kaya naman, “Okay ka lang ba?”

Malay mo isang araw, hindi ka na niya tatanungin nun.

Hindi na siya yung nakilala mo noon na sobrang caring at sobrang bait.

Yung tao na nasasandalan mo, dahil madalas, puro away nalang kayo.

Dadating yung araw na hindi niyo na gagawin yung mga bonding niyo noon kasi tinatamad daw siya.

Yun bang, dumadating na sa puntong ikaw nalang yung umiintindi,

ikaw nalang yung nage-effort,

ikaw nalang yung umaako ng lahat. Dumadating sa puntong ikaw nalang yung nagmamahal.

Pilit kang kumakapit,

habang siya, bumibitaw na.

Kaya habang nandiyan siya,

habang mahal ka niya,

wag mong sayangin yung mga oras na yun.

Wag mo siyang dedmahin kapag nageeffort siya sayo,

wag mong dedmahin kapag nagiging sweet siya.

Iappreciate mo lahat.

Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, nasa magandang lagay yung relasyon niyo.

Hindi habambuhay, puro sweet at saya lang. Mahalin mo siya. Dahil kung hindi mo papansinin, baka isang araw, mawala nalang siya at magsawa na.

(A/N: I don't own this, i just read it somewhere. Wala naman nakalagay na author. So kung mababasa man ito, credits to the owner! By the way, things that are listed were true. And proven because just so you know I'm in a long term relationship now. :) Thanks! Vote, Comment. Be a Fan! )

Paano Mapapatibay ang Relasyon, Kahit matagal na :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon