Nagsimula sa K-pop ang lahat. Abah ! Malay ko bang ma'iinlove ako sa Baluga kong kaibigan. Alam nyo ba na sobrang mahal na mahal ko sya? Ako kasi, Minsan lang mainlove pero pag dumating na yun, Binibigay ko lahat. Minahal ko sya kahit nasa malayo syang lugar. Alam ng mga kaibigan ko kung gano ko sya pinagtanggol. Pero .. Bakit nya ko iniwan? Bakit sya naghanap ng iba? Kasi nga, TRIP LANG LAHAT PARA SAKANYA.
Ganito kasi yun. Kaklase ko sya nung 1st year. Super Duper close namin. Lagi syang nagpupunta sa bahay. Para nga kaming mag Jowa eh. Kaso nung nag 2nd Year kami, Nag transfer sya. Di naman ako sobrang apektado sa pagkawala nya. Friends come and go, right? Isang taon kaming walang contact sa isa't isa. Pero lahat nagbago nung December 25, 2011.
HEMEGED. Si Baluga ay Fan ng Super Junior. So, Suju pala ang dahilan kung bakit natutunan ko kung ano talaga ang ibig sabihin ng salitang "Pag Ibig".
Sino nga ba ako at Sino rin ang Hampaslupang sinaktan ako? Eto na. Introduction.
- Narsha Domingo po pala. 20 na ko ngayon. Ugali ko? Jusko. Ang ingay ko, Kalog, Baliw ... Normal naman ako. Tamad ako pero nasa honors ako. Panu nang yari un ? O.o Hopeless romantic ako sabi ng mga kaklase ko. Lagi kasi akong nagbabasa ng mga Fanfictions. Akala ko lahat may Happy Ending. Di naman Pala.
-- Adik po ako sa Kpop. Wala pong pakielaman xD Pinapangarap ko po na pakasalan si Lee Sungmin ng Superjunior. Hahaha ;D Eh Ano ?
**
-- Ang pangalan ng Hampaslupang Baluga na sinaktan ako ay Matthew Lastimosa. Ang dami naming things in common.
-- sikat sya sa school. Eh pano, Matangkad, Pogi, Matalino, Mayaman .. Almost everyhting next to perfect. Kaso .. Sinaktan nya ko. Mahal ko naman talaga sya eh. Linunok ko ang pride ko para sakanya pero anong ginawa nya? Si Gago pinalit ako sa isang Cosplayer.
What is Love? Love is when everyhting get in slow motion. Yung parang kayong dalawa lang ang tao sa mundo. Yung ngiti pa lang nya, tumitibok na kagad ang puso mo. Yung kahit sobra ka nang nasaktan, Handa mo pa rin syang patawarin dahil mahal mo sya at handa kang magpaka'martir para sakanya. Hahaha, Kaya ayokong mainlove eh. HANGDREME.
***
( Umpisahan natin ang storya ko sa pamamagitan ng Flashback nung 1st year. )
*My POV*
June 8. Sakit sa bangs, 1st year nako. Sa St.Joseph po ako nag aaral. Mura lang ung tuition fee kaya pinatuLan na ni mama.
As i were saying, 1st year na nga ako. Nagpasama ako kay Mama sa school kasi takot pa ko na baka may mga seniors na umaway sakin.
Pag dating namin sa school, Maaga pa pero marami ng mga estudyante na nakakalat. Excited siguro.
"Narsh, Punta muna ako sa dunkin donuts. Wait ka lang dto" sabi ni Mama. Malapit lang naman ung dd sa school, Onting kembot lang andun ka na.
So naiwan akong nakaupo sa bench. Walang gustong tumabi sakin kasi nakataas ung kiLay ko para kunwari mataray.
May Lumapit na bakla sakin "Teh! Anong section mo?" aba, feeling close si kumag.
"St. Lorenzo po" I said with a smile. Plastic no? xD
"Ayy. Sayang. St Francis ako." sabi nya. Eh ano ? -_________-
Umalis ung bakla, Naghanap ng mga kaklase nya.
May biglang tumabi sakin na lalaki. Tae ! Ang gwapo tapos ang tangkad. Pag to naging kaklase ko, Lalandiin ko to. Kaso, mukhang suplado.
Saktong pagdating nung nanay ko, Nag bell na. Whoa. Timing nga naman.
"Narsh. Sa recess mo na lang yan kainin" sabi ni mama tapos umalis na sya.