**Matthew's POV**
To: Narsha 0922*******
"Shang. Nakauwi na po ako"
Text ko kay Narsha. Di ko naman alam na magagalit sya kanina eh. Nakwento nya sakin yung tungkol sa papa nya pero di ko alam na sensitive pala sya sa mga bagay na ganun.
From: Narsha 0922******
"Paki-elam ko?"
Reply nya. Aba ! Ayos to ahh. Hinatid ko na nga, ang sungit pa rin.
To: Narsha 0922******
"Taray Mo. Ge, Babe .. Tulog na ko. Sweet Dreams. Mwaaaa :**"
Pabiro kong tinext sakanya. Wala pang Isang minuto nag reply na sya.
From: Narsha 0922*******
"Magpakamatay ka na Lastimosa"
Hahaha. Sabi ko na nga ba magagalit to eh. Hay nakooo Narsha Domingo, Kung naging mahinhin ka lang, niligawan na kita. Maganda ka naman eh. Di lang kita type. Ang gaslaw kasi tapos and lutong pa mag-mura. Ayaw ko syang maging girlfriend pero gusto ko sya maging bestfriend. Masarap kasama si Narsha kahit laging nananakit.
**Narsha POV**
10:30 am na. Laging ganito gising ko. 12:30 pa naman klase namin eh. 11:15 ako umaalis ng bahay para pag dating ko sa school, sakto lang dun sa bell.
Paglabas ko ng bahay. May panget na lalaki akong nakita.
" Goodmorning Shang ~ Nag-almusal ka na?" sabi ni matt sakin
"Hindi. Pag gising ko tanghalian na." Sagot ko.
"Tsk.Tsk .. Tara, Almusal tayo !" yaya nya.
"Ayoko nga. Anong oras na oh .." Kinuha ni Matt yung kamayko tapos kinalikot yung relo ko. Pagkatingin ko sa relo ko, 7:12 am yung nakalagay.
"Hoy !!! Bakit mo ni-reset tong relo ko?"
"7:12 pa lang oh ~ Tara almusal na tayo." sinabi ni Matt sakin habang nakangiti. Sabog siguro to. Ewan ko ba kung matutuwa ako o mabwibwisit ako sa lalaking to. Para kasing timang.
Tanghaling tapat na pero ang kinakain namin ay goto -_______- Eh Almusal daw eh. ! Pagkatingin ko sa relo ko, 12:15 na. Anak ng ~~~~
"Hoy. !! Tara na ... ! Anong oras na oh!" Sinabi ko habang kinakaladkad si Matt.
"Excited kang pumasok no? May crush ka na siguro dun." Eh sira ulo pala tong Matthew Lastimosa na to eh. Pag nagmamadaling pumasok, gusto kagad makita si crush?
"Tanga ! Malelate na tayo."
Nung nakarating kami sa school. Late na kami. Math pa naman unang subject. Ang rule sa school namin Pag late ka na .. Wag ka nang pumasok sa subject na un. Dun ka na lang sa susunod na subject. Ayos lang naman sakin kasi di rin naman ako nakikinig dun sa teacher namin. Math kasi at super hate ko ang subject na yun.
Tumambay kami ni Matt sa canteen habang hinihintay yung next subject.
"Shang .. Nakatingin sayo yun oh." sabi nya habang tinuturo ung poging 3rd year.
"Ahhh. Diba matalino yun?" tanong ko. Alam kong matalino yang lalaki na yan kasi tuwing may monthly activity yung school namin, lagi syang umaakyat sa stage para kumuha ng award.
"Oo. Si Liam Padilla yan" Ahhhh. Liam pala yung pangalan. Eh ano ? -__________- "Gusto mo hingin ko yung number nya?"
"Bat mo hihingin yung number nya? May crush ka sakanya? Sabi ko na nga ba bakla ka eh" asar ko sakanya.