Reuniting

100 12 4
                                    

Chapter 14

Ipinakansela niya kay tita Evie lahat ng appointments niya ng araw na iyon at hanggang bukas at ipinagbilin na pag may naghanap sa kanya ay sabihing nag-out-of-town siya. Ipinakuha rin niya ang kanyang over-night bag sa sasakyan. Lagi na may nakahandang extrang damit at toiletries sa kanyang kotse sakali mang may emergency.

Hindi naman niya kailangan ng maraming gamit sapagkat may mga damit naman siya sa Hacienda.

Pagkatanggap ng text mula kay Aris ay nagmamadali siyang bumaba sa lobby ng building.

Nakasandal ito sa pintuan katapat ng drivers' seat ng latest na model ng black Ford Expedition nito habang nagtetext. Tumigil siya sandali sa paghakbang papalapit sa binata at malayang pinagmasdan ang kabuuhan nito.

Napakasimpatiko nitong tingnan sa suot na plain baby blue Lacost poloshirt na nakapaloob sa levi's jeans. Hindi na niya kailangan pang makita ang etiketa ng mga damit nito para malaman ang tatak noon dahil ito na yata ang pinaka habitual person na kakilala niya. Ang 6 na sasakyan nito ay Ford lamang. Ang mga poloshirt ay Lacost at mga jeans ay Levi's. Basta kung ano ang nasimulan na nitong gamitin ay iyon at iyon ang gagamitin nito.

Kung gaano ito kapili sa gamit ay ganoon din sa pagpili ng kaibigan. Mabibilang mo sa daliri ang mga taong pinapayagan ni Aris na mapalapit sa kanya. Masuwerte siya sapagkat isa siya sa mga taong iyon. Napaka loyal nitong kaibigan. Maaasahan at hindi lang iilang beses niyang napatunayan na kaya ka nitong ipaglaban ng patayan kung kinakailangan. Minsan na itong naospital sanhi ng tinamong bugbog sa katawan ng ipagtanggol siya sa isang makulit at lasing na parokyano ng bar kung saan sila nagdiriwang ng ika-23 na kaarawan nito sa Newyork.

Aris is the older brother she never had.

Nagtaas ito ng paningin at pagkakita sa kanya ay umikot, pumose na parang model at inilahad ang dalawang kamay sa kanya.

"So did I pass? Puwede naba akong mag-artista?"

Napahalakhak siya sa tinuran nito. Kung tutuusin ay talaga namang walang sinabi ang ibang artista dito kung hitsura at tindigan lamang naman ang pag-uusapan. Marami ang nagsasabi na malaki ang hawig nito sa Hollywood actor na si Gerard Butler. Mestiso, kulay mais ang buhok, mangasulngasul ang mga mata ng binata at mahigit na anim na talampakan ang taas. Palibhasa ang lolo nito na si Harrison Crawford Sr. ay purong Amerikano na nakapag-asawa ng Pilipina.

Lumapit siya sa nakabukas na mga bisig ng binata. Niyakap siya nito ng mahigpit at ginawaran ng mabining halik sa noo.

Hinampas niya ang kaibigan sa kanang braso nito at saka inirapan. "Yabang! Let's go, marami akong ikukwento sa iyo."

Kinuha nito ang kanyang overnight bag at saka inilagay sa backseat bago siya nito inalalayan sa pagsakay sa harapan ng sasakyan. Hindi pa man sila nakakaalis ay nagsimula na ang kanilang masayang kumustahan at hindi pansin ang mga tao sa paligid na panay ang bulungan at nagkakandahaba ang leeg sa pagtanaw sa papaalis nilang sasakyan.

The Willful Bride [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon