Tsismax to the Max!

101 13 4
                                    

Chapter 15

(Jestoni's POV)

Kabilang si Direk Jestoni sa mga nakasaksi sa eksena sa pagitan ng binatang anak ng may-ari ng Harrison Malls at ng dalagang Vice-President for Entertainment ng ALC Networks.

May ilang minuto na ang nakalipas simula ng makaalis ang mga ito subalit nananatili pa rin ang binata sa kanyang kinatatayuan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila hindi siya makagalaw.

Unti-unti ang pagbangon ng kaba sa kanyang dibdib kasabay ng pagtitiim ng kanyang mga bagang. Kabang nauwi sa matinding iritasyon ng hindi maiwasang mahagip ng pandinig niya ang pag-uusap ng dalawang baklang showbiz reporter na nasa kanyang harapan, si Tita Wendy at Manay Letlet.

Tita Wendy :Nalookish mo ba 'yon Manay? Mukhang trulala ang mga chismax na kumakalat.

Manay Letlet : Ow, hindi ba sinabi ko na sa'yo? Wiz aketch nagkamali. That yummy bachelor is our network princess' shotality. Big scoop toh tita!

Tita Wendy : Reliable ba ang source mo Manay? Baka mamaya machugi ang mga beauty natin. Mahirap makabangga ang mga yan. Dibah! Super richirich 'yung Harrison Crawford III na yon?

Manay Letlet : Correct ka jan day! Ayon sa aking source, ten years na raw on and off ang love affair ng dalawang yan. Kaya nga exciting dibwa? Nai-imagine ko na ang headline –The Tycoon and The Princess: In love?–Ow diba bonggayshus!!!

Natinag lamang ang binatang direktor ng biglang lapitan ito ni Magdalena at abrisyetehan.

"Did you see that Direk? Sa wakas mukhang successful ang effort ko."

"What do you mean?" Tanong ng binata sa nakangiting si Magdalena.

"My match-making scheme of course! Ano ka ba? Pinahirapan talaga ako niyang si ate, lahat ng dates na inarrange ko so far ay walang good result. Buti na lang naalala ko si Kuya Aris. Long time friend yun ni ate kaso laging out of the country kaya naman nawala sa isip ko. Matagal ng nachichismis silang dalawa kaso wala namang confirmation. I guess sa nakita natin ngayon ay malinaw na ang lahat. Mag-a-out-of-town sila ngayon, overnight sa Quezon Province. Who knows... baka pagbalik nila i-announce na ang engagement. So you better catch-up. Seryosohin mo na rin si Christine para naman matuloy na dream wedding ko." Tuloy tuloy nalitanya ng dalaga. Animated ito at hindi pansin ang madilim na ekspresyon sa mukha ng kausap na binata.

"Forget it! Christine is my maternal cousin." Wala sa loob na naisagot ng binata. Alam niya na usapan na nila ni Jomae na itatago muna ang detalyeng iyon kay Magdalena para naman hindi siya nito pagkaabalahang ihanap ng kadate.

Subalit sa kung anong udyok ng pagkakataon ay hindi niya mapigilan ang sarili na ibulalas ang katotohanan sa kausap. Kung si Jomae ay puwedeng makipagdate kung kanikanino habang committed na sila sa isa't isa ay bakit niya ipagkakait sa sarili ang parehong prebelehiyo.

Nakuha pa nitong mag-out-of-town kasama ang kung sinong pontio pilato ng hindi man lang kumukunsulta sa kanya!

Muli ang pagbangon ng galit sa kanyang dibdib. Dati rati naman ay hindi siya apektado ng mga dates ng dalaga subalit instinctively ay alam niya na kakaiba ngayon ang sitwasyon. Si Jomae at Harrison Crawford III ay may espesyal na relasyon sa isa't isa. Espesyal at pribado kaya naman ni minsan ay hindi naikuwento ng dalaga.

"What!!!!! Pinsan mo si Christine Rivera? Bakit hindi mo sinabi kaagad?"

Nakakabingi ang ginawang pagtili ng dalagang kausap. Sa lakas ng boses nito ay napalingon ang dalawang mahaderang bakla sa kanilang harapan, nanlalaki ang mga mata sa bagong impormasyong nakalap.

Nagkibit lamang siya ng balikat, tumalikod at walang lingon-likod na iniwan ang gulat na gulat na si Magdalena.

The Willful Bride [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon