GAME 3

87 6 0
                                    

GAME THREE

#TGLRevelation

We're having a Science class kaya busy si Ms.Garcia sa pagtuturo and I am also busy doing the usual things na pag te-take notes nung bigla nalang akong sundutin ng ballpen ng katabi ko, sino pa nga ba? The usual one Mr. Quen Davidson!

At dahil sa gulat napasigaw ako na siyang dahilan upang madistruct si Ma'am at makuha ang atensyon ng mga kaklase ko

"Yes? Ms. Flores? May sasabihin ka?" Tanong sa akin ni Ms.Garcia na siyang dahilan na kantyawan ako sa loob ng classroom pati si Quen na kanina pa humahalakhak

"A...AhhH....EhhhH....w...wala po Ma'am" pagrarason ko dahil ayaw ko ng palakihin pa yung ginawa ko, nakakahiya!

"Okay now kung wala, explaim kung ano ang pinag-aaralan natin ngayon?" -Ms.Garcia

Tumayo naman ako sa inuupuan ko

"Our lesson for today is all about Science, Science is a systematic enterprise that builds and organizes knowledge in the form of testable explanations and predictions about the universe. In an older and closely related meaning,"science" also refers to this body of knowledge itself, of the type that can be rationally explained and reliably applied" at dahil dun napatahimik ang lahat at napanganga, napathumbs up naman si Shamara at yung limang cheerleaders bitterness overload, Well wala akong magagawa, nag advanced reading ehH

[A/N: Thanks to Wikipedia]

"Well, Very Good Ms. Flores, makakaupo kana"

Nang makaupo ako itinuloy ko ang pag te-takenote nang biglang agawin ni Quen yung notes ko , He's annoying! Ugali ba nito ang umagaw ng notes?! At mangambala ng ibang tao?!

"A...akin na yan! Nagsusulat ako ehH"sabi ko sa kanya ng mahina baka madistruct ulit si Ms.Garcia

"What if I don't? ibibigay ko lang to in one condition"sabi niya na may pa kindat pang nalalaman "As long as turuan mo 'ko mamaya sa lahat ng subjects natin"

"B...ba't ako pa, madami namang iba diyan ahH"

"Bahala ka, hindi mo na mahahawakan uli 'tong notebook mo at for sure hindi ka makaka-review at mababagsak ka sa nalalapit na exam"

"Okay fine, akin na yan para makapag-take note na ako at maturuan kita mamaya" wala ehH takot akong bumagsak sa exam

Ba't ba kasi magkasunod pa yung apelyido namin? At bakit ba kailangang Alphabetically arranged yung seating arrangement namin? At ba't ba hindi ako nasanay ehH palagi naman niya akong inaasar? at blina-blockmail? I hate him!

[A/N: Naku! The more you hate the more you love, kilig much]

And after a couple of minutes, Natapos na ang Science Class, at 30 minutes breaktime na namin
Kaya niyaya ako ni Shamara na pumunta sa Canteen. Umorder siya ng Pizza at Soda ako naman ay Cheesecake na paborito ko at ice tea.

"Grabeh, bestfriend ang galing mo talaga" sabi ni Shamara nang makaupo kami

"N...naku hindi naman, nagkataon lang na naka pag advance reading ako"

"Edi ikaw na ang studious, heheh patutor naman if you have time"

Naalala ko naman yung sinabi ni Quen kanina na magpapaturo siya and speaking of the devil He's here with his friends

"Hi Ms.Cheesecake" bungad ni Quen sa akin sabay upo sa tabi namin ni Shamara at yung barkada niya naman ay nagkantyawan bago pumila sa counter

"Ms.Cheesecake?" Naguguluhang tanong ni Shamara "at magkakilala kayo?"

The Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon