Chapter 1

4 0 0
                                    

Mayroon bang future ang mga kagaya namin?

Parang wala naman ata.

Kasi, bukod sa panlalait at pambabash na sinasabi ng ibang mga tao, yun lang yung nakikita kong dahilan kaya kami napapansin. 

Why can't they just accept LGBT Community?

Nasabi ba sa bible na bawal ang mga bakla, bisexual, transgender at mga lesbians sa mundo? 

Parang wala naman ata akong nababasa.

Linggo-linggo akong nasa simbahan,

Pero wala naman akong naririnig na bawal yun sa sermon ng Pari. 

Wala naman kaming na-aapakang tao.

Walang nasasaktan.

Pagsinabing bakla o bisexual, 

'Walang kinabukasan yan.'

'Salot yan.'

'Walang mararating yang mga yan.'

Bakit?

Kapag ba ganito eh, wala na agad mararating?

Sa katunayan nga eh, kadalasan sa mga mauunlad na tao bakla eh. 

Wala naman kase sa gender yan.

Nasa tao yan. 

Kaya wag nyong husgahan yung mga taong nakikita nyo lang sa panlabas nilang mga anyo.

Kasi kadalasan sa mga bakla, sila yung mga masasarap kasama.

Sila yung mga totoong kaibigan.

Sila yung mga mapagkakatiwalaan.

Kaya wala tayong karapatang manghusaga ng kapwa natin.

Kasi pare-pareho lang tayong nagkakamali at natututo.

Pare-parehong nasasaktan at bumabangon.

Pare-parehong nagmamahal at nagiging tanga.

Pare-parehong umasa sa mga taong akala natin na kaya tayong panindigan at tanggapin sa kung sino tayo.

Kasi, sa mga fairytales lang may HAPPILY EVER AFTER.

Sa teleserye lang may HAPPY ENDING.

Sa libro lang may FOREVER.

Sa movies lang may TRUE LOVE.

At sa buhay ko? Hindi ko inasahang may LIFETIME.❤❤

 


Lifetime.❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon