Chapter 3

3 0 0
                                    

Hindi naman talaga ako naniniwala na may taong magmamahal sakin ng totoo.

Yung hindi magsasawang mag-eeffort.

Yung nanjan palagi kapag kailangan ko.

Yung pagtitiisan yung mood kong magulo.

Yung hindi ako matitiis.

Yung sweet.

Yung handang tanggapin LAHAT sakin.

Yung ipagtatanggol ako. 

Yung mabait.

Simple.

Kahit hindi gwapo.

Basta kaya kong samahan sa lahat ng bagay,

Yung takot na mawala ako.

Yung gagawin lahat wag lang ako mawala sa kanya.

Yung hindi manghihinayang sa mga luhang papatak sa mga mata niya, wag lang ako mawala sa piling niya.

Yung mga ganon?

Kaso IMAGINARY BOYFRIEND naman yung gusto ko.

Malayo sa katotohanang magkatotoo.

Sa panahon kasi ngayon, 

GADGETS na ang INIINGATAN at TAO na ang PINAGLALARUAN.

Ganyan eh.

Uso na daw.

Lahat ng lalaki pare-pareho.

Jusko. Oo! Tama yun! 

Pero sa isang iglap, nalaman ko na may iba palang, iba sa kanila.

Nakilala ko si Maui.

John Mauico Declaro Rozal

Papunta akong practice namin nun.

Nakita kong may mga nagpapractice na.

Lumapit ako kay Charice nun. (Co-VSDancer ko)

May tinayo pala siyang grupo.

Vs Full Force, kaya pala may nagpapractice.

Nilapag ko yung bag ko sa tabi ni Jhay-ar.

Nakinood. 

Nilibot ko yung mga mata ko sa mga bagong mukha na nakikita ko. 

Dalawang lalaki, isang bakla at isang babae yung bago sa paningin ko.

Lumapit ako kay Charice.

'Ma? Sinu-sino po yan?'

Nanay-nanayan ko kasi si Charice.

'Ahh. Yung naka-itim si Maui, yung nakasando si Robert, yung bakla si Moja saka yung babae si Anne.'

'Ay. Siya ba yung Maui? Yung Ex mo?' 

'Oo nak.'

'Gwapo naman pala ma.'

'Oo nga.'

Una, nanonood-nood lang. 

Hmm, masyado siyang focus sa pagsasayaw. Pumunta ko sa harap. Tinignan ko siya ng harapan.

Mas pogi pala kapag harapan. :">

Pawis na pawis na siya. 

'Water break guys.' 

Sabi ni Charice.

Lumapit ako sa kanila. 

'Hi.'

Tinignan lang niya ko tapos ngumiti.

Napangiti rin ako. 

'Uhmm. Paul.' :)

'Hi. Maui.'

Tapos shakehands. Ayun. Lumamig yung kamay niya nung tinitigan ko yung mata niya.

Di ko na papalagpasin yung chance ko na maka-banat. :)

'Star ka ba?'

Habang nagpupunas ng pawis lumingon siya.

'Hindi eh. Bakit?'

'Ang sarap mo kasing titigan.' :">

Nginitian lang ako. -_- :3

'Uy, sana ulan ka nalang at lupa ako.'

'Huh? Bakit?'

'Para kapag pumatak ka, sakin ang bagsak mo.'

Nginitian lang ako. 

Pero natutuwa ko sa kanya. Actually, crush ko siya. :)

Although, alam ko naman na hanggang titig nanaman ako. -,-

Lifetime.❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon