new school..with my unexpected seatmate

13 0 0
                                    

"GISING NA.....Denise gumising kana.. alas kwatro na..!!!!!!!!!" tuloy tuloy na katok ng nanay ko sa pinto ng kwarto ko at nagsisigaw sigaw.. mas malala pa siya sa manok ng kapit bahay namin...

unat dito... unat doon.... sabay taklob ng unan sa mukha sabay sabing " 30 minutes nalang ma!! pwede???" sabay tulog ulit.. alam niyo kung bakit?? kase yang nanay ko mas marunong pa yan sa orasan namin sa bahay advance ng 30 minutes kung mang gising.. sasabihin nya sayong 4 oclock na pero 3:30 palang naman ng umaga.. nice alarm clock dba??

"Denise ano ba?? tumayo ka na dyan.. unang pasukan niyo sa bago mong school tinatamad tamad ka na naman  dyan.. maghahanap ka pa ng room mo" katok ulit niya..

"kainis!! oo na.. yan na bumangon na po"' sapilitang bangon ko.. nga naman may point ang nanay ko..   bago ang school ko baka mamaya mas malaki pa yun sa dati kong school. bumangon na ko at pumunta ng banyo, nag ritwal at tadannnnnnnnnnn.. ready to go na ang lola mo hehe..

after kong magbreakfast.... "Ma, alis na ko".. grade six pa lang ako pero nagtataka siguro kayo kung bakit di ako nagpahatid sa first day of school ko, syempre ako pa.. once na dinala ako sa isang lugar solo ko na agad yun.. hehehe dinala na kase ako ng mother of earth ko dun sa school ko nung nag enrol ako.. : )) pero di ako nakapasok sa pinakaloob nun kaya di ko alam kung malaki o maliit sya.. pero public school lang din sya.. di naman kase kami mayaman.. tama lang.. 

-BARYO MAKINANG ELEMENTARY SCHOOL-

Pagkababa ko sa jip... bumaba ako na parang artista.. heheh wearing my beautiful smile for this beautiful morning..  pagkapasok ko sa gate... lingon dito.. lingon doon.. "wow! kung ikukumpara sa dati kong school mukhang mas the best nga ito.." manghang mangha kong pagkakasabi sa sarili ko.. "grabe.. ang laki! parang private.." nakanganga pa ko nyan habang namamangha.. dahil nga sa maaga pa naman dahil sa suggestion narin ng nanay ko.. naglibot muna ako para masaya naman.. hehe sulitin na natin... 

libot dito... takbo dun... ang dami kaseng puno.. sarap matulog sa taas... pagkatingin ko sa puno ng mangga.. lalo akong namangha sa dami ng bunga nito.. ang sarap lantakan.. at dahil dyan umakyat ako.. magaling yata tong umakyat.. hehe pagka akyat ko..  tyanannnnn "patay ka saking mangga ka mamayang uwian.. bwahahahahaha" tawa ko ng malakas na na parang witch na kala mo may kukulamin. sabay...

"Hoy!! anong ginagawa mo dyan liit??"

"ay palakang may anim na paa" napahawak ako sa isang sanga dahil baka mahulog ako.. mataas kaya.. sino ba kase yun.. inaayos ko muna yung pagkakahawak ko sa sanga at saka  tumingin sa baba.. at wow!! dito rin pala nag aaral ang ugok na to.. as usual yung lalaki lang naman na nag sampal sakin ng bola khapon remember him??..

"hoy!! liit bumaba ka nga dyan!!" sabi ng lalaking palaka..

"excuse me... frog!?? iyo narin ba yung puno nato at bawal na rin akong umakyat?? at pinapababa mo na ko?" syempre mataray kong sabi... kala niya a..

"excuse me din liit.... dio naman sa ganun.. pwede ka namang umakyat dyan kahit anong oras... ang akin lang nakakasira ka ng view ng langit." sagot ni frog.. anong ibig nyang sabihing nakakasira ng view?? tong ganda ko??

"wow a.. makasira ka naman prang pinalitan ko na yung langit at imbyernang imbyerna ka...  bakit ba?? ano bang problema mo??" nakakinis na sya a. papatulan ko nato..

"nakapalda ka kase kaya.." pagkakasabi niya ng mahina..at nakangisi pa ang loko

wait....

loading....

loading....

loading..

"waaaaahhhhhhhhhhhhh" oo nga pla.. naka panty lang ako.. huhu ayoko kaseng magshort pag mag uuniform ako e.. at POINKS!!  nalaglag lng naman ako sa puno.. ANG AKING PANGALAWANG KATANGAHAN.... pero teka???? patay na ba ko?? 50/50???... bkit parang humihinga pa naman ako?? wait.... malambot.." aray!! ang sakit.. ang bigat mo liit.. tumayo ka na dyan" hala nagsasalita yung malambot na medyo matigas tigas kong kama.. nang idilat ko yung mga mata ko ng..........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang puso kong walang utak...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon