Nga pala bago ang lahat... magpapakilala muna ako tulad ng sa isang classroom na laging sinasabi ng teacher na "please introduce yourself..." o di kaya nmn sa isang chat box na "nasl please"..
Ako si Denise, merong napakagandang pangalan na naglipana lang nman sa buong mundo sa dami kong kaparehas.. minsan nga naiisip ko.. nakapag print din ba ang nanay ko ng 5 pages na may 500 names na pagpipilian, siguro wala pa tlgang printer that time... o di kaya minadali magawa ang birth certificate ko kaya di na nya gaanong pinag isipan.. well dahil sa pangalan ko na yan, di ko na sasabihin ang apelido ko.. di namn ganun ka importante dahil di naman tunog mayaman at nasabi na rin na naman ni author sa prologue..
Nagsimula akong magkaron ng buhay nung September 06,1992.. at na realize kong mahirap pla ang mabuhay na maging isang ako.. at naramdaman ko palang to nung bata palang ako...
Nong bata palalng ako palipat lipat na kmi ng bahay... lipat dito lipat don... inisip ko nlng siguro pangarap lang tlaga ng mga magulang kong libutin ang buong mundo at sinimulan lang nila sa maynila... at dahil dyan palipat lipat din ako ng school na pinapasukan..10 years old ako ng mapagod ang mga magulang ko kakalipat at sa wakas... napirmi din sila.. laking tuwa ko lang ng mga panahong yun..
"Ma, dito na po ba tlaga tayo FOREVER" diing diin kong pagkakasabi sa last word sa nanay kong bising bisi sa paghahakot ng kokonti naming gamit. at dahil bata pa ko kaya ganyan ako kagalang
" oo nak.." pagkakasabi niya ng halatang di pa sure.. napasimangot tuloy ako at niyugyog ko po sya habang sinasabing " SURE na bayan? bka bukas makalawa sa africa na tayo lilipat ulit.
"wag ka ngang magulo dyan, di nakaktulong yung pagtatanong mo... lam mo ba yun?? buti ba kada salitang lumalabas dyan sa bibig mo e nakakatupi ng isang pirasong damit, di naman dba??" pahayag lang nmn ng nanay kong kala mo napakaraming liligpitin... di naman.. napanguso nalang ako at napatingin sa bintana habang pinapanood ang mga naglalaro sa labas takbuhan..
Dahil sa mahiyain ako nung bata ako na di naman halata na sa totoo lng e mataray tlaga ako... nagkulong ako sa bahay ng isang linggo hanggang sa naisipan ko libutin ang mga bahay bahay sa labas at panoorin ang mga batang naglalaro na akala mo wala ng bukas.. at sa pinakaboring kong araw yun pala ang umpisa ng buhay kong pagsisisihan ko habang buhay..
Nakita ko ang isang batang lalaki, di naman kaputian pero nakakaakit ng pansin.. habang naglalaro ng sipaan ng bola.. at dahil sa panananching ko.. ng biglang may sumigaw ng...
"ilaaaaaaaaaaaaaaag" mula sa lalaking kanina ko pa tinitingnan... at di ko namalayan na ang bola pala e parating sakin.. dahil sa pagkabigla ko di ko na naintindihan ang salitang ilag.. at POINKS... ang katangahang nagawa ko ngayong araw na to.... ay ang di umilag..
"ouch... ang sakit...." syempre masakit tamaan ka ba nmn ng bola sa mukha d ka masasaktan??
"ate??? okei ka lang po" tanong ng lalakeng ubod din ng tanga sa pagsipa ng bola.
"try ko sayo gusto mo?? ng malaman mo yung sagot sa katanungan mo?? tska bingi ka ba?? nag ouch ako dba??" mataray kong pagsagot sa lalaking di ko na napansin ang kagwapuhan dahil sa sobrang galit.
"ang taray mo naman, ouch kase yung pagkakasabi mo.. ibig sabihin nun kunwaring masakit, d mo ba alam yun miss sungit?" mahabang lintanya niya..
" at paano mo nalaman mr. yabang?? ikaw ba ang nag imbento ng salitang yun?? ouch english un ng aray?? pinaganda ko lng," sarkastikong pagkakasabi ko sa kanya, habang sya ngingiti ngiti dyan na prang tuwang tuwa na nkikitang nasasaktan ako.
"tutal mukhang alam mo naman lahat ng word sa dictionary at mas nauna mo pang naipaliwanag ang pag OUCH ko kesa sa paghingi mo ng sorry, bkit di mo na gawin ngayon?? gusto ko 100 times, ng mapatawad na kita ng 50 %" dugtong ko..
"Hahhahahahaha alam mo ate?? para kang matanda magtaray na mag memenopause na.. tska kung makapagdemand ka prang pag aari mo yung lugar na to, at isa lang ako sa mga achay mo a.. ate?? sorry.. once is enough two is two much and 100 times is overdemanding... ok?? so sorry dahil tanga ka at pagala gala ka sa lansangan na to." pagkakasabi niya ng ngiti ngiti pa.. upakan ko kaya to... isip isip ko... at dahil nga sa inis ko pinagtatawanan na pla kmi ng mga kaibigan niya siguro... di ko alam kung kami tlga ang pinagtatawanan o ako tlga.. at dahil sa sobrang gigil ko na at takot pa kong makapatay ng tao dahil bata pa lang ako.. tumakbo na ko papunta sa bahay..
Sa pag kapahiya ko na yun, iniwasan ko ng wag ulit maglibot sa pangit na lugar na to na nagkalat din ang mga pangit na tao isama niyo narin yung mayabang na yun na kala mo gwapo... hmmmp... sa sobrang inis kopumasok na ko ng kwarto at pinanggigilan ang kawawa kong unan..
"waaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh... bwisit siya.. bwisit sya.. masyado syang mayabang.. kala niya kung sino sya.. feeling nya sya yung kapitan dito kung mkapagsalita prang sya ang may-ari ng lugar na to hmpp!" sa inis ko di ko na napigilan ang di sumigaw, na siya namang pag entra mng nanay kong bagets...
"hoy!!kung makasigaw ka prang wala kang kapit bahay a.. panu kung mapagkamalan nilang nasusunog bahay natin kakasigaw mo dyan?? mag isip ka nga??" yun lang naman ang bungad niya skin...
"e kase naman ma.... kaw ba naman ang may makilala lang panget na ubod ng yabang sa labas tapos tamaan ka pa niya ng bola niya di ka maiinis" pagtataray kong sagot sa bagets kong nanay..
"sampung taon ka palang pero yung talas ng dila mo kung mkasabat parang kapit bahay mo lang ako a.. ay naku anak tigilan mo nayang kakasigaw mo at pakikipag usap mo sa sarili mo mag isa.. bkit kaya di mo nalang kwento sa pagong?? at ng di ka dyan nagsasalita mag isa.. " mahabang lintanya niya dahil lang sa pagsigaw ko..
" wow!! nice suggestion ma... and i forgot sunday pala kaya may misa.. kaya dapat magpakabait pala po ako para di masyadong mahaba ang sermon" hehe
"oo nga pala.. bukas start na ng pasok mo.. kaya ayusin mo na yung gamit mo.." pag uutos ng idol kong nanay..
"yes po ma.. improving kayo ma ah?.. may nalalaman ka pang start start a.. akalain mo yun.. hahahaha" tawa ko ng malakas sapag walk out niya pagkasabi ko nun.. pano?? nakuha na naman niya siguro yun sa mga bago naming mga kapit bhay.. ms. friendship kaya yang nanay ko nung sumalli yan sa pageant ng BINIBINI NG PALENGKE.. hahahahah.. nga pla bukas pasukan na namin.. pinaalala pa kase ng nanay ko hayyyy.. iisipin ko palang tinatamad na kong gumising ng maaga kahit di pa ko natutulog hahah.. pero exciting din kase nga dba??? bago lang kami dito, so it means bago na naman ang school ko, kaya nakakaba kaba din kahit papano.. hay salamat nalang grade six na ko.. makatulog na nga.. -_- zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz..
BINABASA MO ANG
Ang puso kong walang utak...
De TodoNaranasan mo na bang magmahal ng di ginagamit ang utak??? kahit pa may kakayahan kang gamitin ito.... at may mga oras talagang maiisip mo na lamang ng utak mo na mali na pala ang lahat ng sinasabi ng puso mo kpag tapos na ang pangyayaring yun.. toto...