I confess.

26 0 0
                                    

"Ang pogi pogi talaga ni jerome ponce grabeeeeeeee. Omgggggg! I wanna dieeeeeee."  Habang liliyad liyad na sabi ng bestfriend kong si Celina.

"Loka ka talaga, Lagi ka nalang nagpapantasya." Sabi ko habang iiling iiling natatawa.

"Hay nako jean. Napakaloyal mo kasi eh. Puro ka nalang Josh. Si josh ganto, Si josh ganyan, Si josh.BLABLABLAABLAHHH. ni hindi mo nga masabing mahal mo sya, Puro tingin ka nalang lagi sa malayo. nakaw tingin ang peg mo bessyy!" Sabi saki ng bestfriend ko. 

"Suuuuus, Wag kang mag-alala celina, Humahanap lang ako ng tsempo. Sasabihin ko na talaga sa kanya eto. With matching sampal para damang dama nya. De joke syempre di ko magagawa yun. Loves ko yun eh." Natatawa kong sabi.

"Oh my Josh! Speaking of the devil. The devil is there." Turo sa 'kin ng bestfriend ko.

"Asan bessy?" Lilinga linga kong tingin, Hanggang sa makita ko na sya. 

Hayyy, Ang gwapo talaga nya. Maputi matangkad

Mabaet at gentleman. At may killer smile..

So tell me?! Sinong hindi maiinlove kagaya nya? Kahit na sa malayo ko lang sya tinitignan lagi.

Ako si Jean Sarmiento, Isa ako sa mga babaeng patay na patay kay Josh Cruz, Matatawag na nga ata akong stalker kasi alam ko kung saan saan sya nagpupunta eh.

Unang kita ko pa lang sa kanya iba na yun tibok ng puso ko.

Eh mas makulit yun puso ko sa akin.So ayun. Final stage na nang pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya.

Nakakatawa ba?

Mainlova sa isang taong sa malayo mo lang nakikita..

KUNG OO. TATAWA NALANG AKO FOEVAHHHHH!

Tinitigan ko lang sya habang naglalakad papuntang canteen.

"Oyyy si bessy, Kung makatitig para wala ng bukas!!" Asar sa 'kin ng bestfriend ko.

"TS-TSEEE! TUMIGIL KA NGADYAN." Saway ko habang ngingiti-ngiti.

"Haha, Oo na kahit halatang halatang kilig na kilig ka dyan." Sabi sakin ni bessy habang tawa ng tawa.

"Eh kasi oh. Parang anghel yun nilalang na yun." Sabi ko habang akap ang bag ko.

"Magtapat ka na kasi sa kanya. May party bukas, lahat ng BA Students required umattend, Doon mo gawin un dapat mong gawin." sabi sakin ni bessy 

Napaisip ako saglit.

Sa tingin ko ito na yun right time.

Sa tingin ko dapat ko ng sabihin to,

Sa 3 years na nakaw tingin at sulyap ko sa kanya.

Kailangan kong sabihin 'to.

"Okay bessy, Tulungan mo kong maghanda, Kailangan maganda ako."

Sinamahan ako ni bessy na bumili ng damit at shoes, Kung saan saan kami pumunta para bumili ng susuotin at shoes. Grabeng pagod ang inabot namin. at take note! Nagpareserve pa 'ko sa isang beauty salon. Oo ganyan ko kamahal si Josh. Gusto kong maging maganda sa paningin nya.

KINABUKASAN..

7:00 PM

Nandito ako ngayon sa gymnasium ng school namin kung saan gaganapin ang party.  Hinihintay ko ang bestfriend ko. Ay nako babaeng yun oh. Laging late.

"OH MY GOLLY' GOSH. Izz that you bessy?" nanlalaking matang tanong sa 'kin habang umiikot sa 'kin.

"Hehe, Bagay ba bessy?"

"Sino nagsabing bagay?" Asar sakin ni bessy.

"Gusto mo konyatan kita? Ikaw naman bessy ohhhh!!"

" Tange!! Ang ganda ganda moo!!"

"Hahaha. Salamat bessy. The best ka talaga."

"Osya sya. Hanapin mo na ang dapat mong hanapin at sabihin mo na ang dapat mong sabihin." Sabay kiss sa 'kin ng bestfriend ko.

Nagsimula na ang party, Maraming nagsasayawan. Hinanap ko si josh, Nakaupo lang sya,

Lumapit ako..

"Josh Cruz!" tawag ko sa pangalan nya. Kinakabahan ako. pero sabi ko sa sarili ko dapat gawin ko na to.

"Hmm.. yes Jean?"

"T-teka. Paano mo nalaman pangalan ko?"

"Dati, Nakita kita sa court nalaglag yun ID mo inabot ko. Ayun."

"Ahhhh ganon ba. Pwede ka ba makausap?" Sabi ko habang nanginginig.

"Oo naman" Sabi nya sabay ngiti.

Nasa likod kami ng gymnasium.

"Hmmm. Josh.. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan to. It's been 3 years since nun nakita at nakilala kita.."

"H-huh?.."

" lagi nalang kitang nakikita, lagi kang nasa isip ko.. sa tingin ko josh MAHAL NA KITA.." Sabi ko. Habang nakapikit.

Tahimik lang si josh.

Mayamaya.

"A-ano kasi.. Jean, Di ko matatanggap yan pagmamahal mo..

May mahal na kasi akong iba..:

Nablangko ako at bigla nalang may tumulong luha sa mata ko.

"Sorry jean." At umalis na sya.

I confessed my feelings sa lalaking 3 years ko ng sinusulyapan.

sa 3 years na yun. Naging masaya ako. Napangiti ako sa bawat ngiti nya. nalungkot ako sa bawat lungkot nya..

Sa 3 years na yun. Nagtapat ako ng pagmamahal sa kanya.

Pero siguro ganto talaga.

Dapat handa ka sa kahit anong mangyari kung sakaling.

Magiging honest ka sa feelings mo.

END.

---------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Nakakalungkot ba? Hehehe. Sorry naman.

The 4 truths about love. (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon