Chapter 1

31 1 0
                                    

KC's POV

Ayan na! Nararamdaman ko na talaga! Habang nakahiga ako dito sa fluffy princess bed ko, I feel like his face is just an inch closer to mine. Oh my Prince Charming!

*______________________________*

Teka, eto na yung part na magkikiss kami. Naku, palapit ng palapit na yung mukha niya sa akin!

Ayan na!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"ARAY!"

Teka lang, kaninong papel ba ang tumama sa aking ulo at nagising naman ako sa ala-fairytale kong panaginip?

"HOOOOOOOY! Magsi-ayos nga kayo! Nasira tuloy yung beauty sleep ko!"

At biglang natahimik. Hah! Ang galing ko noh? Isang sabi ko lang nakikinig silang lahat.

Sila ang IV-St. Jude. Sila ang pinaka maingay, pasaway, magulo at pinaka the best na section sa buong highschool!  Tuwing walang teacher o may emergency meeting ang faculty members, dito ako naka-assign sa kanila upang magbantay.

"Ate KC, sorry ha? Di ko sinadya yun. Di ko alam na tatama pala sa'yo yung papel."

Siya si Andrew. Siya ang class chairman ng section ito. Just so you know, palaging nasa violation record ang kanyang pangalan at suki siya ng Discipline officer. Pero kahit ganun siya, isa siyang mabuting tao at responsable na chairman.

"Hay naku, kayo talaga. Magchecheck na lang ako ng attendance."

Kinuha ko yung attendance record sa harapan ko at nagsimula na sa pag-checheck.

"Mary Joy Abaldo?"

"Present po!"

"Andrew Acosta?"

"Present!"

"Jessica Bernardo?"

"Ate KC! Present po!"

"Chloe Grace Campos?"

"Here!"

"Anjelo de Asis?"

.............................

"de Asis?"

"Siguro hindi siya papasok ngayon?" said Kean. He's also one of Anjelo's friends. Actually, best friends silang tatlo nina Andrew. The naughtiest trio of the campus. Pero huwag mong i-smallin, ubod ng yaman at kagwapuhan ang mga lalaking to.

"Baka late lang siguro yun?" 

Tama si Andrew. Eh palaging late naman yung isang to eh.

"Present!"

Lahat kami napatingin sa pintuan.

"Oh, ayan na pala siya." wika ni Andrew.

"Naku, pasalamat ka at hindi ko pa binanggit ang sumusunod na pangalan or else absent ka." I flashed him a sarcastic smile.

"Sorry KC!" 

"Mas matanda ako sa'yo noh, dapat Ate yung tawag mo sa'kin."

"Eh kasi, pag tinawag kitang Ate, parang nakakatanda lang. Magkasunod lang tayo ng edad diba? At saka masyado kang maganda para tawagin na Ate."

Naks. Sabi ko nga ba eh. Maganda naman talaga ako. Kahit hindi pa sinabi yan ng nanay ko, alam kong ala-Anne Curtis ang peg ko!

"Uyyyyyyyy! Si Ate KC, kinilig!" 

Oh my gulay, why are they teasing me? O____________O

"Kayo ha? FYI, hindi ako kinilig. Talagang maganda naman ako kaya ngumiti ako. At si Anjelo, parang kapatid ko lang to."

"Kapatid lang ba KC?" he turned towards my direction and gave me that.. Uh.. Puppy eyes.. EW.

"He-he-he. Ikaw talaga! Oh sige na. Umupo ka na dun!" hinawakan ko ang mga braso niya at tinulak papunta sa upuuan niya. 

Siya pala si Anjelo de Asis. Son of Dr. and Dra. de Asis, the university's dentist. If you ever get to see Anjelo, I swear, you'll drool and see hearts floating all over. Kilala si Anjelo bilang isang Campus Hearthrob, mapa-elementary, highschool o college man, halos lahat ng babae at bakla dito patay na patay sa kanya. Except for me. Parang kapatid lang kasi ang turi ko kanya. Silang tatlo ni Kean at Andrew actually. Dito rin kasi ako nag-higschool, kaya magkakilala na kami noon pa.

*1 hr later*

Hay salamat. Recess na ng Highschool. But wait, may dalawa pa akong subject na papasukin eh.

-______________________________-

College life talaga. 

Pumunta ako sa College building at doon, nakasalubong ko ang aking mga kaibigan. 

"Uy KC!" 

Siya si Coleen Fortalejo. BS Tourism Management. She likes alternative stuffs like mixing punk fashion with chic looks. Magaling siya sa skateboard at longboard kaya huwang ka nang magtaka na hindi siya nag-cocomute. 

"Hi guys!" Umupo ako sa tabi nila at nakipag kwentuhan.

"Grabe, ang init talaga ng panahon ngayon. Parang gusto kong pumasok sa loob ng ref!"

At siya si Sofia Javier. BS Toursim Management. She's the fashionista of the group. She likes ghetto fashion the most but she changes her style due to her mood and the ocassion. Siya talag yung pinaka-addict sa KPOP na nakilala ko. She's a big fan of Bigbang (kpop boy group) and likes to do covers. A lot. 

 "Alam mo naman teh, ang Pilipinas ay isang malaking oven."

Aaaaaaaand that's Lei. Borned Leonardo Jose Aquino but preferred to be called as Lei. BS Accountancy. I know, isa siyang dakilang bakla pero the best bakla in the whole world! She's my best friend since kindergarten. She knows more about me than I know myself. She knows if I'm telling a lie or something is going on with me. Magkasama kami palagi sa lahat ng problema sa buhay. Kaya huwag rin kayong magtaka na baka magiging kami sa huli. Di, joke lang. -____________-

*bell ringing*

"Oh, ayan na pala ang bell guys. Sige, magkita na lang tayo mag lunch!"

We bid each other goodbye nad pumasok na ako sa classroom ko. Hmmmmm wait, parang pinakilala ko na lahat ah? May kulang pa ba? Ay oo nga pala. Hindi ko pinakilala yung sarili ko. Oops. ^____________^

Hi! Ako pala si Kaila Christine Rivera, KC for short! BS Biology ang course ko. Bata pa lang ako, pangarap ko na maging doktor, kaya ginagawa ko lahat upang matupad ito. NBSB po ako. Hah! Bakit? Di ka makapaniwala noh? Sa ganda kong ito walang boyfriend? HEHEHEHEHEHE. K. 

Hopeless Romantic akong babae. Gusto ko talagang magkaroon ng relationship katulad yung nasa movies. Mahilig rin ako magbasa ng mga love stories especially Sonia Francesca's PHR series! My gosh, idol ko talaga siya! Halos lahat ng character ng lalaki sa stories niya, eh type na type ko talaga! Naniniwala ako sa happily ever after at alam kong magkakaroon rin ako niyan. Just wait and see... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magically I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon