Chapter 1

103 0 0
                                    

CHAPTER 1

Katatapos lang ng Finals! Woooh! I can't believe we survived 1st year college. Pare-pareho kami ng nararamdaman ngayon. Gusto naming maghihihiyaw! HAH! At parang ngayon lang pumasok sa utak ko na wala nang hell weeks, summer vacation na! Bigla nalang ako napasigaw..

"WOOOOOH! I SURVIVED 1ST YEAR! TARA TARA! CELEBRATE TAYO!," I said cheerfully habang lahat naman sila ay nag-weird look sakin.

"Whaaaat?!" I asked, annoyed.

"Ano te? Absent ka ba? San ka galing?" said Sid, the prettiest GUY in our barkada. Yes, prettiest, mas babae pa tong binabae na to sakin e.

I looked at him with a questioning look. "Haaa? Di ko gets."

"Kasi naman te, kanina pa namin napagdesisyunang magkaraoke at maginuman! Umalis ka ba nang hindi namin nalalaman? Masyado kang late" said Sid.

At dun na nila ko sinimulang pagtawanan at pagkaisahan. Sus! Lagi naman. Hindi naman ako ganun ka-slow.

"Anong bago dun? Slow naman talaga yan." bored na sabi ni Paul. Napatingin kaming lahat sakanya. Malamang ay pare-parehas kami ng iniisip, 'Nagsalita si Paul? :O'.

Normally kasi, mag-eearphones lang yan pag maingay na kami at ipapakitang hindi siya interesado. Sa seryosong usapan lang yan nagsasalita. Nanahimik ang lahat.

Napangiti na lang ako. >////< tss! Hindi ako kinikilig! Ang gwapo lang talaga ng boses niya. Hihihi! Nagsalita siyaaa!

"Oh ano? May anghel?" sabi ni Robert. Sabay tawa naman ng lahat. "Ang lakas mo talaga Paul! Nagpapatahimik pala boses mo!"

"Tss." said Paul habang.. Namumula? Hahahaha! Ang cuuuute!

Habang pigil na pigil naman ako sa kakiligan na ito, biglang may umakbay sa akin. Sabay bulong sa tenga ko ng, "Hi babe!" Si Hans. Ay nako! San naman to nanggaling? Parang kabute.

Napa -___- naman ang muka ko. Epal to. Inalis ko ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin at siniko ang sikmura niya. "Tigilan mo ko! Landi mo."

Nagbago naman ang mukha niya na parang nasaktan. "Ouch babe, lagi mo nalang akong nirereject!" tumawa naman sila. I just rolled my eyes at them.

"San ka na naman ba galing Mendoza?!" tanong ni Kuya Kevin.

"San pa ba? Syempre-" Hans started but was cut-off by Rob

"Nangchix?"

"Yuuup!"

"Landi mo talaga." I said.

"Ay patay nagselos na" Rob said.

Everyone laughed. Ngiting aso na naman si Hans at kumindat pa sakin.

"Aaasa." I said firmly while rolling my eyes.

Naglalakad kami ng barkada palabas ng Gate 1 ng university at malayo layo pa kami. Mahaba talaga ang lakaran dito, pero sanay na kami. Oh i almost forgot, let me introduce you to my barkada:

Sid - Simon Denzel Pascual, Sid para di masyadong lalaki pakinggan. Ang magiting na taga-okray sa barkada. Yes, he's gay. But.. wag ka! Nagka-girlfriend yang si bakla! Siguro na-trauma kaya naging babae din. Hahaha! Siya yung tipo ng bakla na malandi! Kabog kami pag kumendeng yan! Aliw na aliw ako sa baklang yan. Hahaha!

Paul - John Paulo Clemente, ayaw niyang tawagin siyang 'John' dahil napaka-common daw ng name na yun. Parang yung 'Paul' hindi? Tulad ng sinabi ko, siya ang pinakatahimik sa barkada. Tumatahimik siya pag maingay na kami. Pero pag sila-sila lang ng boys, dumadaldal yan. At pag seryoso ang usapan, yeah nagsasalita siya. Ewan wala na kong masabi kundi... siya ang pinaka-gwapo sa mga mata ko! >_< Isa siya sa mga hearthrob ng university na to at tinitilian ng mga babae dahil 'package' na daw siya. Mayaman, gwapo, matalino, at.. mabait? Ewan.

Torn Between.. Three?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon