Chapter 2

15 1 0
                                    

Saturday na. Pupunta kami ni mama kasama sina Keith at ang mama nya sa mall.

Ganito kami lagi. Every Saturday, kasama namin ni mama sila Keith at tita (mama ni Keith). Pero, minsan pumupunta kami sa park, minsan naman ay sa mall. Kapag Sunday naman, kami lang ni mama at sila lang ni tita at ni Keith, pero, sabay-sabay naming apat nagsisimba. Pagkatapos lang ng mass, dun kami naghihiwalay.

Wala na kasi naming papa ni Keith. Namatay sila ng magkasama. Isang car accident. Kasama nga dapat kami ni Keith sa accident na 'yun, eh. Pero, bago pa umalis yung kotse, di na kami pinasama ng mga papa namin. Saglit lang daw kasi sila. Babalik lang agad. Pero, nabalitaan namin na naaksidente na sila at dead on arrival na sa hospital. 5 years old pa lang ako nun, habang si Keith ay 6 na. 10 years na rin pala ang lumipas pagkatapos ng accident na 'yun. Oo, nalulungkot pa rin si mama at tita pero, di na tulad ng dati na iiyaka agad sila at matagal silang tumahan dahil sobrang sakit. Di naman namin sila masisisi.

"Rrriiiinnnngggg..... Rrrrriiiinnnggggg....." Nagri-ring ang cellphone ko na nakapatong sa table na katabi ng kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko pero, di ko tiningnan kung sino yung tumatawag.

"Hello?" Sa boses ko, halatang kakagising ko lang.

"Don't tell me, tulog ka pa?!" Biglang dumilat ang mga nakapikit kong mga mata habang pinatong ko lang ang phone ko sa tenga ko. Kilalang-kilala ko ang boses ng taong kausap ko.

"Keith. Ang aga-aga, mambi-bwisit ka?"

"Di naman.... Kasi, baka ma-traffic tayo. Kaya tumayo ka na."

"Wala namang pasok, di ba?" 

Tinatamad akong bumangon pero, yakap ko pa rin ang malaking teddy bear ko. Humikab ako ng sandali at sinabi ko sa kanya... "Saturday naman ngayon, eh. Sa-" Bigla akong natigilan at nanlaki ang mga mata ko. Tumingin ako sa calendar at orasan. Malapit na mag-8 a.m. "Ahh!!!! Keith?! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?! Dapat kanina pa!" Sabay tayo sa kama ko.

"Haha... Malay ko ba na tulog ka pa. Sige na. Bilisan mo na, gutom na ko. Baba ka na dali."

"Oo na. Oo na. Sige na. Maliligo na ko." Binaba ko na ang phone ko at hinagis ko sa kama. Pero, di naman ganon kalakas. Ayaw ko pang masira yung phone ko no. Pagkatapos kong maligo at magbihis, bigla akong natigilan sa pagbukas ng pinto. Bigla akong nagtaka.

"Bakit sinabi ni Keith kanina na gutom na sya? Di ba sya kumain ng breakfast sa kanila? Teka..." Binuksan ko ang pinto at bumaba ako. Pumunta ako sa dining area, at nakita ko ang mokong. Naglalaro ng COC. Nakaupo sya at may kaharap syang breakfast meal. Pero, di nya pa yun nagagalaw, kahit konti. Napansin nya ko at tumingin sya sa'kin.

"O, andyan ka na pa-" Bigla syang natigilan. Nakatulala sa'kin. Ano kayang nangyari sa mokong na 'to? Siguro sa gutom lang. Lumapit ako sa kanya.

"Hoy!" Sabay lapit ko sa kanya ng mukha ko.

"Ano? Kakain ba tayo o tititigan mo na lang ako. O maglalaro ka na lang dyan ng COC?"

"Syempre, kakain." Umupo na ko. Magkaharap kaming kumain. At sya naman ay kumuha na ng rice. Tumingin ako sa paligid.

"Asan si mama, Keith?" Bigla kong tanong sa kanya habang kumukuha na din ako ng rice ko.

"Pumunta sa bahay namin. Pinuntahan si mama." Magkapit-bahay lang naman kasi kami.

"Ahh..."

"Kain ka na. Baka ma-traffic pa tayo."

"Opo. Kakain na  po."

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin at biglang nag-ring ang phone ko. May tumatawag. Pero, di ko sinagot ng pagkatingin kong si Albert. Si Albert ang lalaking nagungulit sa'kin kung pwede nya daw akong ligawan. Pero, ang lagi kong sagot ay "Hindi". "No". "Never".

Bumalik ako sa pagkain ko. Tinanong ako ni Keith kung sino yun. Sinabi ko naman na si Albert.

"Alam mo, di ko ma-gets si Albert kung bakit ka nya di tinatantanan. Ba't di na lang sya maghanap ng ibang babae dyan." Napatingin ako sa kanya. Tama si Keith.

"Yun nga ang sabi ko sa kanya. Pero, parang wala syang naririnig." Bumalik ako sa pagkain.

"Di a alam ng sira ulong yan na di sya dapat ang maging boyfriend mo, ha?" Napatingin uli ako sa kanya. Na parang tinatanong ng mata ko sa kanya na "Sino pala dapat?"

"Uh.. Ka-kain ka na. Si-sige. Pu-Puntahan ko na muna si-sila mama sa bahay. "Pautal-utal na tumayo ang mokong. Tiningnan ko sya habang papunta sa pinto.

"Huy, di mo pa tapos tong breakfast mo, o. Keith."

"Uhh.... Busog na ko. Sige na kumain ka na lang dyan. Pagkatapos mo, punta ka na lang sa bahay." Sinarado na nya ang pinto bago pa ko makapag-salita.

"Ano kaya nangyari dun? Kapag nababanggit nya talaga tungkol dun, lagi na lang umaalis. Parang may tinatago sa'kin." Tiningnan ko yung plato nya na may kanin pa at ulam na di nya inubos.

"Hmp! Bahala nga sya. Sya naman yung magugutom mamaya." Pagkatapos kong kumain at magligpit at isara ang bahay, pumunta na kami nila mama kasama ang mama ni Keith. Si Keith ay nasa likod namin. Nakayuko at parang malalim ang iniisip.

Bakit kaya? Weird sya ngayonIto yung naiisip ko. Kakaiba talaga kasi ang kinikilos nya. Masyado syang tahimik. Hindi yung sobrang ingay nya. Nakakapanibago lang talaga kasi sya ngayong araw. Hanggang sa pag-

Unspoken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon