Chapter 3

14 1 0
                                    

Keith:

"Di ko alam kung bakit di ko kayang ipagtapat sa kanya na gusto ko sya. Na may nararamdaman ako para sa kanya. Siguro nga.... Siguro nga ay takot ako. Natatakot ako na baka mawala ang pagkakaibigan namin. Keith, kaya mo 'to. Sabihin mo na sa kanya mamaya."

Ito na naman ako. Nag-iisip ng kung ano-ano. Siguro nga duwag ako. Torpe. Pero, wala akong pakialam. Basta ang mahalaga sa'kin, totoo ang nararamdaman ko para kay Ellie. Walang halong biro. Yes. I'm in love with my Best Friend.


*********


Third Person's POV:


"Mama, hanggang kailan po ba tayo sa bahay ni lola?" Tanong ni Ellie sa mama nya na nagluluto ng lunch nila.

"Sa isang araw, uuwi din tayo dito." Napatingin ang mama ni Ellie sa kanya.

"Bakit? May problema ba dun, anak?"

"Ha? Wala po mama. May gagawin pa po kasi akong project sa school, eh." Yun ang sinabi ni Ellie sa mama nya. Pero, di talaga yun ang dahilan. Gusto na nya kasing aminin kay Keith na gusto nya to.



[the day of Ellie's 16th birthday]

"Knock knock."

Napalingon ang mama ni Ellie sa front door ng bahay. Kilala nya ang boses na yun. Lumapit sya at binuksan nya ang pinto at tama ng ang hinala nya...

"O, Keith. Ikaw pala."

"Hi po tita. Si Ellie po?" Pumasok si Keith at biglang hinanap si Ellie. Sinabi ng mama ni Ellie na ito'y nasa room nya kaya.

"Knock knock" Kumatok si Keith sa kwarto ni Ellie.

"Sino yan?" Napalingon si Ellie sa pinto ng room nya.

"It's me. Your handsome BFF." Wow ha?! Grabe talaga ang tingin nito sa sarili nya. Yun ang isip-isp ni Ellie. Pero, kung titingnan mo sya, totoo naman.

Binuksan ni Ellie ang pinto at pagkakita kay Keith ay niyakap nya to. Nagulat si Keith sa ginawang yun ni Ellie.

"Bakit?" Tanong ni Keith kay Ellie habang nakayakap sa kanya ang dalaga.

"Wala. Bawal ko bang yakapin ang BFF ko?" Sagot nito, habang di pa rin inaalis ang pagkakayakap sa best friend nya.

"Ellie..." Seryoso ang boses ni Keith. Inalis ni Ellie ang pagkakayakap kay Keith. Pero, ang mga kamay ay nasa mga balikat ng binata at ang mga kamay naman nito ay inilagay nya sa bewang ni Ellie.

"Ellie, may gusto akong sabihin sa'yo. Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to." Napatitig ako sa mga mata nya na tila may malalim na kahulugan ang mga titig kong yun.

"Keith, mas mabuti kung tayong dalawa-" Biglang, napatigil si Ellie at naramdaman nila na tila gumagalaw ang kinatatayuan nilang dalawa at nang marealize nila na lumilindol, dali-dali pero maingat silang lumabas ng bahay. Paglabas nila, tumigil na ang lindol. Ligtas ang mama ni Keith. Pero, di makita ni Ellie ang mama nya. Kaya naman, bumalik ang dalaga sa loob ng bahay nila upang hanapin ang mama nya.

Unspoken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon