3 I

48 0 0
                                    


"A-anong ginagawa m-mo dito?" nauutal kong sabi. I did not expect her to be here. Why is she here?

"I'm visiting my little sister, of course!" nakangiting sabi niya.

"Hindi ka pa ba nakuntento, Mabel? Nasira mo na yung buhay ko noon. Bakit bumalik ka pa? Ano na naman ang kelangan mo sa'kin?" tanong ko sa kanya.

"I'm trying to make a change! I'm really sorry! Hindi ko naman talaga sinadya yun. Sorry na Ynna!" naiiyak niyang sabi. Tss. Drama Queen kahit kailan.

"Whatever. Lumabas ka na." sabi ko sa kanya tapos pumasok na sa loob ng kwarto. Tinulak ko siya palabas tas sinara yung pinto.

"Ang sama mo naman sis! Huhu! Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako mapapatawad!" sabi niya saka umalis.

Curious?

Ito kasi ang nangyari..

*Flashback*
2 years ago...

"Ate! Anong magandang gawin sa Anniversary? Bukas na kasi anniversary namin ni Black." nakangiting sabi ko kay Ate Mabel.

"Anniversary niyo na bukas ni Black? Kayo ha. Ang babata niyo pa. He-he." sabi ni ate. Parang iba si Ate ngayon ah. Parang weird niyang magsalita.

"Yep! So, anong magandang gawin namin?" tanong ko.

"Just g-go out with him. Y-you know. A date." sagot niya. Bakit siya nauutal?

"Okay." -Ako.

--
Kinabukasan..

Naghanda na ako para sa date namin ni Black mamaya. Nagmake up na ako tas nagsuot ng dress. Dapat kasi, bongga ako! Hihi im excited!

Bumaba na ako at nakita ko si Papa na nagbabasa ng book kaya lumapit ako sa kanya.

"Pa, saan si ate?" tanong ko.

"Umalis yun eh. Kanina pa." sagot sakin ni Papa.

"Okay po. Aalis na po ako! Pakiss nalang kay Mama! Bye Papa!" sabi ko sa kanya at umalis na ng bahay.

Nagpahatid na ako kay manong papunta sa bahay nina Black nang bigla nalang nagring yung phone ko. Tiningnan ko muna kung sino yung tumawag. Bigla nalang tumalon ang puso ko.

Si Black..

Sinagot ko naman agad ito. "Hello?"

"[Sorry. Hindi ko matuloy yung date natin. Happy Anniversary! Sorry talaga baby. Babawi nalang ako.]" sabi ni Black sa kabilang linya.

"Ah. Okay. Sige bye." tanging nasabi ko.

Gusto kong maiyak. Gusto kong magwala. Bakit sa Anniversary pa namin?

"Manong. Sa mall nalang po." sabi ko kay manong at hinatid ako sa mall.

Pagdating ko sa mall, nagshopping nalang ako. While nagshopping, naiihi ako kaya pumunta ako sa comfort room.

Pagdating ko sa comfort room ay may narinig akong mga boses mula sa Male Cr. Kaya lumapit ako dun at nakinig.

"Hindi ko nga sinadya! Puta! Di ka ba nakaintindi?" sabi nung lalaking boses . Teka, boses ni Black 'to ah.

"Anong hindi? God knows na ako lang yung lasing that night! At alam mo namang mahal na mahal kita! Pero bakit sakin mo parin sinisisi? Nabuntis moko! Ako yung lasing! Ginalaw moko! Pakshet!" sigaw nung babae. Parang boses ni Ate 'to ah! What the fuck?

Out of curiousity, pumasok ako sa Male CR at nakita ko si Ate at si Black na nag-uusap. Sila yung nag-usap? Hindi pa nila ako napansin kasi nakatalikod silang dalawa.

"Alam mo namang ginusto natin yung mangyari! Pero mahal ko si Ynna! Kinama kita pero hindi kita mahal!" sigaw ni Black kay Ate. Napatakip nalang ako sa aking bibig. Ibig sabihin.. Nakabuntis si Black.. At s-si Ate pa yun?

Wala na. Tumulo na yung mga luha ko. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Dahil sa lakas ng paghikbi ko ay bigla silang napalingon sa side ko. Nanlaki ang mga mata nila nang makita nila akong nakatayo sa pinto.

"Narinig ko. Narinig ko ang lahat." panimula ko. Nagfake ako ng smile at tumingin kay Black. "Gago ka din 'no?"

"Y-ynna. I-it's n-not what y-you think!" sabi ni Black. It's not what I think? Wow.

Lumapit si Black sakin upang yakapin ako pero nagstep back ako. "Don't touch me." sabi ko.

Naglakad ako palapit kay Ate at sinampal siya. Wala akong pakialam kahit na buntis siya. Wala akong ibang nakita kundi kadiliman. Wala akong ibang nararamdaman kundi galit. They betrayed me!

"Ynna. I'm sorry." patawad ni Ate sakin. Ngunit umiling ako at umalis sa Cr.

Narinig ko ang sigaw ni Black pero hindi ko pinansin yun at tumakbo na ako palayo.

*end of flashback*

Kung tatanungin niyo sakin kung anong nangyari sa baby niya, edi nakunan. Wala akong pakialam. Bwiset lang siya dito.

Naligo na ako at nagbihis para kumain. Bumaba na ako sa hagdan papunta sa dining table.

Pagdating ko dun ay nakita ko si Papa at si Mabel na kumakain. Hindi na 'Ate' ang tawag ko sa kanya. I feel so disgusted to her.

Umupo ako sa tabi ni Papa at kumuha ng Lechon Kawali. Buti nalang at masarap ang handa ni Manang samin dito ngayon kundi mas madagdagan pa yung badtrip ko.

"Kamusta yung school, Ynna?" tanong sakin ni Mabel. Concerned?

"Wala kang pakialam Mabel." emotionless kong sabi.

"Ynna! Give your sister some respect! Wala naman siyang nagawang mali sa'yo ah!" sigaw ni Papa sakin. Wala?

Natawa nalang ako. Puno ng pagtataka ang mukha ni Papa. "Oo nga eh. Wala siyang nagawa sakin. Kaya nga umalis siya sa pamamahay na ito diba? Eh, bakit pa kaya siya bumalik?" sabi ko para mainis si Mabel at Papa. Gusto kong matawa sa reaksyon nilang dalawa. If course, si Mabel talaga ang ikakampi ni Papa. Siya kasi ang FAVORITE daughter eh. Tsk.

"I'm done. Wala akong gana." tumayo ako sa table at umakyat sa kwarto. Nawala na yung gana ko.

Narinig ko ang mga sermon ni Papa sakin ngunit di ko ito pinansin at pumasok na ako sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama at pumikit nang may narinig akong kalabog mula sa kwarto ni Mama. Dali-dali naman akong tumayo at tiningnan kung anong nangyari doon.

Binuksan ko kaagad ang pinto sa kwarto ni Mama at napatakip ako sa aking bibig. What the fuck!

Duguan lahat ang damit sa kwarto. Puro dugo ang nakikita ko. May dugo sa walls, sa kama. May kutsilyo din na nakasaksak sa malaking picture frame ni Mama at duguan din ito.

"AAAAAHHHHHHHHH!" sumigaw ako. Agad namang tumakbo sina Papa at tiningnan kung anong nangyare.

"Bakit ka sumigaw? May nangyari bang masa---" naputol ang sabihin niya nang makita niya ang nangyari sa kwarto ni Mama.

"S-sino ang may gawa n-nito?" tanong ni Papa. Hindi siya makagalaw sa kinatayuan niya at parang namumutla siya.

Nagsimula na akong humihikbi at umiling. "Hindi ko alam." sabi ko.

Napaluhod nalang si Papa. "Sinong may gawa nito!" sigaw na tanong niya. At this point, nakakatakot talaga si Papa, lalo na pag galit ito you might not want to mess with him.

---

A/N: Here's the update! Buti at may time pa akong magupdate haha! Okay. XD

I'll try to update the next chapter as soon as possible pag di na ako tinatamad.

Thanks for reading!

Switched [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon