Tinawagan ko si Kuya Yonce. Oo may kuya ako. I'm the youngest of all siblngs. Tatlo lang pala kami."Hello, k-kuya." sabi ko sa kabilang linya.
"[Oh, Ynna. I heard the news. Okay lang ba kayo diyan? Ano ba talagang nangyari?]" tanong ni Kuya.
"Kuya, okay lang kami. Andito yung mga investigators. Ano kasi, nakarinig ako ng kalabog sa kwarto ni Mama kaya I checked it out. Only to find blood all over the room. Kuya, natatakot na ako." nangingiyak kong sabi. Natatakot na talaga ako sa mga nangyayari.
"[Look Ynna, babalik ako diyan, okay? Don't worry. Maybe in the next three days magkikita ulit tayo.]" sabi ni Kuya. God! I missed him so much! It's been 3 years, I think?
"Okay Kuya. I'll be expecting to see you within this week. Bye Kuya, I love you." malambing kong sabi sa kanya. Natawa siya sa sinabi ko
"[Ang corny mo naman! Hahaha! Magkikita tayo. Pangako yan, okay? Bye din Ynna! I love you.]" sabi niya tapos natawa din sa kakornihan niya.
Nag-end call na siya at sakto ding tinawag ako nung investigator. Lumapit ako sa kanya.
"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Kuya Investigator sakin.
Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. "Ano kasi, I was in my room then may narinig akong kalabog mula sa kwarto ni Mama kaya I went out to check it out. Then dugo nalang yung nakita ko pagpasok ko sa kwarto niya. Hindi ko talaga alam kung sinong may gawa nun." paliwanag ko.
"Hmm. Sigurado ka bang hindi ikaw ang gumawa nun?" tanong niya sakin. Pinagbibintangan niya ba ako?
"No! Why would I do that?" mataray na tanong ko sa kanya. Eh pinagbibintangan niya ako! Wtf!
"Ikaw lang kasi an unang nakakita sa nangyari kaya may 60% chance na ika---" pinutol ko ang sasabihin niya.
"No! I did not do it! I love my Mama so much at hinding-hindi ko magagawa yun! What's wrong with you? Akala mo ganun ako kasama? Hindi ka ba talaga naniniwala sakin? Investigator ka nga diba? Wow. How did you get your job pag pinagbibintangan mo yung witness?" sabi ko sa kanya. Naiirita na kasi ako. PANO BA SIYA NAGING INVESTIGATOR KUNG GANUN LANG NIYA AKO PAGBINTANGAN! Nagagalit na talaga ako sa lalaking 'to!
"Sorry. Pero yan lang kasi yung sinabi sakin ng Ate mo." yumuko siya.
Si Mabel?
Hinanap ko sa mata ko si Mabel at nakita ko siyang nakatayo ng napamewang at busy sa phone niya. Lumapit agad ako sa kanya at..
*PAKK*
Sinampal ko siya. Ang sama niya. Kelan niya ba ako titigilan?
"Aray naman sis!" sigaw niya at hinawakan yung pisngi na sinampal ko.
"At ngayon, ako na naman ang gawin mong tanga? Pagkatapos mong sabihin sa Investigator na ako yung may gawa nun?" sabi ko sa kanya habang tinuturo siya.
"Anong nangyari dito?" tanong ni Papa habang naglakad papalapit samin. I rolled my eyes. Obvious naman na si Mabel na naman ang kampihan niya.
"Bakit mo sinigawan ang Ate mo?" galit na tanong ni Papa sakin.
Bigla nalang akong nainis. Nakakabadtrip. Tss.
"Sinampal din niya ako! Papa!" maarteng sabi ni Mabel at nagtago si likod ni Papa. Pabebe?
Nagroll eyes lang ako at naglakad palayo. Ayoko sa ganung scene. At alam ko na naman na ako na naman yung sesermonan ni Papa at ako na naman ang pagbinintangan niya sa nangyari kay Mama. Hindi ko naman talaga kasalanan yun eh. Kasalanan ni Mabel.
Ganito kasi yun.
*Flashback*
"Mabel! Where are you going?" tanong ni Mama kay Ate Mabel na nagiimpake ng maleta. Andito kasi ako sa labas ng kwarto niya at nakikinig sa usapan nila.
"Wala Mama. Aalis lang po ako saglit." paliwanag ni Ate Mabel.
It's been 2 months since nangyari ang hindi dapat mangyari. Medyo halata na yung baby bump sa tiyan niya. At mas lumalaki yung galit ko sa kanya.
"Mabel, bakit ang laki ng tiyan mo? Buntis k-ka ba?" tanong ni Mama kay Ate.
"Ano bang pakialam mo?!" sigaw ni Ate kay Mama.
Sinilip ko ang loob at nakita ko si Mama na napatakip ng bibig, halatang nagulat sa sinabi ni Ate.
Lumapit si Mama kay Ate at sinampal siya. Halatang nagulat si Ate sa ginawa ni Mama at bigla nalang siyang napaupo sa sahig. Hindi ko na kinaya at unalis na ako. Masyado kasing mahirap tingnan ang sitwasyon namin ngayon.
"AAAAAAH!"
Nakarinig ako ng sigaw at dali-dali akong umakyat pabalik sa kwarto ni Ate at nakita ko siyang nakaupo sa sahig at may dugong umaagos mula sa mga hita niya. Wala na di kasi si Mama sa kwarto, baka umalis na.
"T-tulungan m-mo ako p-ple-ease!" nagmamakaawang sabi ni Ate sakin. Tutulungan ko sana siya nang maalala ko yung kagaguhang ginagawa nila ni Black. Masyado akong nabaon sa galit at umiling kay Ate.
"Sorry. Bagay lang sayo yan." emotionless kong sabi.
"P-pero a-anak namin t-to ni B-black!" nauutal niyang sabi. Naiiyak na siya. "I-ito ang n-nabuo sa pagmamahalan n-namin!"
Natawa ako ng malakas. "Pagmamahalan? Talaga bang minahal ka ni Black? Narinig ko yung mga sinasabi niya sayo! Wag kang magassume!" napamewang na sabi ko at umalis.
Bumalik ako sa kwarto ko at may narinig nalang akong mga ambulansya sa labas. Nakarinig din ako ng kalabog mula sa kwarto ni Mama. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ni Mama at naiyak ako pagbukas ko sa pinto.
Si Mama. Nakahiga sa sahig. May saksak sa tiyan. Duguan.
"MAMA!" sigaw ko at dali-daling lumapit kay Mama.
"Mama! Wag mokong iwan please! Mama!" umiiyak na sabi ko.
"A-anak. Be a g-good girl, okay? Mahal k-kita." Mama said weakly. Wala akong magawa kundi umiyak.
May narinig akong mga hakbang papunta sa kwartong ito at bumukas ang pinto. Pumasok kaagad si Papa at itinulak ako palayo. Binuhat niya si Mama at dali-daling dinala sa ambulansya.
*-------*
Nandito kaming lahat ngayon sa ospital except for Papa kasi andun siya sa Operating Room kasi binabantayan niya si Mama . Nang biglang lumabas ako doktor ni Ate.
"Okay na po si Mabel. Pero sad to say, nakunan siya." malungkot na pahayag ng doktor.
Hindi nagtagal ay dumating na din ang doktor ni Mama. "I'm sorry. We did the best we can pero masyadon maraming dugo ang nawawala sa kanya." yumuko ang doktor at umalis.
Kakadating lang ni Papa na pula yung mga mata. Halatang galing umiiyak. Lumapit si Papa sakin at sinampal ako. Nagulat ang lahat sa ginawa niya.
"Ikaw ba ang pumatay sa Mama mo?" galit na tanong niya sakin.
Umiling ako at umiyak. Bigla nalang akong niyakap ni Papa.
"I'm very sorry anak." sabi ni Papa.
-------
A/N: Yehet! Natapos ko rin ang chap na ito! Nakakatamad huhu. Pero I will complete this story haha. I will update as soon as possible.
Thanks for reading!
![](https://img.wattpad.com/cover/42722664-288-k765229.jpg)
BINABASA MO ANG
Switched [On-Going]
Action"Trust is like a paper. Once broken, it can never be perfect." They were Best Friends that turned into Strangers with memories.