PROLOGO

1.2K 54 5
                                    

PHIGGYLITO'S POV

Anong lugar ito? Nakatayo ako ngayon sa isang paligid na wala kang ibang makikita kundi ang tila kaulapan na anyo. Para akong ibon na lumilipad sa pagitan ng ulap at asul na kalangitan.

Pati ang aking kasuotan ngayon ay purong puti na. Para akong isang nurse na naliligaw. Asan nga ba talaga ako? Bat parang wala akong maalala? Pero kilala ko naman ang sarili ko. Ako si Phiggylito A. Masusu, ganyan kabaho ang pangalan ko kaya naman pag may nakikipagkilala sa akin. "Iggy", "Lito" at "Ito" ang kadalasan pakilala ko naman. Nakakahiya kase ang pangalan ko, napakabaho at nakakasuka talaga.

"Wag kang mag-isip ng ganyan Pheggylito, hindi mahalaga ang pangalan para maging isang mabuting tao"- Isang nakakakilabot na boses ang aking nadinig, kilabot na taglay ng pagiging isang makapangyarihang tinig. Kasunod ng tinig na yun ay biglang may musikang nagsimulang tumugtug.

Mula naman sa mga likod ng ulap ay may mga batang anghel na nagsilabasan.

♩ ♪ ♫ ♬

Hawak ang mga malagintong harp na may napakakinang na kwerdas ay pinapalibutan nila ako at masayang inaawitan. Di ko alam kung anong uri ng lingwahe ang kanilang gamit, pero iisa lang ang nararamdaman ko. Isang napakaganda at napakaangeliko pala talaga ng kanilang boses. Para kang natutulog sa malalambot na ulap at yung pakiramdam na nasa langit ka't kasama na ang maykapal.

"Tama ang nasa isip mo Phiggylito, narito ka na sa kaharian ng diyos."- Bigla akong nataranta ng may muling nagsalita! Ano nasa kalangitan na ako? Pero Paano?! "Sino ka! Magpakita ka sa akin! Panginoon ikaw ba iyan?"

Mula sa aking harapan ay may malagintong liwanag ang bumulwak, napapikit ako. Inilagay ko ang mga bisig patakip sa aking mga mata. Tila isa itong pwersa na itinutulak ka papalayo. "Imulat mo na ang yung mga mata"- Sinunud ko naman muli ang tinig na nasa aking harapan.

Isang matandang lalaki na nakaputi ang nagmamay-ari ng boses. "Ikaw ba ang panginoon?"- Agad kong tanong sa kanya. "Hindi ako ang panginoon, isa rin ako sa kanyang tagasunod. Ako ang tagabantay sa pintuan ng langit"- Sabay turo niya sa pintong may gintong liwanag na bumabalot.

"Bakit ako nandito?"-tanong ko sa kanya na punong puno ng pagtataka.

"Patay ka na Phiggylito"-nagulat ako at parang nawalan ng gana. Napa-upo ako sa sahig ng lugar na yun na parang isang ulap.

"Kaylan pa? Tsaka bat parang wala akong maalala bukod sa aking sarili?"

"Matapos ang aksidenteng kinahantungan mo ay, naidala at nanatili ka pa sa hospital ng dalawang araw. Hindi rin nagtagal ay binawian ka na rin ng buhay ngayong araw"- Kwento sakin ng matanda.

"Pero bat wala akong maalala?"

"Yan ang batas dito, makakalimutan mo muna ang lahat ng nangyari at mga taong kilala mo hangga't di ka nakakapasok sa kalangitan"- Ang tinutukoy niya ay ang pintuan may liwanang ng gintong sinag.

"Maari na ba akong tumuloy? Tanggap ba ako ng langit?"-Tanong ko.

"Isa kang mabuting tao Phiggylito, kaya naman tanggap ka dito sa kaharian ng ating Panginoon. Tinanggap ka niya ng walang pag-aalinlangan"- Naging masaya ako sa sinabi niyang yun, kaya dali dali akong tumakbo papasok sa may pinto. Bat ganito? Nararamdaman kong di ako makalapit sa gintong gate ng kalangitan?

"Hindi ka makakapasok sa loob, hanggat wala kang ganito."- Pinakita niya sa akin ang isang Identification Card na may larawan niya at isang kakaibang gintong pirma.

"Saan ako makakakuha ng ganyan?"- Agad kong tanong sa kanya.

"Magkakaroon ka nito pag nagawa mo na ang gusto mong gawin bago ka mama-alam sa daigdig"

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Kailangan mong gawin ang di mo nagawa bago ka mamatay, dahil dito sa kaharian ng diyos. Gusto niya masaya ang kanyang mga anak, gusto niyang may ngiti kayo bago tuluyang pumunta sa kanyang kahadian"

"Pero paano? Ehh wala nga akong maalala diba Tagabantay?"

"Ito, tanggapin mo"- May inabot siya sa aking isang makapal na card, matibay ito at parang di kayang punitin. Kahit anung lakas mang meron ka.

"Anong gagawin ko dito tagabantay?"

"Mabubuo ang mukha mo diyan sa card nayan tulad nito pag natapos mo ang sampong misyon na ipapagawa sayo."

"Sampung misyon? Paano ko malalaman kung anu anu ang mga misyon na yan?"

"Ang munting babasahin na ito makakakatulong sa iyong katanungan"- May inabot naman siyang parang manipis at maliit na libro.

"Bat blanko?"-Nang magsimula na ako sa pagbuklat. Iniinis ba ako nitong si Tagabantay?

"Magkakaroon ng sulat yan pag nakaharap mo na ang makakatulong sayo sa paggawa ng misyon, dapat mapapayag mo siya bago sumapit ang isang araw. Pagkatapos ka muling pababain sa lupa"

"Tutulong? Sino?"- tanong ko agad. "Lumapit ka dito", agad ko siyang sinunud at ngayon ay nakatayo na kame sa harap ng isang malinaw na salamin. "Hawakan mo"- Inilagay ko naman yung kamay ko at biglang nagkaroon ng anyo yung salamin! Parang isang telebisyon.

Mula sa salamin ay nakikita ko ang isang Bakla na may bulaklak sa tainga, nakatapis ng tila isang kumot at may hawak itong isang mahabang walis tingting na nakakabit sa isang kahoy. Nakaupo ito sa berdeng damuhan, katapat ng isang puntod at umaawit ng..

Don't give up on your faith
Love comes to those who believe it
And that's the way it is.

"Siya ang tutulong sa akin?"-takang taka at parang may pag-aalinlangan kong tanong kay tagabantay.

"Ang lahat ng bagay na natakda sayo ay may kahulugan. Siya si George S. Alidangdang, Ohh kung tawagin sa lupa ay Grazilda. Isang kakaibang supulturera"- Astig ni taga bantay ahhh, may pangiti ngiti pang nalalaman. Anu ba ito? Muli kameng napatingin ng may sinisigaw ang baklang nasa salamin. Nakatingala ito sa langit. Tila nakangiti sa akin!

"Oh Lord bigyan niyo naman ako ng Lovelife. Kahit di poge okay na akey. Basta malake ang pututuy. Ayyy biro lang po. Basta po mabait keri na. Kahit nga isa dito sa mga bangkay na mabuhay eh pwede na basta ba Poging Deads yan! Haha"

Patay pati patay pinagnanasahan niya? Ganun na ba siya kadespirado?

A/N: Please wag niyo po kalimutang BUMUTO at MAGKOMENTO. Maraming Thank You Po!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)


THE POGIng DEAD (BoyXBoy/SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon