PROLOGUE:
Kapag ang puso mo, ay napalitan ng iba, may tendency nga ba na mahalin mo ang taong itinitibok nito?
Makakalimutan mo nga ba lahat ng nakaraang feelings mo, sapagkat ang pusong sadyang sa iyo ay nawala na?
At kung maaabsorb mo nga lahat ng nararamdaman ng pusong ibinigay sa'yo, maniniwala ba siya na kaya mo siya mahal ay dahil ito ang nararamdaman mo talaga?
O dahil lamang ito sa puso na sa iyo ay naipasa?
Paano pag nagtapat ka sa kanya at hindi siya naniwala, anong gagawin mo?
Anong gagawin mo para paniwalaing ang pagmamahal mo sa kanya ay higit pa sa nararamdaman ng ibinigay na puso sa'yo?
Paano ang multo ng nakaraan?
Ang minahal ng sariling puso noong nakaraan?
Akala mo'y wala na talaga siya,
pero lahat pala ng ginawa niya ay para sa'yo lang.
Sinong pipiliin mo?
Ang taong ginawa sa'yo ang lahat nung nakaraan na mahal ka at mahal mo?
O ang mahal mo na dati, na siyang pumuno ng mga araw na wala kang kasama pero hindi mo alam kung mahal ka ba niya talaga?

BINABASA MO ANG
This Heart.... It Beats For Only You... ♥ (ViceRylle)
FanfictionMY FIRST VICERYLLE STORY. ♥