C.1 - JM, Kara, Anne, Joke (Meet the Characters)

1.4K 15 5
                                    

-JM-

Ako si Jose Marie Viceral.

Tawag nila sa'kin JM for short.

Girlfriend ko si Annika Marie Reyes.

Utol ko si Jose Kenneth Viceral.

Girlfriend naman niya si Ana Karylle Tatlonghari.

Hindi naman sa sinasabi kong hindi maganda ang girlfriend ko, pero alam niyo, ang swerte ng utol ko sa girlfriend niya.

Ang bait bait, para siyang anghel.

Sa tuwing ngumingiti siya, parang lumiliwanag ang mundo ko.

Hindi ko maipaliwanag pero, na-ca'capture niya ang mga mata ko sa tuwing darating siya at makikipagkita sa utol ko.

Gusto ko nga tuwing darating siya, uunahan ko si utol sa pagbubukas ng ladrilyo. [A/N: 'GATE' po sa english]

Gusto ko ako unang makakakita sa kanya parati.

E bakit kasi........................

Ugh. ERASE.

Dapat sa girlfriend ko yun e.

Ano ba naman 'tong pinagsasasabi ko.

Yung relationship kasi namin, hindi stable.

Ang daming mga bagay na hindi namin napapagkasunduan.

Ang dami niyang gustong gawin na hindi ko naman kayang gawin.

Hindi niya maisa-alang-alang yung AKO.

Hindi ko kayang gawin kasi, hindi normal ang katawan ko.

May sakit kasi ako sa puso.

Bawal akong magpagod,

bawal akong sobrang sumaya,

bawal akong sobrang malungkot.

Moderate emotions lang dapat kumbaga.

E siya kasi, mahilig pumunta sa kung saan saan at mag-explore ng kung anu-ano.

Umakyat sa bundok,

sumali sa fun run,

basta napaka-sporty niya.

Which my doctor advised not to do so.

Kasi, I had my first attack.

And my second one would probably be hard for me to overcome.

Kaya fear ko ang lahat ng bagay.

Lagi lang akong nasa bahay, lumalabas pa-minsan, pero hindi ako makapag-enjoy.

Isang maling galaw ko, mawawala ako.

Paano ang mga maiiwan ko?

Ang utol ko?

Ang girlfriend ko?

At ang gusto kong aminin sa isa sa mga taong nagiging espesyal na sa akin?

This Heart.... It Beats For Only You... ♥ (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon