Andrea's POV
Ito na ang araw na magiging officially Mrs. Baldivia na ako.
"Anak suutin mo na ang dress mo bilis." sigaw ni mommy, interupting my emotions.
Ayos na ang buhok ko at may make-up na din ako, sinuot ko na din ang dress ko. Ang style nito ay hapit sa may part ng waist ko at fluppy na sa may ibaba sinuot ko na din ang 4 inch white heels ko.
Humarap ako sa mataas na salamin. Ang ganda ko, hindi ko namalayan na umiiyak na ako. "Anak dont cry, masisira ang make-up mo." sabi ni mommy habang pinupunasan ang luha ko.
Pumunta na kami sa kotse na sasakyan namin papunta sa simbahan. Kinakabaduhan ako, hindi dahil maglalakad ako sa altar kung hindi dahil pano ang pagsasama namin ni Louie hindi niya ako mahal pero mahal ko siya.
Ay! Ano ba yan Andrea ang emote emote mo naman!
Nandito na kami sa tapat ng simbahan nakita ko ang mga friends ko na nakatayo sa may pinto. Lumabas na akong kotse, nagsihanayan na sila at nagsimula ng maglakad. Nakita ko si Louie na nakatingin sa mommy nya.
Mahalin niya kaya ako?
Alagaan niya kaya ako kapag may sakit ako?
Saktan pa niya kaya ako?
Ang dami kong tanong pero siya lang ang makakasagot. Nandito na ako ngayon sa tapat niya, humawak ako sa braso nya at pumunta na kami sa upuan. Gusto kong bumitaw sa kanya, dahil parang nakukuryente ako!!!
Mga ilang minuto oras na para sa i do's.
"Louie John Baldivia, tinatanggap mo ba si Andrea bilang asawa sa hirap o ginhawa?"
*dug-dug-dug*
"Opo father."
"Ikaw Andrea Lopez, tinatanggap mo ba si Louie John bilang asawa sa hirap o ginhawa?"
"Y-yes father."
"And now I pronounce you man and wife. You may now kiss the bride."
Dahan-dahan siyang yumuko at hinalikan ako sa... cheeks? Bakit cheeks lang? Na disapoint naman ako.
Pumunta na kami sa kotse at dumiretso muna kami kina mommy (mom ni Louie). Nandon na din sila, nagpalit muna ako ng damit. Red longsleeve thight dress hanggang thighs ko at 4 inch black heels.
Kinuha ko ang iPhone 5 ko at bumaba na. Kumain muna kami habang nakain nag-log in ako sa twitter. Ang daming bumati sa akin ng 'Congrats'
Nagsimula na ulit akong kumain, mga ilang oras nag stay muna kami.
Gabi na ng umuwi kami. Pagkapasok namin sa bahay ang laki nito todo lakad lang siya papunta sa kwarto namin. Pumunta muna ako sa kitchen para uminom ng tubig. Nakita ko yung yaya na ipinadala ng mommy ni Louie, siya ang yaya ni Louie simula pagkabata.
"Kayo po ba yung pinadala ng mommy ni Louie?"
"Oo ako ang magiging yaya nyo dito."
"Tapos sabi po ni mommy, kayo po ang naging yaya ni Louie noong bata pa siya. Kaya kayo po ang pinagkakatiwalaan niya."
"Oo ako nga, alam mo iha mabait naman yang si Louie kaso nagbago siya ng makita nyang nakikipagtalik ang girlfriend nya sa ibang lalaki."
"Nasabi nga din po sa akin ni Krisha."
"Eh! iha kumain ka na ba? Gusto mo ipaghanda kita?"
"Hindi na po, kakakain ko lang po."
"Ay, ganun ba? Mabuti pa iha magpahinga ka na."
"Sige po, kayo din po. Baka pagod na po kayo."
"Ayos lang ako, napakabait at napakaganda mong bata. Napakaswerte sa iyo ni Louie."
"Salamat po, sige po mauna na po ako."
Kinuha ko ang bag ko at nagpunta sa kwarto na pinasukan ni Louie. Pero naka-lock ang pinto, huminga ako ng malamin at pumunta sa guest room na katabi lang ng room niya. Inilapag ko ang gamit ko. Kumuha ako ng towel at naligo, pagkatapos kong mag-brush ng teeth at maligo lumabas na ako.
Nagsuot ako ng short at red sleeveless. Nahiga na ako sa kama dahil pagod na pagod na ako at nakatulog agad ako.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Kinuha ko ang towel ko at nagpunta sa banyo.
Naghilamos ako ng mukha at nag-toothbrush, inipit ko ang buhok ko na pony tail at bumaba na ako sa ibaba. Nakita ko si manang...manang? Hindi ko alam ang pangalan niya kaya itatanong ko na lang.
"Iha, kain na."
"Ah, salamat po. Ano nga po pala ang pangalan niyo?"
"Ako si Manang Fe, Andrea ang pangalan mo hindi ba?"
"Opo, paano nyo po nalaman?"
"Tinanong ko kay Louie."
Tumango ako at nagsimula nang kumain. Nakita ko si Louie na nakaupo sa couch.
"Ahm, Manang Fe. Kailan po nakita ni Louie na nakipagtalik sa iba ang girlfriend niya?" pabulong kong sabi.
"Last month lang."
Tumango ako, pagkatapos kong kumain pumunta na ulit ako sa kwarto para mag-imis.
Mga ilang oras tapos na ako mag-imis. Tumingin ako sa orasan 3:46 pm na pala.
Bumaba ako sa baba para kumain dahil hindi pa ako naglu-lunch. Kumuha ako ng pinggan at ipinatong ko sa lamesa, naghugas ako ng kamay pagharap ko natabig ko yung pinggan.
"SHIT!" napasigaw ako.
Dinadampot ko ang nabasag na pinggan ng mahiwa ako. "OUCH! FUCK!" bigla namang lumapit sa akin si Manang Fe.
"Ayos ka lang ba iha? Linisin mo na yang sugat mo at ako na ang mag-iimis nito."
Hinugasan ko ang sugat ko sa daliri at nilagyan ng bandage. Hindi manlang pumunta dito si Louie, hindi niya talaga ako mahal. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako.
"Andrea, bakit ka umiiyak? Ayos ka lang ba?"
Tumango ako. "Ayos lang po ako."
"Dahil ba kay Louie?"
Umiling ako, nagpunta ako sa kwarto ko at dun ako umiyak.
Bakit hindi nya ako makuhang mahalin?
Mahal ko naman siya.
May narinig akong kumakatok sa pinto. Agad-agad kong pinunasan ang luha ko at binuksan ang pinto.
"Pupunta lang ako sa palengke para bumili ng panghapunan. May ibibilin ka ba?"
"Wala naman po."
"Sige uuna na ako."
Pagkatapos nun umalis na siya. Pumunta ako sa ibaba para uminom ng tubig. Pagkatapos kong uminom nakita ko si Louie na may kausap sa telepono. Papunta na ako ng kwarto ko ng makita ko na bukas ang pinto ng kwarto niya, pumasok ako. Nakita ko ang mga pictures nya with his family, ang cute nya nung bata pa siya!
"What the hell are you doing in my room?!"
LAGOT!
BINABASA MO ANG
Force Marriage
RomanceAndrea had a crush to Louie as in na obsess na obsess siya dito since nung nalaman nyang kapatid ito ng kaibigan nya na si Krisha pa lang siya. Pero ayaw naman sa kanya ni Louie. Then one day nagkasundo ang mga magulang nila na ipakasal sila sa isat...