SM: Chapter 26

71K 664 258
                                    

Hindi naman nakakaiyak 'to eh... nakakabigat lang ng loob. :) 

Dedicated kay mskathniel26.

ComVo? *u*

===========================

-CHAPTER 26-

Kathryn's POV: 

Monday… naghihintay ko ng text niya na susunduin niya ‘ko… pero wala. Umasa ko sa wala. Syempre, galit ‘yun. Hay.

“Si Daniel? Hindi ba kayo sabay?” tanong ni Dad.

Umiling ako no’ng papasok na sa kotse. Magpapahatid lang ako sa driver namen.

“Hm, maaga po siya eh. Sige po, ingat dad.” ngumiti lang ako ng tipid at pumasok na sa kotse.

Habang papunta sa school... nilalaro ko yung kamay ko. Kanina pa ’ko ganito... kabado. Ewan, feeling ko may mangyayareng masama eh.... o nega lang talaga ’ko? Hindi ako masyado nakatulog kagabe. Sino bang makakatulog? Ni text o ano wala man lang galing kay Dj. Sabe ni Ria, kausapin ko nalang daw ngayon.

Alam ko namang kasalanan ko din eh... pero kasi ewan. Kaibigan ko lang naman si Jerome eh ba’t kay Bea ba pinagbabawalan ko siyang dumikit dikit? Hay. Kawawa naman kasi si Jerome pag iniwasan ko bigla... nagiging friendly lang naman yung tao.

“Thank you po” sabe ko at bumaba na ng kotse.

Chineck ko ulit yung phone ko kung may text niya… wala talaga. Napailing nalang ako at napabuntong hininga. Dumiretso ako sa room ko... maaga aga pa, wala pa halos tao.

To: Khalil

 

Khalil, goodmorning. Nandito na ba si Dj? I mean… bestfriend mo ‘yon. Baka ka text mo o ano? Please reply.

*sent*

Mga 5 minutes saka siya sumagot.

Fr: Khalil

 

Oo, sabay kame eh. ‘Di pa rin kayo naguusap? Tsk tsk. Sana maayos niyo yan, dito lang kame ha. :) 


Dumame ng dumame yung tao dito sa room…

“Hi Kathryn, goodmorning. Pero mukhang… ‘di good ang morning mo? Pwedeng malaman?” sabe ni Jerome pagupo niya sa likuran ko.

“A-ah wala, okay lang ako.” Sabe ko lang.

She's Mine. [SB BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon