SM: Chapter 41

63.4K 645 55
                                    

Mehhh. Sorry sa late na update. Hehe. Medyo sabaw po ito dahil malamig naman. XD 
New story ko po: Forbidden Love (KN) 

Dedicated kay JoanCamillePenuela

ComVo?

====================================

-CHAPTER 41-

Author's POV: 

*Ding Dong*

Pangalawang pindot na ni Kathryn sa doorbell nila Julia.

“JUL—hay salamat! Uuwi na ko dapat, e.” sisigaw sana ito ng ’Julia’ pero saktong lumabas si Julia at Aria galing sa loob ng bahay.

“Hehe sorry! Napalakas yung soundtrip namen ni Aria sa kwarto, e.” sabe ni Julia at pinapasok na si Kath sa loob.

“De ayos lang.” sagot ni Kathryn at papanik na sila sa kwarto ni Julia ng mapansin ni Ria ang dala ni Kathryn, “Yay! Salamat sa pizza! Tagal nung binake netong si Julia kasi!” tapos kinuha niya yung box kay Kath at pumasok na sa kwarto ni Julia.

Kumakain lang silang tatlo nila Kath habang nagpapatugtog ng random na tugtog. Ng biglang anaging senti yung pinatutugtog...

(BEFORE I LET YOU GO -->)

I can still remember yesterday
We were so in love in a special way
And knowing that your love
Made me feel... Oh... So right

 

Napansin ni Julia at Aria ang pagkawala ng ngiti ni Kath.

“Uh... baka ayaw ni Kath yung kanta—” Aria.

“Ah hindi, okay lang. May... naalala lang.” sagot ni Kathryn saka patuloy lang na nagbasa basa ng magazine.

But now I feel lost
Don't know what to do
Each and everyday I think of you
Holdin' back the tears
I'm trying with all my might

“Okay ka lang ba talaga? Dine-depress mo lang kasi sarili mo, e.” Julia.

“Oo nga... pwede namang baguhin yung kanta, hindi yun krimen, Chandy.” Ria.

Natawa si Kath sa sinabe ng mga kaibigan. E, tama nga naman.

“Hindi, ayos lang talaga. Teka nga, sa veranda muna ako. Okay lang ba Julia?” tanong niya muna bago pumunta sa veranda.

“Yeah, go.” sabe ng kaibigan kaya tumungo na siya sa veranda.

She's Mine. [SB BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon