Bago ko simulan ito, sabay sabay po tayong magdasal para sa ikagaganda ng kabanatang ito. Nawa'y magkaroon ng sense ang chapter na ito. Ako'y lubos na umaasa na magkakaroon din ng saysay ang ginagawa ko. Dahil sa tingin ko, ito ay isang istoryang random. Bahala na kung anong mangyari. Basta kung anong kalokohan ang maisip, sulat na. Amen.
Pero sa tingin ko, hindi mangyayari 'yon. Ahahaha! XD
"Nako, yung intro ng intro oh! Naiinis na talaga ako dun Madam K. Puro na lang ang haba ng intro, naiinip na tayo. 'Wag mong pagsasabing si Jego yun ah." bulong ni Mariana kay Madam K. Pero halata naman na narinig ito ni Jego a.k.a. Author.
Jego/Author (JA): Papansin.. Papantut.. Papampam..
Mariana Uheyara (MU): Ituloy mo na yung storya! Naiinip na 'ko! Madali ka!
JA: Ayoko pa! Maghintay ka dyang pangit ka!
MU: Grabe ka! Ansama ng ugali mo!
JA: A-ako? M-masama ang ugali? Wala kanga lam Mariana. Hindi mo alam kung anong sinasabi mo. THE WAY na magsalita ka, MASAKIT! THE WAY na manghusga ka, MASAKIT! THE WAY na hindi ko alam kung anong mangyayari sa istoryang ito, MASAKIT! Ahuhuhu.
MU: Oh? Sorry na Author... sorry na talaga.
JA: Okay lang. Masakit pero kaya ko namang tiisin eh.
Naputol ang pag-uusap nina Mariana at ng Author ng may narinig silang sigaw.
"CUT!!!! TAKE TWO!!!"
MU: Out muna ako Jego, sorry na ulit.
Agad agad kaming nag-loug out ni Mariana sa Skype upang maki-usosyo sa nagkukulumpungang tao.
Babae: Ang totoo hanggang ngayon umaasa parin ako na sabihin mong ako parin. Ako na lang. Ako na lang ulit.
Lalaki: She love me at my WORST, You had me at my BEST. at binalewala mo lang lahat yon. and you chose to BREAK my heart.
May shooting pala ng One More Chance sa nadaanan nilang park. At dahil don, nakipagsiksikan muna si Madam K at Mariana para makakuha ng autograph ni Popoy at Basha. Sila kasi ang pinakasikat na love team sa bansa ng Chorvaness.
Pagkatapos ng 46585656 minutes, nakapagpa-autograph na din sina Mariana at Madam K. Kaya tumuloy na sila upang magtungo sa terminal ng Eropad.
Tapos...eto na! Kasalukuyan ng bumibili ng ticket si Mariana. Isang ticket lang. Invisible naman kasi si Madam K kaya hindi na ito kailangang bayaran. Ganyan ka-wais si Mariana.
Pag-akyat nina Mariana at Madam K sa taas, nakita niya ang pagkakahati ng mga Aristocrat at mga Plebians.
Trivia: Aristocrat, mga taong marunong gumamit ng mahika at salamangka. Plebians, mga walang kakayahang gumamit ng mahika at salamangka. Lumalaban lamang sila gamit ang mga espada.
Itinago muna ni Mariana ang magic wand niya. Gusto niya kasing malaman kung bakit ayaw magalapit ng mga Plebians at Aristocrat. Humakbang na si Mariana papalapit...
"Wag kang lalapit. Isa kang Aristocrat!" sigaw ng isang baklang naka-itim na tshirt at white na apron.
"Hindi po. Wala akong magic wand oh." sabi ni Mariana.
"Sabagay. Ako nga pala si Scarron. Scarron Madamoisell." pagpapakilala nito.
"Ako naman po si Mariana Uheyara."
"Hoy babae! Ako nga pala si Jisika. Kung hindi ka talaga Aristocrat, sumama ka sa pakikibaka namin." sigaw ng isang babaeng naka black & white outfit.
