Ang Nakaraan…
BASAHIN MO YUNG CHAPTER 4 PARA MALAMAN MO KUNG ANONG NAKARAAN! TAMAD KA TALAGA!
Magbalik tayo sa kasalukuyan.
Nagising sina Mariana at Madam K dahil sa pagkalansing ng bell sa gilid ng pinto nila. Bawat pinto kasi sa kaharian ng Mirmo A De Pon ay tutunog ng ala-sais ng umaga. Dahil nga halos lumabas lahat ng luga at tutuli ni Mariana at Madam K sa sobrang ingay ng bell, lumabas na sila ng kwarto. Paglabas nila ng kwarto nila, nagulat sila sa kanilang nakita...
Lahat ng tao sa buong kaharian ay abalang abala na ngayong araw. Ang mga taong punggok, bansot at unano at maging ang mga taong may normal na laki ay abalang abala. Agad-agad nagtungo sina Mariana at Madam K sa kwarto ni Heneral Wales, para naman magtanong kung anong nangyayari sa kaharian. Pero dahil bobo silang dalawa, naalala nila na hindi pala nila alam ang kung saan ang kwarto ni Heneral Wales. Kaya naligaw sila ng naligaw. Kaya napapasok sila sa maling kwarto. Isang kwarto kung saan makalat, madumi, madilim at mukhang isang kulungan.
Madam K (MK): Gaga ka talaga! Ba’t tayo pumasok dito?!
Mariana Uheyara (MU): Malay mo merong bagay na makakatulong sa’tin dito.
MK: Alam mo para kang taga-Kingdom of Gagabels! Napakagaga mo! Anong mahahanap mo dito? Eh puro basura ang naandito!
MU: Hoy tanda! Baka nakakalimutan mong Prinsesa pa din ako ng Kingdom of Chorvaness.
MK: Hoy baluga! Baka nakakalimutan mo din na ang mga tao sa bansa niyo ay mga hampaslupa!
Nagulat sina Mariana at Madam K ng may sumigaw. Pero hindi naman sobrang lakas kasi boses ipis ang sumigaw. Trip lang nilang magulat, para maganda ang eksena.
Nakatutok ang camera sa likod ni Mariana at Madam K at dahan dahang lilingon patalikod. Titingin sa camera. Medyo titigil ng tatlong segundo. At biglang magugulat sa kanila makikita. Lilipat ang focus ng camera sa nakita nina Mariana at Madam K. Isang babaeng unano pero cute. Kulay green ang buhok at nakapink na damit. Pero dahil sa dumi, parang black na ang kulay ng damit niya.
MU: Sino ka?
MK: Akalain mo yun, may cute palang unano! Ahahahaha! PUSH!
Unano: Ako si Plumina de Prederica (PP). Isang Aristocrat ang aking Ama. At isang Plebian ang aking Ina. Pinatay sila ng mga taga-Mirmo A De Pon. At ako, ikinulong nila ako dito. Dahil kakaiba ang kapangyarihan ko dahil sa pinaghalong dugong Aristocrat at dugong Plebian.
MU: So anong role mo sa istoryang ito?
MK: Oo nga! Anong role mo?!
PP: Eh ayaw niyo yata akong makasama. Sayang. Alam ko pa naman kung nasaan ang Cloud Stone. Lalalalala.
MU: AY! BESTFRIEND PALA TAYO EH!
MK: Ay? Bestfriend mo siya? Eh bat di mo siya kilala?
MU: Madam K, BE SHATAP! Teka PP, ano nga pala yung special powers mo?
PP: Anong PP?! Bastos ka ah!
MU: Shunga lang teh? PP as in Plumina Prederica.
PP: Ahh! Akala ko bastos ka eh. Nga pala ang special powers ko ay ang malaman kung may sumusunod ba sa’tin o wala. Nararamdaman ko ang bawat shakra ng tao dito sa mundo natin. Gaya mo, Mariana, medyo pagod ka pa. Pero si Madam K, ganadong ganado na. Kahit naka-invisible siya, kaya kong malaman kung nasaan siya. Kasi nga kaya kong magbasa ng shakra.
MU: Wow! Amazing!
MK: You’ve got 3 yes’ses! Pasok ka na sa semi-finals!
MU: Pagpasensyahan mo na ‘tong si Madam K, mahilig kasi siyang manood dati ng X-Factor, kaya nahawa.
PP: Dats orayt. Weyt, ask ko lang ip yuwil sama mi inyor adbenchur?
MU: Sige, isasama ka namin. Pero diba nakakulong ka. Baka mahuli kami.
PP: Kasya naman ako sa bulsa mo eh.
MU: Sabagay. Sige tara na.
Agad agad nilagay ni Mariana si Plumina sa kanyang bulsa. At nagpaalam si Plumina kung pwede bad aw mag-temple run sa iPhone5 niya habang nasa bulsa siya ni Mariana. Pero tumanggi si Mariana kasi 26% na lang ang battery niya. Eh mag-G-GM pa daw siya mamaya.
Lumabas na sina Mariana sa kwartong kulungan. Pero paglabas nila don, nagulat sila dahil nasa harap na nila si Heneral Wales Kontz(WK). Nakatitig sa kanilang dalawa. Di naman kasi nakikita si Plumina eh.
WK: Anong ginawa niyo dyan Mariana?
MU: Ah eh, wala naman. Akala kasi namin kwarto mo kaya napapasok kami ng ‘di oras.
WK: Ah, ba’t niyo naman ako hinahanap?
MU: Ah, tatanong lang namin kung bakit ang busy ng mga shoo dito.
WK: Ah. Kasi si Pudra nagpaparty. Kasi daw nakabalik na si atashi sa aminglou Kaharian.
MU: Ah sige. Magpapaalam na sana kami kung pwede na kaming umalis.
WK: Nako, hindi pwede eh.
MU & MK: Bakit?
WK: Kasi kinuha niyo si Plumina!!!
Hinabol ni Wales ng itak si Madam K at Mariana. Nakalimutan kasing sabihin ni Plumina na lahat ng tao sa Mirmo A De Pon ay tagusan ang tingin. Kaya kahit may nakatago sa’yo, kahit hindi mo nilalabas ang panty mo, makikita nila. Ang tawag sa kapangyarihang iyon ay Manyakol technique.
Nakalabas na sina Mariana, Madam K at Plumina sa kaharian. Pero hinahabol pa din sila ng mga kawal ng Kaharian. Iniutos ng Haring Mirmo na hulihin sina Mariana, Madam K at Plumina. At ang makakahuli sa kanila ay bibigyan ng 2 tickets papuntang Hongkong Disneyland!
Mga Kawal: IBALIK NIYO SA’MIN SI PLUMINAAAAAAAAA!!!
MU: Ayaw namin! ULOL!
MK: PAKYU! BALIK NIYO MUKA NIYO! UNANO!!!!
Habang tumatakbo sila, nagulat na lang sila ng nasa harap na pala nila si Heneral Wales.
Agad agad na binaril ni Heneral Wales si Mariana sa tiyan.
“CHUK CHUK CHUK!” sabi ng mga bala na agad agarang pumasok sa tiyan ni Mariana.
Pero may naisip si Mariana sa gitna ng paghihingalo niya.
Ito na ba talaga ang huli?
Paano ang haking hamang hari?
Paano hang haking hinang reyna?
Paano si Margaux?
Paano si Madam K?
Paano si Plumina?
Paano ang Kingdom namin?
Pero hindi pupwede...
Tumawa si Heneral Wales. Tanda ng pagkapanalo niya. Umiyak naman si Plumina at Madam K tanda ng pagkasawi ni Mariana.
Pero nagkakamali sila..
May lumabas na Duel Monster Card sa gitna ng field. Sumigaw si Plumina agad agad!
Plumina: Monster Rejuvination!
WK: A-anong nangyari? Paano siya nabuhay?!
Plumina: Naglabas ako ng trap card ng hindi mo napapansin. Alam ko kasing may balak kang masama kay Mariana kaya agad agad kong inactivate ang trap card na dala dala ko.
WK: Hindi ito pwedeng mangyari!
Plumina: BACK POWER INSTALLATION ACTIVATED!!!
Umilaw ang buong katawan ni Heneral Wales. At bigla bigla na lang sumabog at naglaho. May lumabas na numero sa gilid nito. Yun ay nagtatakda ng lawak ng pinsalang nagawa ni Plumina kay Heneral Wales. 3, 850 Life points ang nabawas ko sa kanya at yun ang nagresulta ng kanyang kamatayan.
Agad agad ng nagpasalamat si Mariana kay Plumina. Kung hindi marunong mag Yu-Gi-Oh si Plumina at kung walang special powers si Plumina, tiyak, patay na si Mariana.
Lesson: Hindi lahat ng pogi, mabait.
Itutuloy...