"Langit lupa impyerno!" nakangiti si Zeke habang tinuturo niya ang mga kasali sa laro namin, siya kasi yung nagchachant atsaka yung nagtuturo.Sinimulan niya sakin.
"Im im impyerno!" Nasa field kami ng school naglalaro ng langit at lupa. Nakatitig lang ako kay Zeke habang siya naman ay tinitignan naman ang mga tinuturo niya.Sino kaya yung taya? Sana hindi ako. Mabagal kasi ako eh.
"Saksak puso tulo ang dugo, patay buhay umalis ka na sa pwesto mong mabaaaaaaho!" at sakin tumapat ang daliri niya sa huling pantig ng awit na kanyang kinakanta.
"Nice one Bridge!Ang swerte mo!" sabi ni Zeke habang nakangiti siya sakin.
Natapos na ang pagpipili ng taya sa langit lupa at si Zeke ang naging taya. Paktay tayo dyan, mabilis pa naman tumakbo si Zeke. Huhu ako na unang tatayain niya.
Tumakbo ako pinakadulo ng field para hindi niya ko mapuntahan dun at tumungtong sa taas ng bleachers. Ang daya ko no? Siyempre ayokong mataya eh.
"7...8...9...10!" at nagsimula ng tumakbo si Zeke. Tinignan niya ko bigla, Oh no! Ako ba una niyang tatayain?
Tapos tumakbo siya papunta sa kabilang direksyon.Hay, Kala ko naman.
Umupo muna ako saglit at nagmunimuni habang naglalaro pa sila dun, tatakbo naman ako kapag pinuntahan akoni Zeke dito tapos bilangan, may kabilang bleachers pa naman na kaya kong talunin kung baka sakaling bilangan niya nga ko dito.
Nakatingin lang ako kay Zeke habang tumatakbo siya. Hindi ko nga alam kung bakit sa tuwing nakatingin ako sakanya, may kung-anong weird ang nararamdaman ko sa tiyan ko kapag nakatitig ako sakanya, tapos komportable ako kapag nakakausap ko siya. Tapos kapag kasama niya si Bianca parang naiinis ako kay Bianca. Ang weird talaga kapag nandyan si Zeke.
"Uy! Nakangiti ka dyan? Sinong iniisip mo?" bigla akong bumalik si realidad at hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Ang weird talagaaaa~
"Ay! Ay! Ay!" bigla akong napasigaw dahil muntik na kong mahulog sa bleachers, buti nasalo ako ni Zeke.
"Salamat ha." sabi ko at nung tinignan ko siya, bigla akong nahiya. Ano ba to? Nababaliw na ata ako eh.
"Okay lang yun. Buti hindi nasubsob yung mukha mo dyan oh. Halika na nga." grabe hiyang hiya nako sa mga sinasabi niya di ko talaga alam kung bakit.
Sabay na kaming naglakad ng classroom kasi di rin namin natuloy yung laro namin dahil tapos na yung free time namin.
Tinignan ko si Zeke. Pantay lang kami ng tangkad. Grade 6 pa lang naman kami kaya alam ko na tatangkad pa siya.
Pagbalik namin sa classroom ay may sinabi pa siya sakin..."I think you stole something that I really need, something that's keeping me alive, the one who pumps to contribute the oxygen to my cells."
I don't understand. What I feel and what he said.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Madaming nag-iiyakan, maraming nagkakaaminan, maraming nagkakahiwalay, marami din namang magkikita pa muli. Sus ang aarte nila! Magkikita pa naman next year.
Ganito naman lagi ang mga scenario sa mga graduation. And it happens to be our graduation. Finally! High School na ko next school year! Matapos ang 6 years na paghihirap, may kasunod ulit! Just great!
"Congrats Bridgit!" napalingon ako sa nagsalita. Si Zeke.
"Uy! Congrats ah! Dapat nga ikaw yung kinocongrats ko kasi Salutatorian ka eh!" sabi ko habang nakangiti.
"Salamat ah. Saan ka nga pala mag-aaral next school year?" tanong niya.
"Dito parin." sa totoo lang kasi, ayoko ng lumipat ng school. Tinatamad na ko eh. And gusto ko marami akong kilala kapag pumasok ako sa isang school.
![](https://img.wattpad.com/cover/47104957-288-k99190.jpg)
BINABASA MO ANG
Over and over again
Short StoryLove comes to those who still hope after disappointment, who still believe after betrayal, and who still love after they've hurt. ~Anonymous