Chapter I - It all started...

6 0 0
                                    


Baby girl... Baby girl ng buhay ko... Baby girl... wakey, wakey. Gising na aking baby girl!!!

Namulat ang aking mga mata noong marinig ko ang tila napakaingay kong alarm. Kanina lang pala ako tinatawagan ng aking baby boy. Kinapkap ko ang aking side table para kunin ang aking cellphone.

"Hmmm..." sagot ko nung ma press ko ang answer button.

"Gising na baby girl. May exam tayo today, hindi pwede ma late." Aniya.

"Hmmm..." sagot ko naman sabay dilat ng aking mga mata. May exam nga pala kami ngayon. Natagalan lang ako sa pag gising kasi late na rin ako natulog kagabi.

"Kung hindi ka pa babangon diyan, hindi ko gagawin ang report mo sa microbiology." May deal kasi kami na ako ang gagawa ng assignments nya tapos siya ang gagawa ng reports ko. Kung may isang bagay na mahina ako, yun ay ang public speaking. Nanghihina ako kapag may maraming tao ang nakatingin sa akin kapag ako ay nagsasalita. Samantalang si Christoff, nasa opposite direction naman. Magaling siya kapag magsasalita sa harap ng maraming tao. Pero medyo mahina sa written; doon naman ako magaling. Sadyang pinagtagpo lang talaga kami ng tadhana.

"Babangon na po." Sagot ko naman na tila effort pa rin ang pag bigkas dahil sa antok.

"Very good baby girl. Kiss ako sa noo."

"Sarap naman baby boy." Nakangiti kong sabi.

Tumawa siya at sabi, "Bangon na senyorita, gusto mo paliguan kita?"

"Loko mo. Patay ako kay mama."

"Okay lang yan. Malakas naman ako kay Tita eh."

"Gagi to. Sige na. Ligo na ako. Kiss ko noo baby boy."

"Saraaaaap. Sige baby girl. See you after an hour. Hintayin kita sa labas ng gate nyo ha."

"Okidoki. Bye."

Bumangon na ako at kinuha ang tuwalya'ng color pink na may Hello Kitty print na nakasabit sa likod ng aking pintuan. Mabilis naman akong maligo, mga fifteen minutes tapos na ako. Pagpasok ko sa banyo, tila merong nkalagay na note sa may salamin sa lavatory ko.

Pang pa good vibes before taking the exam. J

When I flipped the piece of paper, picture pala namin ni Christoff sa iyang wedding na ako ang maid of honor at siya naman yung best man. Ito pala yung kasal ni Leila at Miguel last year. Sa picture na 'to pareho kaming nag wacky, nagpa duling ako labas dila. Yung kay Christoff naman, para siyang unggoy. Nakaka good vibes nga ang picture na to. Sana hindi kami magbago.

Sa aming dalawa, ako yung dependent. Siguro dahil sinanay nya akong maging baby nya. Hindi ako umaalis ng bahay pag hindi siya kasama. Ang mga desisyon ko, palaging kinukonsulta sa kanya bago ko gawin.

Kapag umaalis kami o kaya may bibilhin, siya palagi ang nagtatanong sa sales lady sa presyo at detalye. Ako lang yung nakikinig. Nahihiya kasi ako kumausap sa mga taong hindi ko kilala.

Minsan nga napaisip ako kung mabuti ba itong ginagawa nya, kasi baga isang araw iwan nya nalang ako sa ere, baka gumuho yung buhay ko. Ayoko nun.

First year high school kami nagkakilala ni Christoff, sa isang youth camp. Since palagi akong umaattend sa youth camp na yun, nakaassign sa akin ang opening speech. Nag warning na ako sa head coordinator na ayaw ko talaga mag speech dahil nahihilo ako kapag tinitingnan ako. Pero Malaki yung tiwala nya sa akin at wala na raw ako magagawa dahil nakalagay na sa program.

Pag apak ko sa podium, nanginginig ang aking mga kamay at bibig na para bang ako ay nilalamig. Hindi pa ako nakapagsalita, ay nararamdaman ko na ang pagkahilo ng aking ulo. Nung tiningnan ko ang halos isang daang mga bata, hindi na ako nakapigil, sumuka ako sa harapan ng maraming bata at lahat ng lumabas sa aking bibig ay napunta kay Christoff dahil siya ang nasa harapan ng stage. Pagkatapos nun ay hindi ko na maalala ang nangyari dahil hinimatay na ako.

Teach me how to get hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon