Chapter II - Trust me...

5 0 0
                                    

Friday finally arrived and the girls were starting to get worried. We were in the cafeteria, kaming mga babae when Fera spoke, "Yang si Andre, malikot ang mga mata nyan, kapag nakakita ng sexy, ang sarap dukutin ng mga mata."

Sinundan naman ni Rhea, "Kampante naman ako kay Rico, bukod sa hindi yun umiinon, maka Diyos yun. Hindi pumapatol sa hindi dapat."

"Kay James naman," Dugtong pa ni Gabbie, "segurado ako hindi ako iiwan nun, parang babae yun kung makakapit sa akin eh." Then smiled.

"Hindi ko alam kay Herald," sabi naman ni Zainah na tila ang lungkot ng boses, "tahimik lang kasi yun, baka nasa loob ang kulo."

"Girls, girls..." sabi ko naman. "may tiwala naman ako kay Christoff eh, kaso minsan kapag may linilingon siyang babae, na iinsecure talaga ako. Parang mas gusto nya dun sa babaeng yun kesa sa akin."

"Huwag ka nga!" Angel exclaimed. "Kayo ang pinaka matagal mag syota sa ating magkakabarkada, siguro naman, tested na yung loyalty nya sa'yo. Nakipag night out lang yun kasi baka naisip nya na dapat natin silang pagka tiwalaan. Sana nga tumagal kami ni Anton gaya nyo eh."

"Hoy kayo ha," Sagot naman ni Rinna, ito yung barkada naming na NBSB, walang nagging syota at wala yatang plano magkaroon, "tigil-tigilan nyo ako sa drama nyo jan sa mga lalaking yan, iisa at iisa lang ang gusto nilang kunin sa inyo. Pag nakuha nay un, chaka na kayo iiwan. Alam nyo na kung ano ang ibig kong sabihin."

"Rinna Sakay. Ang babaeng walang puso. Virgin pa ako FYI kahit na five years na kami ni Christoff at never naming pinag usapan yan hoy."

Tumango naman yung ibang girls.

Nagsalita si Zainah, "Ikaw Rinna, pag nagka boyfriend ka, ikaw pa siguro yung mauunang gumawa nyan. Ang laswa ng iniisip mo."

"Ay naku, dadaan muna siya sa butas ng karayom bago nya makuha itong pagkababae ko no!" Sabi ni Rinna.

"We'll see about that." Sabi naman ni Sheena.

"We'll see talaga!" Sagot naman ni Rinna, "O, siya Tamayo na tayo, magpa evaluate ng grades at tayo ay ga-graduate na!"

Napangiti kaming lahat sa idea na kami ay saw akas aalis na ditto sa striktong paaralan na ito. Nakakalungkot man minsan isipin na magkakahiwalay kami, pero alam kong the friendship will still be there.

Mahirap mawalay sa mga taong nakasanayan mo ng kasama araw-araw, pero syempre, nag mamature din naman ang mga tao at kelangan ng security, kaya kailangan mag trabaho.

Ang plano namin ni Christoff, mag graduate namin, kung maaari hindi kami magkakalayo, kailangan kaming magkasama. Total pareho naman kami ng kurso so hindi malayo mangyari ang magkasama kami.

Minsan napaisip din ako, paano kung iwan ako bigla ni Christoff, siya kasi yung laging tinatrato akong baby, kung iwan nya ako, para na din nyang iniwan ang anak nya sa kalye. Ayoko mang isipin, pero hindi ko yata kakayanin ang hindi siya kasama habang buhay. Hinding hindi ko kakayanin.

"Hoy!" Pagulat na sigaw ni Rinna habang nakapila kami sa Dean's office. "Ang lalim naman ng iniisip mo, ako ba yan? Baka malunod ako ah?"

"Utot mo. Bakit naman kita iisipin." Tawa kong sinabi.

Inabot ni Rinna sa akin ang isang form, "O 'yan. I-fill out mo para ma evaluate nila ang grades mo."

"Salamat Rinna, may extra ka pa ba?" Sabi ko sabay kuha sa form.

Ngumiti si Rinna at nanunukso, "Syempre meron, para sa darling mo? O ayan!"

"Salamat my virgin friend!"

"Hoy wag naman ganyan,"

"Hindi ba totoo? Di ba proud ka naman?" Tawa kong sinabi.

"Ewan ko sayo." Tumalikod na ito. Ang ibang girls ay nakaupo na sa hagdanan ng College building naming ang nag fill out ng form. Halatang nag fill out na rin ng forms para sa kanilang mga boylet.

Teach me how to get hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon