Chapter III - Distant friend...

1 0 0
                                    

"Patay talaga ako nito. Baka hindi tayo makagraduate sa nangyari." Pahagulhol na sabi ni Fera habang hawak ang dalawang metal bars ng selda. "Si Rinna yung may kasalanan nito, bakit hindi siya nahuli?"

"Nakita ko si Rinna na nilagyan din ng handcuffs, baka pinakawalan lang siya bago tayo mapunta dito." Sabi ko kay Fera.

"Wag nalang tayo mag sisihan, total kung hindi tayo pumayag, hindi rin naman tayo mapupunta dito." Ani'y Angel. "Pero tama ka Fera, baka hindi tayo makagraduate nito." Umiiyak na sabi n'ya.

Hindi namin alam kung bakit hindi nahuli si Rinna, pero ngayong nasa selda na kami, hindi ko na alam kung ano pa ang pwedeng mangyari. Alam kong mapapalabas ako dito ni papa kaso, isang taong pagkakakulong naman sa bahay ang mangyayari sa akin.

Tahimik lang si Gabbie, Zainah at Rhea parang alam na rin nila kung ano ang manyayari.

Pagkalipas ng ilang minuto, may dumating na pulis ay may dalang susi.

"Laya na kayo." Sabi nito habang binubuksan ang selda.

"Salamat Poong Maykapal!" Pasigaw ni Angel.

Nangmabuksan na ang selda, lumabas na kami papunta sa reception area ng police station. At paglabas namin, andun ang mga boyfriend namin at si Rinna.

Niyakap ng girls ang boys with all the smiles pero si Christoff lang ang nakasimangot. Nilapitan ko s'ya pero nakatayo lang ako sa harap n'ya at hindi pa rin s'ya umiimik. Hindi ko alam kung mag so-sorry ba ako kasi alam kong mag-aaway lang din kami.

"Ihahatid na kita sa bahay n'yo." Sabi ni Christoff sa akin.

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Rinna, "Teka lang Christoff, ang paalam ko sa papa nyan ay sa bahay matutulog, hindi naman pwede na uuwi s'ya ng ganitong oras.

Tiningnan ni Christoff si Rinna na alalang-alala sa akin.

"Sa bahay na 'to matutulog, baka kung ano pang kalokohan na naman ang gawin n'yo." Tuwiran ni Christoff.

"Baby boy...---"

"Sakay sa kotse." Sabi ni Christoff.

Sinunod ko na din s'ya. May kasalanan naman talaga ako. Nagsi alisan na rin kaming lahat, ang iba ay nag taxi, yung iba naman, hinatid na ni Rinna. Wala namang gusto yatang sumakay sa amin. Pag ganito si Christoff, pag lumalabas yung pagiging dominant n'ya, hindi na s'ya kinakausap ng mga boys kasi alam nila kung paano s'ya magalit kapag ako na ang topic.

Binuksan ko ang pintoan ng sasakyan nya pero nauna na s'yang pumasok. Normally, s'ya naman talaga ang bumubukas ng pintuan, pero sa ngayon talagang galit ito.

Pinaandar na n'ya ang sasakyan at nag umpisa ng mag maneho. Tahimik lang kami sa sasakyan, bahagya ko syang tinitingnan pero yung mga mata nya ay hindi mahiwalay sa daan.

Naalala ko nuon na ganitong ganito din ang mukha n'ya. Galit na galit s'ya.

Pumunta s'ya ng Baguio ng hindi ko alam, meron kasi sila nung emergency meeting kasama ang pamilya n'ya. Kakauwi lang kasi yun ng papa n'ya and biglaan ang naging lakad nila. Dalawang araw ko s'yang hindi ma contact, kaya on the second day na wala kaming communication, niyaya ko sina Rinna na mag club. Lasing na lasing ako palagi at hindi na rin umuuwi ng bahay, hindi ito alam ng papa ko kasi naka destino ito sa Pampanga kaya si mama lang ang naiwan at ang kuya ko.

Kapag lasing na lasing ako, kasi tumagal yung ng limang araw, umuuwi ako kina Rinna dahil wala naman doon ang parents n'ya, nasa New York, kaya sa kanila ako umuuwi. Lagi ko sinasabi kay mama na meron kaming group study pero nasa club lang pala kami.

Kahit sina Rhea umiinom na rin, nandun sila palagi kahit na nagiging bad influence na ako. Kahit ang mga boyfriends nila, hindi sila pinagbawalan, kasi nangangailangan ng kaibigan ang isang pathetic na Rosally. Hindi ko na sinubukang tawagan si Christoff, kasi unti unti ko ng tinaggap na wala na kami. Na iniwan nya na ako. Na hindi na s'ya babalik.

After a week, pumunta ulit kami sa isang bagong bar, umiinom na naman ako, but this time, the girls tried to stop me na. Dahil wala pang thirty minutes ay lasing na ako, nag yoyosi pero nakaupo lang at hindi sumasayaw. I constantly go to the comfort room para sumuka, pero pagka tapos ay umiinom na naman.

Hanggang sa iinumin ko na sana ang rum na nasa kamay ko, may pumigil sa akin, napatingin ako, si Christoff pala. Galit na galit s'ya na kulang nalang umusok ang kanyang ilong sa galit. Sumuka ako sa damit n'ya then I passed out.

When I woke up, I was in a room in their house, nakapalit na ng damit at may towel at maliit na basin.

Maya maya ay pumasok na si Christoff na may dalang tray ng pagkain. Nilapag nya ito sa bedside table.

Ayoko ko s'yang kausapin, so I turned to the other side and covered myself with the blanket.

"For your information, Miss Sanchez, I left a note bago kami umalis. I left it to your brother. The morning na umalis kami, I asked papa to stop for a while sa bahay n'yo dahil alam kong magagalit ka kapag hindi ako nagpa alam." Umupo si Christoff sa kama ko, "When I arrived, I went to your place to check up on you, pero sabi ng mama mo hindi ka na raw umuuwi dahil busy ka sa group study." He touched my head na parang inaamo ito, "I didn't you would freak out like this, I'm sorry. We had an emergency meeting sa branch namin sa Baguio, may bago kasing client and papa wants me to be part of it. I suppose hindi naibigay ni kuya mo ang note ko dahil hindi na kayo nagkikita. What you did was inexcusable, you can't destroy your life dahil lang sa akin. Kaya I'm sorry." Sabi ni Christoff and flipped the cover off of me. Nakita n'ya na umiiyak nalang ako kaya humiga s'ya at niyakap nalang ako.

I turned around at niyakap ko na din s'ya. Useless din naman kasi na awayin ko pa, klaro naman na ayokong mawala s'ya sa akin.

"Sorry din." Sabi ko habang umiiyak pa rin.

"May kasalanan din ako. Tahan na." Sabi n'ya habang yakap ako. "Wag mo na ulitin please baby girl... kung napaano ka pa hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Hinalikan nya ang noo ko.

Napabalik ako sa aking sarili ng biglang huminto ang sasakyan, dumating na pala kami sa bahay nila at nakapasok na rin sa garage. Hindi pa rin ako pinapansin ni Christoff, bumaba na lang s'ya at pumasok sa bahay nila. Habang ako naiwan lang sa kotse.

Bumaba ako dala ang aking bag at nag antay sa kanilang porch. Hindi ko naman kasi ugali ang bigla nalang pumasok sa isang bahay na hindi inaanyayahan. Kahit bahay pa ito ng boyfriend ko, ayoko pa rin.

Maya-maya, yung katulong nila ang lumabas, "Pasok po kayo Ma'am."

"Salamat." Siguro hindi na talaga ako papansinin ni Christoff. Hindi ko na rin ipipilit ang sarili ko sa kanya.

Nakarating na kami sa kwarto, this is where I slept din last time. Nagbago lang ang pintura, naka white kasi yun before, ngayon naka peach na but aside from that, wala ng nagbago.

"Maiwan ko nalang po kayo Ma'am." Sabi ng katulong.

"Sige po, salamat." Sabi ko. Nang isasara n asana ang pintuan, tinanong ko ulit ang katulong, "Si Christoff po? Natulog na ba?"

"Ay hindi ko po alam, pumasok na sa kwarto Ma'am."

"I see, sige salamat ulit." At sinara na n'ya ang pintuan.

Since wala naman akong magawa sa kwarto, naligo nalang ako at ginamit ko ang bathrobe kasi wala naman akong dalang gamit. Nilabhan ko ang aking underwear para may magamit ako bukas at sinampay ko sa loob ng banyo. Buti nalang may CR dito sa loob ng guest room.

Pagkatapos kong maligo, humiga na ako sa kama pero kahit na anong gawin ko, hindi ako makatulog. Siguro dahil ayaw kong matulog nang hindi naayos ang away namin ni Christoff. Lumabas nalang ako ng kwarto at pinuntahan s'ya.

Kinatok ko tatlong beses ang kanyang kwarto pero hindi ito sumagot, "Christoff?" katok ako ulit. Pero walang sagot.

Inulit ko ng ilang beses pero n'ya ako pinapansin. Alam kong nasaloob s'ya dahil naririnig ko ang kanyang TV. Napagisipan kong antayin nalang s'ya sa labas kaya umupo nalang ako sa sahig habang inaantay s'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teach me how to get hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon