Chapter 4

20 0 0
                                    

Na bad mood ako buong araw dahil sa Marie na yun. In fact, hindi ko nga siya kilala at hindi ko alam kung bakit ko siya friend sa FB. Siguro isa siya sa mga fans kong nagkakandarapa para lang sa attention ko. Duhhh....

Anyway, oo aaminin ko. Hindi ko na kinaya mga pinagsasabi nung Marie na yun sa comment. Nakakasakit na. Alam kong bitch ako at ako naman may pasimuno pero......

Hindi ko talaga kinaya. Ajujujuju------ewwww so jeje.

Nasaktan ang puso ko.

Yun ay kung may puso ako HAHAHAHAHA!!!

Wala naman akong pake sa lecheng love na 'yan pero nung sinabi niyang walang magmamahal sakin habang buhay dahil sa kasamaan ng ugali ko medyo natakot rin ako. Ewan ko kung bakit pero ganun eh.

But still hindi ko pinagsisihan na nag kupal ako. HAHAHAHAHA!!! Pero in-unfriend ko siya sabay block.

Bago ako umuwi kaninang dismissal nag hang out muna kami ni BTCH sa mamahaling coffee shop kung saan lagi akong umoorder ng mamahaling kape.

May problema ang BTCH best friend ko kaya pala medyo sobrang bitchy niya kanina. Syempre kahit papano medyo laging nandito ako para sa kanya.

Etong BTCH na 'to ay masasabi kong tunay kong kaibigan. Mabuti o masama man ang ugali ko. Kahit na ilang beses ko na siyang na-disappoint hindi niya ko iniwan.

Flashback muna ng saglit.

Naalala ko lang kasi nung mga panahong binago ko ang sarili ko para lang mag fit in sa mga taong wala naman palang ka kwenta kwenta. From introvert to extrovert lang naman ang plano ko. Hindi kasali ang pagiging bitch. May mga naging bago akong kaibigan at kabarkada isama mo na rin ang boyfriend(ang unang lalaking minahal ko leche. Isang proof na walang forever.) at feeling ko sila talaga ang tunay kong mga kaibigan at hindi si BTCH eh kasi naman si BTCH lagi nalang ma-drama(pero minsan mas ma-drama pa 'ko sa kanya di lang halata.)

It's not that nagsasawa na 'ko sa mga ka-dramahan niya sa buhay pero kasi yung na e-experience ko pag kasama ko ang mga bago kong kaibigan at pag kasama ko si BTCH ay sobrang iba.

Bagong kaibigan= FUN, wildness and such
BTCH= prim and proper. Laging conscious sa mga ginagawa kasi nga good girl. (Although dati palang bitchy na siya pero good girl pa rin)

Pag may lakad yung mga bago kong kaibigan hala sige sama naman ako. Pag niyaya ako ni ex-boyfriend makipag date hala sige kahit maraming kailangang tapusin gorabells lang. Pero pag may kailangan si BTCH ni hindi ko magawang tulungan siya.

Alam kong nagtatampo na si BTCH sa 'kin kasi hindi ko na siya masyadong kinakausap at pag lunch time hindi na siya ang kasabay ko pero nung mga panahong 'yun ang alam ko lang at ang na sa isip ko ay boring kasama si BTCH.

Ilang beses na 'kong binalaan ni BTCH na layuan ko na ang mga bago kong kaibigan pero hindi ako nakinig eh. Ang tanga tanga ko kasi.

"Charlotte please lang layuan mo na sila. Hindi sila mabuting kaibigan para sa'yo. Narinig kong ginagamit ka lang-----"

Nainis ako sa narinig ko kasi feeling ko sinisiraan niya ang mga bagong kong kaibigan kaya hindi ko na siya pinatapos na magsalita.

"Ano bang problema mo? Sobrang wala ka na bang makausap? Sobrang inggit mo na ba na hindi na ikaw ang lagi kong kasama? Hindi mo kailangang siraan ang mga kaibigan ko kasi kilala ko sila. Ikaw, hindi mo sila kilala kaya wala kang karapatang manira!"

"Charlotte, totoo ang sinasabi ko! Makinig ka naman kasi." Nagmamakaawa niyang sabi sa akin.

"Pwede ba umalis ka na lang. Wala 'kong time sa mga ganyang bagay ngayon."

Hindi rin nagtagal nagbreak kami ni boyfriend. Nung mga panahong 'yun naniniwala pa 'ko sa love. Minahal ko siya ng sobra eh tas nalaman kong pinagpustahan lang pala ako ng gagong 'yun. put*ngin*ng mga lalaki yan mga pakshet. Sobrang nakaka-depress yung mga pangyayari nung panahong iyon isabay mo pa ang nangyari nang malaman kong ginagamit lang pala 'ko ng mga lecheng bago kong kaibigan.

Kinaibigan nila ako para maging alila nila. Taga gawa ng projects. Source ng sagot sa mga exams. Lecheng mga parasites.

Luhaan akong lumapit kay BTCH. Wala pa man akong sinasabi ay niyakap na niya 'kong agad.

"I'm sorry. I'm so sorry." Luhaan kong sabi sa kanya.

"Shhhhh... Tahan na. Okay lang 'yun. Ang importante na-realize mo na hindi sila totoo sa'yo."

Sobrang thankful ko dahil hindi man lang nakuhang magalit ni BTCH sa 'kin at pinatawad pa 'kong agad. Dun ko na-realize na hindi importante kung gaano karami ang kaibigan mo at kung anong experiences at memories ang meron kayo. Sa huli naman kasi ang taong hindi ka iniwan ay ang taong masasabi mong tunay mong kaibigan.

Back to reality.

Ayun nga problemado si BTCH ewan kung tungkol saan basta problemado siya.
Ewan kung ina-assume ko lang na problemado siya pero feeling ko ganun na rin yun.

"Oh ano? Tutunganga lang tayo? Walang usap na magaganap?" Pataray kong tanong sa kanya.

"Eeeeeehhhhhhh...... Kasi naman alam ko namang hindi ka makikinig sa kin lalo na sa ganitong bagay."

Asus. Nag-inarte pa ang gaga. Nakakainis lang kasi di bagay.

"Ano nga 'yun?"

"Confuse ako."

"Saan ka confuse? Pwede bang wag cliff hanger? Kumpletuhin mo detalye mo!"

"EhkasinamanhindikonaalamkungtamabatongnararamdamankokasianokasigustokonayatasiKentperokasimayibanaatasiya." Pagkatapos niyang sabihan yun ay humnga siya ng malalim.

"Anooooooooooooo?????" Leche naman kasi. Magsasalita na lang pabulong pa at sobrang bilis bukod pa dun kinakain pa niya mga sinasabi niya.

"Leche. Magsalita ka ng maayos hindi yung kinakain mo sinasabi mo! Gutom ka lang ba? Umamin ka nga!" Nakakairita. Siya yung nerd pero hindi ata niya natutunan sa speech class namin ang salitang "clarity".

Nag pout ang gaga and she place her right hand just few inches from her chest and pump it several times. Para bang isang beating heart.

"I think I like Kent."

"What?! Pero----"

"Pero may iba na ata siya." Nakita kong naluluha si BTCH kaya medyo panic mode naman ako.

Pero teka lang.... Like pa lang naman di ba so anong arte yan?! Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga maganda epekto ng pag-ibig na 'yan eh. Panira lang ng buhay na mapayapa.

Pag-uwi na pag-uwi ko sa bahay ay si mommy agad ang sumalubong sakin. Hindi na kami masyadong nakapag-kwentuhan after dinner kasi pareho na rin kaming pagod kaya umakyat na 'ko sa kwarto ko.

Paghiga ko sa malambot kong kama na sobra kong na-miss ay chineck ko agad ang twitter ko.

As usual, ang dami kong followers.

Sa FB naman marami ring nagsesend ng friend request pero hindi ko pinapansin. Wala akong pake!

Bago ako mag sign out ng FB may biglang humabol ng pagswnd ng Friend request sa kin kaya tinignan ko naman. Minsan nakaka-curious din pero mas madalas nakakatuwa. It only proves na ang ganda ko at hinahangaan ako ng marami.

"Nicolas Gomez sent you a friend request"

Nicolas....... Parang familiar.

Titignan ko sana yung DP para malaman kung kilala ko pero tinamad ako bigla kaya nag sign-out na lang ako.

Ready to sleep!!!!











A/N: medyo humupa na ang kasamaan ng ugali ni Charlotte. How I wish lagi na lang siyang medyo mabait pero I like her bitchiness more HAHAHAHA!!

So alam niyo na ngayon na may pinanggagalingan ang ugali ni Charlotte at hindi basta basta lang na minagic para iugali niya.

Sino nga kaya si Nicolas Gomez? Siya na ba ang magpapabago sa pananaw ni Charlotte when it comes to love o isa lang siya sa mga lalaking magiging dahilan ng pagiging bitch ni Charlotte?

Bitch, please. Let's all find out!
Stay tuned guys! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitches, back off!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon