Feel na feel ko ang paglalakad ko sa hallway ng school papunta sa una kong klase na para bang isang model na rumarampa. Chin up. At tila bang na-sense nilang may reynang paparating ay nagsitabihan sila sa dadaanan ko at sabay sabay ng tumitig sakin. Great. I'm loving this.
Mula sa dulo ng hallway ay biglang bumukas ang pintuan ng isang classroom at may lumabas na tatlong Chaka Girls na sabay sabay naglakad papunta sakin. Wow ah, synchronize pati paglalakad pero ewww parin sila. Oo chaka. Ang papanget kasi nila lalo na yung leader leader-an nilang kamukha naman ng kuko ko sa paa pero kung maka asta akala mo sinong maganda. GGSS. Ewwwww... Like duhhh... Ako lang may karapatang gumawa nun.
Dirediretso lang rin akong naglakad papunta sa destination ko pero hinarangan ako ng mga Chaka.
Aba ang kakapal talaga ng mukha. Talagang hinahamon ako.... Sige lang.
Tinignan ako ni Chaka Girl 1 a.k.a. Alice na ang sarap paALISin sa harapan ko mula ulo hanggang paa at pabalik. If I know, mas mahal pa ata suot ko sa buhay niya at inggit lang siya.
She gave that mischievous grin of hers na hindi naman nakakasindak para sakin. Ewww. Feeler much.
"Let's go girls. This trying hard in front of me is not worthy of our precious time." Sabi niya sa mga co-chakas niya at nag-umpisang maglakad papalayo sakin.
At syempre hindi naman ako papayag na siya ang may last say. Dapat ako. #BitchModeOn
"TEKA LANG!" pasigaw kong tawag sa kanya. "FYI call me trying hard all you want at least I know where I stand. Nirerespeto ako ng mga tao. Eh kayo? Kinabbwisitan sa kaartehan niyong hindi nababagay sa looks niyo? Huh. Goodluck sa inyo." Nakita kong gulat sila sa mga sinabi but I don't care they deserve to hear the truth. Nagpatuloy na ko sa paglalakad papuntang classroom and nobody dared to cross my way. Bago ko pumasok ng room humarap ako sa direksyon nila.
"At least hindi ako mukhang kuko sa paa." Pahabol kong sinabi.
Bitches, back off..