Lawrence's POV
After 2 years..
Nandito na ko sa Pilipinas ulit. Na-miss ko dito. Sobra. Lalo na si Elle. :(
Ang girlfriend ko. Kamusta na kaya siya?
Nawalan ako ng connection sa lahat ng kakilala ko dito sa Pilipinas. Kahit na si kuya at Elle lang naman ang tinutukoy ko.
Ayoko kasing maging unfair kay Elle kung kakausapin ko si kuya tapos siya hindi.
Ipinangako ko sa sarili ko na kahit gaano ko pa kamahal si Elle.
Kung kailangan ko siyang i let go. Gagawin ko kung masaya na siya. Pero babalikan ko siya, sana matanggap niya pa ko.
Sana hinintay niya ko. Selfish man, pero gusto ko talaga siyang makasama habang buhay. Lalo na't wala ng hadlang.
Flashback.. (2 years ago)
Ang saya saya namin ni Elle. Pero bigla akong nakaramdam ng pagod.
Kaya nag-aya na kong umuwi. Sabi ko gusto kong matulog. Pero ang totoo, magpapa checkup ako.
Eto na nga ang kinakatakot ko. Myeloid Leukemia. Kaya madalas nagdudugo ang ilong ko. Madalas akong mabilis mapagod. Kailangan ko na daw talaga magpagamot sa ibang bansa.
Pero paano si Elle? Paano ko sasabihin sa kanya?
"Kuya, can I ask a favor?" Bigla kong sabi sa kapatid ko.
"Oh little bro, ano yun?" tanong niya.
"Pwedeng bantayan mo si Elle dito sa Pilipinas? Habang hindi pa ako nakakabalik?
O baka nga hindi na ako makabalik kuya. Parang awa mo na, wag mo siyang pababayaan. Please kuya." Pagmamakaawa ko sa kanya. Umiiyak na ko. Ang gay man. Pero walang kasiguraduhan ang pagbalik ko dito.
Hindi ko alam kung makakaya ng katawan ko ang operations. At kung matatangaal ng operations ang sakit ko.
Elle, I'm so sorry kung hindi na ako makakapagpaalam sayo. Ayoko na kasing idamay ka pa dito, ayoko ng mag-isip ka pa masyado. Basta, mahal na mahal kita at kakayanin ko para sayo.
"Uy kapatid. Wag kang umiyak. Sige, ipapangako kong babantayan ko si Elle para sayo. Kapatid, kakayanin mo yan. Naniniwala akong makakabalik ka. Ikaw pa. Sige na kapatid, magpaalam ka na kay sister in law." Sabi ni kuya.
Napayuko ako.
"Kuya, wag mo sanang sasabihin sa kanya kung bakit ako umalis. Ayoko ng maging perwisyo pa sa kanya." Sabi ko.
Nagtalo pa kami ni kuya pero wala siyang magagawa, ayun na ang desisyon ko.
Umalis ako ng bansa ng hindi man lang nagpaalam sa girlfriend ko. Masama man pero, hindi ko alam.
Palaging nagche-chemotherapy. Nakakalbo na ako. Medyo nakakahina rin talaga. Sila mom ang nagbabantay sa akin dito.
Araw araw, iniisip ko kung kamusta na kaya si Elle. Hindi nagdaan ang araw na hindi ko siya naisip. Mahal na mahal ko talaga siya. Elle, makakabalik ako.
Babalikan kita. Kaunting hintay na lang..
End of flashback..
Napakaswerte ko dahil naagapan pa ang Leukemia ko. Napakasaya ko nung nalaman kong pwede na akong makabalik sa Pinas. At ngayon, pauwi na ko.
College na pala si Elle ngayon no? Buti naipasa niya ang Trigo. Hahaha joke lang. Miss ko na si daldalita. Madaldal pa rin kaya siya ngayon?