Minsan tinanong ko si God, bakit binuhay niya pa ako eh puro naman problema. Nakita ko Sya tinuro ka tapos sabi Nya: "Nakita mo yung pasaway nay un? Isa yan sa dahilan ng buhay mo ngayon.
Mahal mo ba sya? Mahal ka ba nya? Eh pano yan mahal din kita? Kailangan ko bang magparaya para sumaya ka o dapat kitang ipaglaban dahil mahal kita?
Minahal kia naramdaman mo ba? Hinintay kita nakita mo ba? Inintindi kita napansin mo ba? Hindi diba? Kaya wag kang magtaka kung isang araw magparaya ako. Una, dahil mahal kita. Pangalwa, pagod na kong umasa.
Meron akong kaibigan may mahal siya di naman sya mahal. Ang hindi niya alam mahal ko naman sya. Iniisip ko tuloy ang tanga nya. Hay! Kung alam lang sana niya,din a sya aasa pa sa iba. O sapul kaba? Ikaw yun tanga!
One day tatanungin mo kung ano mas mahalga, ikaw o ang buhay ko. Sasabihin ko buhay ko, magagalit ka iiwan ako wiout knowing na ikaw ang buhay ko.
Minsan kahit may mahal ka na hindi pa rin maiwasang mahulog sa iba. Pero pag dumating yung time na papipiliin ka nila piliin mo nkung kanino ka sasaya. May msaktan k amng isa at least nagpakatotoo ka.
Masyado daw akong palabiro, lahat daw dinadaan ko sa biro. Minsan tinanong nila ko kung sino mahal ko, sabi ko ikaw. Pinagtawanan nila ko bakit? Masama bang magsabi ng totoo ang palabirong katulad ko?
Minsan tinanong ako: "kaya mo bang ibigay lahat para sa taong mahal mo?". Hindi ko alam ang isasagot ko, natahimik ako at bigla na lang nasabing: "Kulang pa bang hayaan ko syang iwan ako para sa iba?
Mahirap umasa sa salitang "Mahal kita". Walang kasiguraduhan. Hindi mo alam kung galling sa puso o saan man. Pero minsan kailangan mong paniwalaan para hindi ka masaktan.
Bakit mahirap maging Masaya pag nagmamahal ka? Kahit halos lahat binigay mo na, kulang pa rin para masabi mong ok na. Ganito ba talaga magmahal o ganito lang magpatanga sa taong akala mo mahal ka?
Naniniwala ka ba sa salitang destiny? Paano kung yung taong nakatakda sayo ay di mo gusto? Susugal ka bas a tinatawag na destiny o ipaglalaban mo yung gusto mo na nakatakda naman sa iba?
Ang gulo noh? Pag puso pinairal mo sasabihin sayo nasaan ang utak mo, pag utak naman ang pinairal mo sasabihin sayo nasaan ang puso mo. Ano ba ang dapat? Puso na medaling masaktan o utak na mahirap turuan?
Ang true love madalang byahe nyan, kaya pag dumaan parahin mo, sumakay ka kasi baka hindi nay an muling bumalik pa. siguro nga babalik pa pero pano kung may sakay ng iba? Sasabit ka na lang ba?
Sa tuwing nakikita kitang badtrip at nag-iisa gusto kitang lapitan, yakapin at sabihing :"nandiro lang ako para sayo." Kaso di ko magawa, naisip ko kasi kung ako nga ba talaga yung kailangan mo...
Ang puso nilikha para magmahal, hindi taguan ng nararamdaman, kaya bago mahuli ang lahat yung nakatago sa puso mo iparamdam mo nab aka kasi mahal ka rin niya , naghihintay lang pala sya...
Maraming naniniwala sa salitang "mahal kita". Maraming umiiyak, umaasa at nasasaktan. Pero alam nio ban a sa salitang "Mahal kita ay natuto tayong magsabi ng: "putang ina!"...
Nang mahalin kita ginamit ko puso ko. Binigay ko lahat, minahal ka ng totoo. Sa kabila ng lahat ng to, sinabi mo nagkulang ako. Kung nasaktan man kita isa lang ang masasabi ko, minahal kita sa paraang alam ko..
Nagising ako sa panaginip ko sakit dawn g sinabi mo. "tumugil ka nga sa arte mong parang mahal kita!" Naisip ko tuloy ganito ba talaga magmahal? Kahit sa panaginip sinasaktan ka?
Bago mo sabihing "mamahalin kita habambuhay" itanong mo muna sa sarili mo kung handa ka na. dahil lahat ng tao marunong magmahal pero hindi lahat panghabambuhay. Alam ko mahal mo ko pero "hanggang kelan?.
BINABASA MO ANG
H-I-D-E-Y-O-U-R-T-E-A-R-S
RandomKapag na hurt ka wag kang susuko. Kapag natakot ka wag kang magtago. Kapag nadapa ka tumayo ka, di dahil I don’t care for you, Labs kita eh kaya gusto ko kahit wala ako sa tabi mo you can stand on your own. Sana maka-relate ka dito...Be strong and b...