Ang Pusong Sugatan

21 0 0
                                    

Hindi ko alam na ganito pala kasakit masaktan...

Hindi ko pa natatapos basahin yung text message, hinahabol ko na hininga ko sa lakas ng mga hikbi ko :)). Kamusta naman yun? Haha. Hindi ko rin maintindihan kung maaawa ako sa sarili ko, maiinis, o malulungkot ako. Halo-halong emosyon. Pero iisa lang sigurado, MASAKIT. SOBRA. Nangamote ako =))). Sinabi ko yung dapat kong sabihin. Sinabi ko yung totoo para hindi na ako masakal at makitang nahihirapan ang sarili ko. Pinili kong masaktan, mapalaya ko lang sarili ko...at siya. Pero kasabay pala nang pagiging totoo ko, may mas malaking dagok ng katotohanan ang matatanggap ko. Tila ba isang katotohanang hindi mo maitatangging sadyang tunay na tunay.

Mahirap naman talaga e. Pumili ka, sabihin mo yung totoo pero mawawala siya o maghintay ka na lang na parang ta*ga pero makakasama mo pa rin siya. Feeling ko natatawa na lang si Lord sa akin ngayon e :)). Sabihin naman Niya: ang tagal-tagal mo nang alam 'yang mga bagay na 'yan, hinintay mo pang masaktan ka. Haaaay. Halika nga. Hug kita :">.

Hindi ko alam kung ano na mababasa ko sa mga susunod na pahina ng kwentong ito. Pero malamang bagong kabanata na ang inihanda ni Lord para buklatin ko. Nakakaiyak pa rin pag maaalala mo yung saya, yung pinagsamahan niyo, yung ngiti niya...Pero ganun talaga e. Minsan kailangan muna nating masaktan bago matuto. Kailangan umiyak para magliwanag ang isip. At magpakawala upang matanggap ang mas magagandang mga bagay.

Sa buhay, tuturuan kang maging matapang sa pamamagitan ng takot mo. Anumang iwas mo, darating at makakasalubong mo ang mga bagay na kinatatakutan mo. At dun, dun sa pagkakataong 'yon na kaharap mo na ang takot mo, dalawang desisyon lang ang pwede mong piliin–tumakbo ka papalayo o banggain yung nasa harap mo. Piliin mong tumakbo papalayo at panigurong hindi ka masasaktan. Pero mas lalong lalaki ang takot mo kasi alam mong hindi iyon ang huling pagkakataon na makakaharap mo ang kinatatakutan mo. Piliin mong banggain, ayun, yun ang masakit. Pero sa pagkakataong maranasan mo lahat ng sakit na maibibigay sa'yo ng kinatatakutan mo, mararamdaman mong tila binigyan ka ng isa pang pagkakataong mabuhay. Alam mo na kung ano ang pakiramdam nang masaktan, alam mo na kung saan ka naging mali, alam mo na kung saan ka lulugar, at alam mo na mas naging matapang ka na. Ikaw? Ano kinatatakutan mo? Ako. Takot ako magmahal...at masaktan.

Pero ganun talaga. Masasaktan at masasaktan talaga ako. Iiyak. Titingnan ang mga mata sa salamin at matatawa. Tutulog. Kinabukasan, magsusulat na ng nangyari sa akin kagabi =)). Mas nakakahinga na ako ngayon. Mas matalino na ako. Mas matapang na...magmahal.

Ginawa ko lahat para hindi siya masaktan. Pero kung ayaw niya talaga magsalita, kung ayaw niyang sabihin nararamdaman niya, hindi ko na hawak yun. Napalaya ko na sarili ko. Naiiyak ko na ang maiiiyak ko. Mamimiss ko siya. Maaalala ko ang mga araw na lumipas. Maiiyak din siguro minsan. Pero hanggang dun na lang ang magagawa ko. Kaya ko lang magmahal nang hindi na naghihintay ng kapalit. Mahalaga, naipadama ko ang pagmamahal ko. Hindi ko na iisipin na nasaktan lang ako nang magmahal ako. EMO yun :)). Mahaba pa ang 2o11. Marami akong inaasahan sa taong ito at hindi ko sisirain ito dahil lamang nasaktan ako. Basta eto, naging masakit man para sa ating dalawa, wag ka sanang maging bitter ha? Ako kasi hindi. Masaya ako smile emoticon. Alam mo na kung bakit. Sinabi ko na sa'yo lahat :">.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

H-I-D-E-Y-O-U-R-T-E-A-R-STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon