Jizz POV
*CRIINNNGGGGGGGGGGG*
Gumising ako kaagad, syempre First Day of School eh. Sino ba naman ang hindi excited pag First Day? And finally, 4th Year Highschool na ako! Nakakalungkot na ewan. Syempre sa 8 years na rin akong nandito sa school na 'to. Yung mga kaibigan ko.. sila na talaga simula pa nung nagtransfer ako dito sa school na 'to.
Hay. Enough of thinking that way. I will make sure that I'm going to make the best of my last year in Highschool.
Naligo na ako at nagbihis.
"Ma, Pa. Alis na po ako."
"Oh. Kumain ka muna."
"Hindi na Ma, may usapan kami ng mga bestfriends ko na sabay sabay kaming mag-breakfast."
"If that's so.. Sige. Magingat ka ha." I kissed her on her cheeks. Then nag-mano na ako sa kina Mama at Papa.
~~~
"Heyyy. How your vacation?" I asked my bestfriends.
"It's..great." halos sabay-sabay nilang sabi.
Nagtawanan kami.
Nag-order na kami ng foods at nagkwentuhan.
"Hay. Grabe guys. Last year na natin sa Highschool." Sabi ni Alice.
"Wag mo na ngang ipaalala." Sabi naman ni Eth.
"Gala tayo mamaya." Pagiibang topic ni Grace.
"GAME" sabay-sabay naming sabi.
After naming kumain, dumiretcho na kami sa school.
Wala namang masyadong ginawa since ganito naman talaga tuwing first day.
"Ano na?" Tanong ko sa kanila.
"Tara na." Sabi naman nila.
Habang naglalakad palayo sa school huminito si Grace. Syempre, bilang mababait na kaibigan, napahinto rin kami. (-_^)
"Bakit?" Tanong naman ni Eth.
"San ba tayo pupunta?"
"Oh-oh. Here we go again." Pabulong na sabi ni Alice na sapat para marinig namin lahat.
Napatawa kami "Old habits truly die hard." Sabi ko naman. Totoo naman kasi. Kapag may gala, lagi nalang kaming napapahinto sa gitna ng kalsada. Hindi namin alam kung san pupunta.
After ilang minutes..
"Teka. Pa-xerox muna natin 'to. Kailangan na next week diba sabi ni Ma'am." Sabay turo sa manual na dinistribute samin ni Ma'am kanina.
"Ay. Oo nga. Tara lakarin nalang natin papunta run. Since ang haba pa naman ng oras natin. 10am palang oh." Pagsangayon ni Grace.
Habang naglalakad kami nagtanong uli si Grace
"San tayo pupunta after?""Hmm.. may idea ba kayo?" Sabi ni Alice at umiling naman kami ni Eth.
"Teka. Punta tayo sa school nila Geo." Pagbibiro ko.
"Hindi nga? Ano? Tara!" Natatawa-tawang sabi ni Alice.
Kasabay naman nung ay natunton na namin yung xerox-an.Naglakad-lakad kami. At maya-maya pa, hindi namin namalayan na nasa harap na pala kami ng school nila Geo.
"Hahaha ano tara?" Mapangasar na sabi ni Eth.
Nagkatinginan kaming lahat. "Tara."Eto na 'to. Wala ng bawian.
Let the adventure begin.