"Anong kailangan nila?" Sabi nung guard.
"Ah. M-mag.." Tinignan ko sila Grace na parang hinihintay lang ang sasabihin ko. Ano ba. Tulungan nyo akoooo!
Sheshhhh. Di ko alam sasabihin ko. (O#O)Binalik ko yung tingin ko sa guard na mukhang naiinip na. Hay. Bahala na nga.
"Mag.. uhm.. m-mag- inquire.. Oo. Tama. Mag iinquire po sana kami? For college?"
"Ah. Sige. Saglit lang." May tinawagan sya after nun. Habang may kinakausap sya. Lumingon ako kila Alice at ng victory sign.
"This is it." Alice muttered. Nagpipigil naman ng tawa sila Eth at Grace.
"Punta kayo sa office ni Mr. Luna. Nandoon yun sa 3rd floor. Bungad lang makikita nyo na. Dyan yung daan oh." Sabay turo nya naman sa kanan.
"Sige po. Salamat." Sabi naman namin.
Habang patungo kami sa karoroonan namin. Hindi namin mapigilang matawa. Pano ba naman ang expectation namin ay nga-nga lang kami pero eto na kami ngayon oh.
Napahinto kami sa labas ng isang room.
"Hala. Eto na ata yun." Pananakot ni Grace.
Sabay-sabay kaming napalunok at sinilip yung loob ng kwarto at nakita namin isang lalaki na nasa 60's na siguro. Mukhang masungit. Kaya napalunok uli kami.
"Pwede pa namang mag-backout?"
"Wala na. Nandito na eh." Pag-kontra ni Alice.
Bago kami tuluyang maka-pasok. May nakita kaming listahan kung saan ay nakasaad dun yung Top 10 ata yun? Uso pa pala yun sa college? Aba, akalain mo nga naman oh. Tumataginting yung pangalan nya dun sa Top 1.
Nagbasa-basa pa kami dun ng ilang saglit. Pano ang dami kasing abubot. After nun, sa wakas, nakapasok na rin kami sa room.
"Umm. Mr. Luna?" Paninimula ko.
"Ah. Yes. Good Morning. I heard magiinquire kayo?"
"Ah. Opo."
"Sige. Maupo muna kayo." Sumunod naman kami agad kasabay ng pag-punta nya sya sa desk nya at may kinukuha.
Nagkatinginan naman kaming lahat at tila ba'y winawari kung ano bang pinasok namin.
Bumalik agad si Mr. Luna na may dalang liplets. Binigyan nya kami at naupo na sya.
This school ain't my dream school, though. I'm not into chasing him for my dreams. Well, maybe I do that is why we are here now. But it's not like that we are flirting because we really don't. We all know that we're just trippin' it's just that our way of having fun is different.
"Jizz" pabulong na sabi sakin ni Eth. Na nagdahilan naman para makabalik ako sa reality.
"W-why?"
"Sabi ko, anong kukunin mong program?"
"E-engineering po."
"We don't offer any kind of Engineering program here." Heckkkk. Ano bang pinagsasasabi ko. (O#O) Naalala ko na. Hindi nga pala sila nagooffer ng Engineering dito.
Napatingin ako sa kanilang tatlo at nakita kong nagpipigil sila ng tawa.
"J-joke lang po. IT po talaga ang gusto ko." There. Hindi na nila napigilang matawa. Mr. Luna said that if we enroll here, he will give us a 40% discount on tuition fee for the first semester. Mr. Luna is so nice that there's something inside me that is giving me a guilt for fooling him. If Engineering wasn't my dream program, I would probobly enroll here. Not because of Geo but becauase of Mr. Luna's hospitality. This school is offering programs such as IT and Computer Science and it has pre-school to highschool I guess.Geo is 4th year college now and we have a gap of 4 or 5 years. Geo is my churchmate. He is the guitarist. He also sings while he plays the guitar. And me? There. Sitting at the corner. Just an attender. If you ask me if it is hard, I would say yes. It really is.
*flashback*
"Kaya kong buhatin 'to." Sabay turo ng kapatid ko sa speaker na malaki.
"Sige nga."
"Sige. Tulungan mo ako."
"Game." Sabay amba kong bubuhatin yun. Sabay naman daan nila Geo at nung pinsan nya sa bandang gitna. Maliit lang kasi yung church eh. Nasa 50 sq. meters lang. Since part lang naman sya ng main church namin. Satellite, ganun.
"Geo tulungan mo oh." Sabay tingin sakin.
~~~~
Febuary 8. Tandang-tanda ko pa. Yan kasi yung araw nung naka-crush ako sa kanya. 3 years na rin pala. Ang hopeless romantic 'no? Who can blame me? I was just 12 (turning 13) that time.
Akala ko nga, blessing in disguise yun dahil malapit na akong magkagusto sa crush ko nung mga panahon na yun nang nalaman ko na may crush sya kay Eth eh. Ang saklap diba. Pero nakakainis na pagkakataon eh. Kung alam ko lang na mas magiging malala pa yung sitwasyon ko ngayon edi sana hinayaan ko nalang yung sarili ko na magkagusto dun.