Note: Hi my dear readers! Itong story nato ay 90% totoo, and 10% na dinagdag ko lang, para may twist naring mangyayari. and please guys consider me using other names for every character in the story.
Sana magugustuhan nyo po! THANK YOU!
Chapter I: PS: I LOVE YOU!
Bawat isa satin ay may mga pangarap sa buhay, kahit sino naman eh meron nun di ba, at syempre para to sa ikabubuti ng buhay natin.
Iba-iba man ang ating pangarap pero alam ko rin na may makaka-relate din sa mga experiences ko.
Paano mo nga ba sasabayan ang daloy ng buhay mo kung sadyang ang panahon ang syang nagdadala sayo sa ganung klaseng buhay? Darating naba sa point na susuko kana?\
o sadyang magpapasalamat ka sa mga karanasan mo sapagkat ito ang naging dahilan para mas maging matibay ka sa hinaharap?
Well, dear readers, magpapakilala na muna ako sa inyo. ako nga pala si Lizzy, from Mindanao area of responsibility. :-) . Siguro maitanong nyo kung bakit "EPIC FAIL" ang naisipan kong title nitong story ko. Alamin nyo nalang , kaya dapat nyo pong subaybayan ang mga pangyayari , maintindihan nyo rin kung bakit . heheheh....
Isa po ako sa mga taong nangangarap , hindi lang isa kundi napakaraming pangarap po....oo marami po talaga, Eh sabi nga diba , libre naman mangarap, kaya lubus-lubusin ko na po..hehehehe....
Panganay po ako sa pitong mag-kakapatid . Ako lang po ang nag-iisang babae,. I admit na mahirap talaga sa part ko ang sitwasyon ng pamilya namin pero nakakaraos din naman kami kasi kahit mahirap eh itinaguyod naman kami ng parents namin. Housewife ang nanay ko at farmer ang tatay.
Sa ganung klaseng buhay meron kami ay isang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng mga pangarap sa buhay. Syempre ganun talaga. As in madami talaga yun. Isa-isahin lang po natin guys baka mag reak na kayo jan.
Una na po sa mga list ng dreams ko eh , ang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi ko naman po maituturing na matalino ako , pero okay naman yung mga grades ko sa skul. Tutok lang talaga sa pag-aaral. Wala namang bobo sa tao kung talagang determined ka lang matuto .
Minsan nga eh pumapasok ako sa skul na walang kain, meron man pero minsan kamote, saging, o kanin na nilagyan lang ng tubig at asukal o asin. Maniwala man kayo o sa hindi, totoo po yun. Of course, balewala lang sakin yun, basta makapagtapos lang ako.
Pero syempre naman po , kahit tutok po ako sa pag-aaral ko eh hindi po talaga maiwasan na mahaluan ito ng mga kalokohan, mga maliit na bagay lang naman po..... maliit na bagay nga ba????
hmmmmm.....
1997: Siguro naman alam nating lahat na parte na talaga ng buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng mga crush2x diba? at syempre meron ako nun.
Ewan ko ba at kahit kayo naman diba naguguluhan din lalo pag may crush kana, parang sinilihan yung pwet eh. yung hindi mo ma-describe.
Ah!!!! basta tayo lang nakakaalam nun.
Ako na talaga ang matigas ang ulo din kasi yun bang isipin ko lang na "sige lang". Eh alam nyo kasi guys simula nung nagkamalay na ako eh , diko parin makalimutan na nung grade 1 palang po ako eh may crush na ako.
You read it right! may crush na ako nun. Grabe lang!!!!
Eh diko naman po sinasadya yun eh. kayo kaya! For my eyes only lang naman un eh. Guys, grade 1 palang ako nun, .........
Maikwento ko nga sa inyo ang part nato ng life ko nung ako ay grade 3 na. Ang bilis lang eh noh, grade 3 agad ako....
As in way back 1999. maikli lang to guys promise. heheheh. Nung grade 3 kasi ako he nagkaroon ako ng bagong crush. Tungkol muna to sa crush life ko ang pagchichikahan natin ha, maya na yang mga ka-dramahan po.....
Okay po ito na nga po ang kwento ko. masyado lang po talaga akong madaldal , pasensya na !! sa sulat lang po yan, wag lang sa oral kasi bagsak ako dyan!
Regie po ang name ng crush ko na yun. Transferee lang sya sa skul namin. Na star struck talaga ako sa kanya nun eh. Pag makita ko sya eh parang may tamatakbo o lumilipad sa tyan ko eh. ano yun ? baka na-alarma ang mga bulate sa tyan ko. Ewan ko lang din!
Ay naku! ang maganda lang po sa part na to eh hindi ko lang po sya naging "for my eyes only" lang, kundi naging kaibigan ko pa sya, I am free to talk to him, to play with him....
WoW!!!!ah! iba talaga ang epekto pag napag-usapan ang crush2x na yan eh,. nakakapag-english po ako! hahah!!! engot lang!
Speaking of play, opo , minsan kasi nakakalaro ko sya sa skul. alam nyo na mga kabataan , masyadong hyper, at ang favorite kong nilalaro namin ay ang larong "PS: I LOVE YOU", alam nyo ba ang larong yan? WEll, sa mga walang ideya sa larong yan eh , basta, may isang taya, at ang kelangan nyang gawin eh mahuli ang iba at masabihan na "PS" at mapi-freeze ang mahuli. hanggang maubos . Pwedeng ma-save yung nahuli, by just touching him/her and say "I LOVE YOU".....
Syempre dat tym eh, masaya po ako kasi kasama namin sya sa laro.... Wala lang talaga syang ka alam-alam na isa sa mga kalaro nya eh may pag-tingin sa kanya. hahah...
Nagsimula na ang laro, nagsitakbuhan na kami.
<.> <> <> <>...................................................kami po yan ha, tumatakbo na.....
In short, nahuli po ako, o talagang nagpahuli lang!
Taya: PS
AKo: (Naka-freeze na) save meeeh!!!!! my crush wer are u!!! save meh!!! Sana sya ang makaka-save sakin.....asan na ba sya??? hahaha talagang hinanap ko sya. at hindi ako gagalaw pag hindi sya ang mag -save sakin.,.... chaaaar!!!! lang!!!!!!!
AT sa ako ang swerte kasi nakita ko sya,, papunta sakin.... ang bilis naman nya tumakbo... may lahing kabayo ata to eh!!!
ayan na syaaaaaa!!!!!!
REgie: (touch me) I LOVE YOU!!!!!
O_O..............ano daw???
Engot!!! I love you nga eh noh...... takbo na!!!!
Bakit parang nanigas ata ako dun! halos mawalan ata ako ng lakas na tumakbo ulit eh.... Parang tinotoo ko naman ata ang sinabi nyang yun!!! Engot talaga ako, Assuming!!!
Lizzy!!!Laro lang yun! isang laron lang kaya wag kang managinip jan!!!! hahahahaha......
hay naku!!!! Sa simpleng laro lang na yun eh nilagyan ko pa talaga ng malisya noh....basta masaya lang ako dat tym....
BINABASA MO ANG
Epic Fail
HumorThis story is a shared life story. storya ng pangarap ni Lizzy, pakipagsapalaran, mga karanasang ma-drama, nakakatakot, nakakatawa, na sadyang mapupulutan ng aral, storya ng pagkakaibigan at syempre love story. Enjoy reading guys!!!!