2003:
First year hyskul na ako.
Another chapter of my life.
Ano na naman kaya ang mga kakaibang mararanasan ko dito. Don't worry guys, ikukuwento ko sa inyo. Masyado lang talagang maiksi ang bawat chapter ko noh.. pansin nyo ba yun?? hmm... hehhe...
Well i'm not that 100% sure na lahat po kayo ay sang-ayon sakin na most exciting at isa sa mga masasarap balik-balikan ang hyskul life di po ba???
We are very fortunate na mararanasan natin yun kasi may mga kababayan tayong hindi man lang nakatuntong ng hyskul. Kya nga po kahit hindi ganun ka angat ang buhay natin , marami parin tayong dapat ipagpasalamat. Kahit sa pinaka maliit na bagay lang ng ating life....
Isa na jan sa ipagpasalamat natin ang edukasyon!!
Masaya ako kasi nakapag-hyskul ako noon.
dito talagang madami akong hindi makakalimutang pangyayari at syempre my dear readers, about na naman to sa love love love life ko.
Parang hindi ata tama yung title ng storyang to ah!!!
Bakit ba kasi ipinanganak ako ng Valentine's Day kaya full of love ang buhay ko!! char lang!!!
yes po! Feb 14 po ang birthday ko. at dahil tama lang din ang kinikita ng parents ko eh wala kaming panghanda kapag birthday ko. ok lang naman sakin yun eh....
Pasalamat nalang ako at maraming artista ang ka-birthday ko eh. makiki-celebrate nalang ako sa kanila. hehehehe....
Eto na nga po ang kwento ko, may naging crush na naman ako. 2nd year na ako nun. Diko maalala kung dun din sya samin nag-elementary samin, diko kasi sya napansin noon eh. Paano kasi diba, may iba naman akong crush nun, so ipagpalagay nalang nating transferee sya samin......
ewan ko ba dito sa mga mata kong to na sadyang ang bilis pagdating sa mga crush eh...engot lang!!!!!!
Early in the morning (oh see nakapag english na naman po ako).......nagchichikahan kami ng mga classmates ko. at syempre hindi po ito tungkol sa lesson namin for that day., it's all about crush parin....walang katapusang usapin sa crush.... nag aral pa kayo noh!!! susmaryosep!!!!
Pasensysa na po kayo guys, dito lang po ako bumabawi sa mga kalokohan ko sa kwento kong to kasi mostly sa mga happenings ng buhay ko ay masyadong ma-drama, pero isi-share ko parin po yun sa inyo....
Okay po ba???? hindi pa ba kayo nabo-bored??? siguro nga nairita na kayo sakin kasi masyado na akong talkative.....ay sori po, eto na nga po, itutuloy ko na po....
ayon nga, nagkwentuhan nga kami....
kanya-kanyang umpukan kami sa room. chika doon, tawa dito, Syempre wala pa si mam eh.
maya-maya lang ay may nagbulung-bulungang mga girls. napatigil kami at nakikiusyoso.
mga tsismosang frogs lang!!!!
May tinignan sila. paparating!!!!
ano ba kasi yan! ulan?? bagyo??? artista??? ano nga!!!!
"si Santo! dito na sya mag-skul?" dinig ko na sabi ng mga girls....
sino daw??? si Santo?? bingi lang!! Santo nga daw~
parang napaka-holy naman ata ng pangalan na yan!!!!
napatingin din kami sa bandang gate ng skul syempre dun sya dadaan eh...engot lang!!!!
matignan ko nga kung sino yang Santo na yan!!!
:-!!!!! <;> sya po yan!!!! ang galing ko talaga magdrawing.... hmmmm.....
ayan na sya!!!! Hala ang guapo pala nya!!! huaw!!! guapo agad?? diba pwedeng kilatisin muna bago sabihing guapo....
tsk!!!
aw!!!! honestly guys hindi naman sya ganun ka gandang lalaki...
i-describe ko nga for you guys....di pa naman ako marunong mag-describe....
Tamang tangkad, bilogin at makinis na mukha, singkit na mata, tama lang ang tangos ng ilong, red lips (parang laging ngumunguya ng lips candy) at may fair complexion. malinis manamit. halatang may kaya sa buhay....
bakit kaya sa skul pa namin sya napadpad!!!!
Hmmmm!!artista ba sya para pagtuunan ng pansin???hay naku!!! look guys masyado lang akong affected sa kanya....
nasa ibang section sya. Buti nga para walang disturbo....makapag-aral na nga lang ng lesson namin....
yun ang unang pagkakita ko sa kanya. nung una eh balewala lang sakin yun, pero kalaunan eh may na feel akong kakaiba sa kanya..naabnormal na naman ako... lalo pa't lage ko syang nakikita sa skul.
hanggang sa inamin ko sa sarili ko na CRUSH ko na sya.................
BINABASA MO ANG
Epic Fail
HumorThis story is a shared life story. storya ng pangarap ni Lizzy, pakipagsapalaran, mga karanasang ma-drama, nakakatakot, nakakatawa, na sadyang mapupulutan ng aral, storya ng pagkakaibigan at syempre love story. Enjoy reading guys!!!!