Hanggang grade 6 pa yun na naging crush ko sya guys, at ewan ko ba talagang buhay pa sa isip ko ang scene na yung nasa grade 6 na kami. Ang talas lang talaga ng pag-iisip ko pagdating sa ganyan eh,,,,,
Sa nasabi ko na po hindi lahat ng nagpakabuting studyante eh mabuti na, minsan nagpapawaway din po sa klase.....isa na ako dun. May time din na hindi po ako nakikinig sa klase. heehheheh Sori po mam!!!!
Nung grade 6 kasi ako, syempre madaldal ang mga babae, kaya ang ginawa ng titser namin eh itinabi kami sa mga boys. by two's kasi ang upuan namin. lalaki ang mga katabi namin.
At sa kasamaang palad eh nakatabi ko pa ang isa sa mga pasaway na mga boys sa room namin. tawagin nalang natin sya sa pangalang Bitoy. hahaha... Bagay lang po sa kanya ang name nayan!
Habang nag lecture si mam eh panay din ang harutan naming dalawa sa likod. Makulit nga kasi eh.,.. asar lang!!!! Si Regie naman eh nasa katabi lang naming upuan.
Bakit ba kasi hindi nalang sya ang katabi ko... nangarap na naman ako!!! ^-^ heheheheh
BITOY: Uist! pahiram naman ng ballpen.!!!
Ako: Wala akong ballpen!!\
Bitoy: Eh ano yan??? (sabay turo sa hawak ko)
Ako: (~,~) wala nga !!!!
Bitoy: sos! Lapis nalang, tatapusin ko lang tong drawing ko!!!
Ako: Wala nga!!!kulet mo eh!!!!!
Bitoy: Damot mo talaga!!! (saka nilamukos ang papel at ibinato sakin)
POK!!!!! pok talaga eh noh, parang bato lang!!! heheh
Ako: (pinulot ko ang papel at binato pabalik sa kanya...) POK!!!!!!
palihim lang kaming nagpapalitan ng pagbato ng papel sa likuran. hanggang sa..............
Titser: WHAT IS THAT AT THE BACK?!!!!!!
o_O....... sabi na nga ba eh!!!!
Pasigaw na sabi ng titser namin at napatingin tuloy ang mga kaklase sa banda namin. Saka kami napaupo ng maayos na parang wala lang nangyari at ipinagpatuloy narin ni mam ang leksyon.
Tiningnan ko naman ng masama si Bitoy at dahil hindi na kami makaporma , sinipa ko sya at gumanti din sya. Ayaw talaga patalo eh!!! Bakla ata tong kumag nato eh..... Kami na talaga ang mga aso't pusa sa likod , hanggang sa napatingin ako sa katabing upuan namin. at sa hindi ko inaasahang pagkakataon, nahuli ko si crush na nakatingin samin.
(0h my gulay!!!!) lukon laway!!!! O-O.....
napatitig ako sa kanya pero binawi ko rin kaagad....
Seryoso ang mukha nya, na diko malaman kung ano ang nasa isip nya. syempre hindi naman ako manghuhula.
baka nagselos sya na may iba akong kaharutan??? huaw!!!!! ASSUMING!!!!!
Haaay!!!!buhay nga naman. mga ganung eksena sa elementary life ko na sadyang mapapangiti nalang ako kung maalala ko....
Ganun lang ang routine ko skul noon. Aral, laro, crush2x, pero pagdating sa bahay, ay ibang mundo na naman ang ginagalawan ko.
kung sa skul eh, nakakapagpasaway ako at nakakapaglaro, iba na sa bahay. Makakapaglaro man pero saka na pag natapos ang mga gawain.
Dito tumutulong pa ako kay mama sa mga simpleng gawaing bahay.
Sa dahilang puro mga lalaki ang mga kapatid ko, eh ako lang talaga ang maasahan ni mama. Hindi rin maiwasan na ma-hyblood ako noon at masagot ko pa si mama. Minsan matanong ko pa sya kung bakit madami kami, eh ang hirap na nga ng buhay. Hindi ko maiwasan yun. Kaya lagi kong pinapa-alala sa sarili ko kelangan makapagtapos ako.
Hindi rin naman magkulang sa pangaral ang mga magulang namin samin, lalo na sakin kasi babae ako.
Hindi nga muna daw mag boyfriend ng maaga kasi nga kusa naman dawng dumarating yan sa buhay natin. Ina-absorb ko naman yun sa utak ko.
nakikinig naman ako sa mga magulang ko eh, part lang yun ng pagdidisiplina. Kaya kahit mahirap kami eh tinitiis ko lang. tumutulong naman kami maglako ng mga gulay o kung anu-ano lang para may pambaon.
Naalala ko pa nga nun, nangunguha kami ng mga kaklase ko ng sampalok at papalitan namin yun ng papel sa skul. kahit ganun po eh natapos ko naman ang elementary. Pagdating sa hyskul, ibang yugto na naman ng buhay studyante ang na-experience ko.
Exciting pero may halong kaba ksai syempre mejo seryosohan nato. Paghahanda sa pagkokolehiyo. Hindi rin mawala sa isip ko na kabahan, makakapag-college kaya ako?? dapat maging positive lang!!!
BINABASA MO ANG
Epic Fail
HumorThis story is a shared life story. storya ng pangarap ni Lizzy, pakipagsapalaran, mga karanasang ma-drama, nakakatakot, nakakatawa, na sadyang mapupulutan ng aral, storya ng pagkakaibigan at syempre love story. Enjoy reading guys!!!!