diArY of eYA(season 2) -#aele

29.7K 268 145
                                    

,season 2 na hahaha ^___^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THIS IS DIARY NG PANGET'S SEASON 2. MAHALAGANG MABASA ANG SEASON 1 DAHIL HINDI MO MAIINTINDIHAN KUNG HINDI MO BABASAHIN YUN DAHIL KONEKTADO PA RIN ITO SA SEASON 1.

WRITTEN BY HAVEYOUSEENTHISGIRL (hystg)

UMANGKIN NITO BUKOD SAKIN (HYSTG) MAGKAKABUNI SA ILONG PATI NA RIN SA KILI KILI! PERIOD! BWAHAHA.

--- boring na speech mula sa sumulat nitong ewan na storyang ito:

ang compilation / word / pdf copy na ito ay hindi ko na nagawang i-edit o re-read dahil ako'y likas na tamad kaya naman sapagkat datapwat, unawain at pagtyagaan na lamang po ang mga "grammar error", "typo" and other "chuchus". kung ano lang po yung nasulat ko online, kinopy paste ko lamang ho without editing kaya pagtyagaan na lamang ho. Better than nothing, dibadibs? XD

 [ Diary ni Eya ]

...when the duckling dates the monster.

Lagi na lang sya nakasigaw! Akala mo bingi kausap!

Lagi na lang nagsusungit! Kalalaking tao daig pa babaeng may menstrual issues!

Kung makautos daig pa presidente ng Pilipinas!

Napakasuplado akala mo kung sinong gwapo! Well, gwapo sya pero kahit na! Abnormal nya talaga!

Nagagalit na lang kahit sa maliit na bagay! Ansarap ibalibag at baliin ang buto nitong lalaking 'to!

Hindi marunong rumispeto ng kapwa!

Ang kapal kapal ng mukha, tinalo pa ang pinagsamang dictionary at encyclopedia sa kapal!

Napakafeeler pa! 

Nakakainis sya... sobrang nakakainis! Abnormal sya, autistic sya, cookie monster sya! Eeeee! Nakakainis!

Pero nawawala lahat ng inis ko sa tuwing...

nagiging mabait sya.

nagiging mahinahon.

nagiging mapang-unawa.

natututong rumespeto.

nagiging mapagkalinga.

at nagiging sweet kahit hindi halata...

Natutuwa ako kasi kahit nilalait nya ako at sinasabihan palaging panget ay pinapahalagahan nya naman ako. Siguro kung hindi ka sanay kay CM, iisipin mo isa lang talaga syang WALANG PUSONG HALIMAW pero...

hindi mo naman pedeng husgahan ang isang tao sa maikling panahon... hindi mo pedeng husgahan ang tao sa panlabas na anyo nya o kahit sa ugali nya, hindi mo pedeng husgahan ang isang tao hangga't hindi mo alam ang storya nya at buong pagkatao nya. Kung iisipin mong halimaw si CM at hindi ka na mag-a-attempt na kilalanin ang buo nyang pagkatao, halimaw na sya habang buhay sa pananaw mo at halimaw ka na rin sa hindi mo pagbibigay ng tsansang ipakilala nya ang tunay at buo nyang sarili sayo.

Hindi lahat ng halimaw, walang puso. Ang Cookie Monster ko may puso, at ang ritmo ng puso nya ang pinakapaborito kong pakinggan. Pakshett, ang baduy ko pero so what? Yun talaga nararamdaman ko eh.

diArY of eYA(season 2) -#aeleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon