CHAPTER 7

161 6 0
                                    

Third Person's PoV [Narrator]

Dahil sa kaiiyak ni Flint kagabi ay hindi nito namalayan na nakatulog siya at hindi na nakapaghapunan.

Ngayong umaga'y nagising ito at mugto ang mata. Matamlay na lumakad si Flint papuntang banyo upang magsipilyo at pagharap nito sa salamin ay nakita niyang mugto ang mga mata niya.

Naisip ni Flint na kung makikita siyj ng Mama at Papa niya ng ganito ay mag aalala lamang ang mga ito at sisihin ang sarili.

'I need to act na parang walang nangyari! Come on Flint! Ginagawa mo ito para sa kanila!' -ang sabi nito sa sarili habang nasa harapan ng salamin.

Natapos magsepilyo ay nagtungo na si Flint sa baba para kumain at bago ito makababa. Huminga muna siya ng malalim sabay ngiti.

"Good Morning Ma, Pa :)"-Flint. Halatang pilit ang ngiti at sa totoo lang ay hindi halatang umiyak ito kagabi dahil may kagalakan pa rin sa boses nito batay sa pagkakabati niya sa mga magulang.

Napansin pa din ng Mama at Papa ni Flint ang lungkot sa binatilyo at kinausap siya.

"Maupo ka na anak. Kumain ka na."-matamlay na pagkakasabi ng Mama ni Flint.

"Son"-puna nito sa anak

"You don't need to fake your smile. Okey lang sa akin kung sisisihin mo ang papa---"-hindi pa natatapos ang sasabihin ni Eliot pero nagsalita na si Flint

"Pa. Forget about those problems. And besides walang dapat sisihin. Don't blame yourself pa. Hindi dahil wala ka nang nagawa ay kasalanan mo na. Tsk. Hahaha. Malay natin chikas pala yung pakakasalan ko? Edi hindi sayang yung genes ng pamilya natin hindi ba? Haha"- Flint tried to lighten the situation by smiling and looking on those two person na umaasa sa kaniya. He tried to convince the two that he is okey. But deep inside. Alam niya na hindi.

Na bawat minuto na naiisip niyang wala nang pag asa talaga na maging sila ni Micko ay parang pinupunit dahan dahan ang puso niya.

Bawat minuto rin na inImagine niya na hindi niya kasama sa hinaharap si Micko ay parang daan daang libong karayom ang ibinabaon sa puso niya.

Parang sasabog ang puso niya sa pinaghalong emosyon na lungkot at pagkalumbay kahit sa imahinasyon pa lamang niya ay wala na agad si Micko.

Micko's PoV

Hayyy. Napaka bagal talaga ni Flint kahit kailan! 7:30 na wala pa din siya!

Ilang minuto pa ng pag aantay at nakita ko rin si Mokong.

Wait? Parang? Malungkot siya?

Habang naglalakad siya ay nakayuko at wala sa sarili.

Dati naman pag nakita na ko niyan magtatatakbo at babatukan na ko ah?

Parang may mali?

Hindi ko na hinantay na makalapit siya kasi parang naglalakad siya sa buwan.

"Ui tol? Anyare"-sabi ko sabay akbay.

"Ui bro! Wala hehe"-smells something fishy. May mali eh.

"Tol kilala kita."-hinawakan ko ang balikat niya at hinarap sa akin.

"Pare look at me and say those words again. Na okey ka lang."-tinitigan ko siya ng mata sa mata at hinantay ang sagot niya.

"Hindi ako okey."-sabay yuko ni Flint.

Dun na siya nanlambot at napaluhod sabay patak ng luha sa mata niya.

A... ayokong nakikita si Flint ng ganito. Na.. nasasaktan ako. Siguro dahil sanay akong lagi ko siyang nakikitang masaya at nakangiti.

Itinayo ko siya at hindi ko namalayan na niyakap ko na pala siya.

Wala akong paki alam kung makita kami ng kung sino dito sa tambayan namin.

Ang alam ko. Kailangan ako ngayon ni Flint. At rinig ko ang hikbi nito. Parang...

Pinapatay ako ng dahan dahan sa bawat paghikbi at tulo ng luha niya kaya't niyakap ko siya ng mas mahigpit

"ShhhH.. Tell me what's wrong later okey? Iyak mo na lang yan. Nandito lang ako lagi para sayo. Hindi kita iiwan bro"-pagCocomfort ko kay Flint.

(To be continued)

Young BloodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon