C9

38 3 1
                                    

"Clarish right?" tanong nya. 



Grabe 'di ako makapaniwala. Kanina ko pa kinukurot ang sarili ko pero wala eh. Paulit-ulit rin lang akong nasasaktan. 



Tumango lang ako. Nahihiya kase. What the f nga eh. Ang layo ng nangyayari sa mga naimagine ko na n'on. Wa poise.



"Hahaha... Wag ka ngang mahiya! Ikaw palang ata ang nameet kong fan na sobrang tahimik. Ang creepy mo pa ha. Panay kasi ang titig mo sakin. Di ka naman nagsasalita. Okay ka lang?"




"Sorry. Di lang ata makapaniwala. Uhmm, ang totoo maingay naman kase talaga ako. 'Yun nga lang... Auhhh! nakakahiya naman kase! Waaaah!!! Alam mo bang tinuturing kong isa sa pinakaimposibleng pangarap ang makaduet ka tapos biglang ganito na???"



He chuckles. So cute! My Ghad!!!! 



"Tama muna to. Practice muna tayo.. 'Kay?" sabay baling sa mga lyric sheet na hawak nya.



Nagpapractice kami ngayon. May mga nag pepeform pa kasi na mga instrumentals dun. I mean may nag papiano at nagigitara nang walang singer. Tapos nila may corale reading pa. Ending kasi kami kaya may time pa para mag practice.



He tapped his lap twice which signaled me to begin. Ako kasi muna sa first stanza tapos sya sa second at sabay kami sa chorus. Then I'll go for second voice pagkatapos ng chorus habang sya ang kumakanta.



 Yun! Ang galing nga eh. Medyo nasasabayan ko rin naman sya kaso ang tataas talaga ng pitch nya. 



Ang kakantahin namin? Secret muna.. Malalaman nyo rin naman 'yon. 



"Uhmm I think it will be better kung mas pataasin mo pa ang boses mo sa bridge? Okay lang ba?" how polite. 


I gave him an agreeing smile. "Sure. Medyo nakulangan nga rin ako."  



Inulit namin nang inulit until tinawag na 'ko sa stage. Wala pa kasing alam ang mga tao na dumating na sya sa venue kaya surprise ang magiging duet naming dalawa. Ni hindi ko nga naibalita sa mga classmates ko na nameet ko na sya. 



Btw, si ate Rena at Jealine  nandun rin sa stage kanina. Hindi ko ba nabanggit sa inyo na bukod sa voice lessons ay may guitar lessons din sila? Nagpaplano nga rin ako eh. Siguro by summer na lang.



Umakyat na 'kong stage. Wala na yung kabang bumabalot sakin nung una akong kumanta sa harap nilang lahat kanina. Maybe nag sink in na sa utak ko na hindi naman ako mapapahiya dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No Ordinary Fangirl's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon