C1

171 6 0
                                    

***

Oh my gosh! WAAAHHH! Sobrang kinikilig ako!!  Grabe, kung nakakamatay lang ang kilig baka pinaglalamayan na ako ngayon dito!

Pano ka ba na man kasi hindi kikiligin? Kung sobrang gwapo at sobrang feel mo na para sa iyo ang kanta na kinakanta ng taong nasa harap mo?

"Clarish bumangon ka na nga dyan! May pasok ka pa!" 

Naalimpungatan ako nang dahil sa pamilyar na tinig na 'yon.

Tsk. -_-

Badtrip! Akala ko totoo na. 

Bumangon na ko. Baka kasi malate pa ko. Tutal naman gising na ang diwa ko sa pagkabadtrip.

---

SCHOOL

Ang galing nya talaga. Kahit kasi paulit-ulit ko lang panuorin ang videos nya hindi pa rin ako nagsasawa. Hobby ko na nga ata toh eh.

Hay... Kailan ko pa kaya sya mamimeet?

Para kasing wala naman syang planong mag mall tour dito. Nga pala, tiga Bacolod City ako at never pa talagang nakapunta o nakavisit man lang dito si Darren.


Yung idol ko na yun!!! Hays. Nanggigigil ako sa kanya. Parang ang sarap kurutin ng pisngi nya. Sobrang cute......!!!!!!!!!


---

Nakauwi na ko sa bahay. Friday nga pala ngayon. Ibig sabihin walang pasok bukas. Kailangan ko lang pumunta sa GC mall. May voice lesson kasi kami dun kasama sina Ate Renalyn, Jealine at Joy. Pare-pareho ko silang kaklase. 

Si Ate Renalyn at Jealine kapwa ko ring DARRENatics. Plus! Both of them are two of my bestfriends. Actually ang main reason ng pagsali ko sa voice lesson ay dahil kay Darren.


I want to develop my skills sa pagkanta para kung sakaling mameet ko sya, magkaroon naman ako ng confidence na magustuhan nya naman kahit papano ang boses na meron ako.

Napahiga agad ako sa kama ko pagkapasok ko pa lang ng kwarto.

Hays,,, ano kayang kakantahin ko bukas? I'm sure si Ate Renalyn at Jealine may mga kanta na 'yun.

Well, sa aming tatlo ako lang naman ang hindi naman talaga magaling kumanta. I mean, hindi pa ako hasa at hindi ako confident sa boses na meron ako.

Hirap nga eh. Lalo na pagkumakanta kami sa room namin. Hindi kasi maiwasang maicompare. At usually masakit lagi para sa sitwasyon ko.

 Dami talaga ng disadvantage ng pagiging mahiyain. 

Kaya nga balak ko sanang sumali ng recitals namin next month eh. Para mawala na ang stage fright. At syempre makagain ng self- confidence kahit papano.

*toot toot*

Chineck ko ang phone ko na base sa nabasa nyo ay tumunog. 

From: Ate Renalyn

Clar, sasabay ka ba saken bukas? Maun raw tayo sabi ni Jealine eh. Sabay daw sila ni Joy.

As usual naman eh. Hindi sa ayaw ko kasabay si Ate ha. I mean, palagi na lang kasing kasabay ni Jealine si Joy. Nawawalan na nga sya ng time para samin eh. :( 

Pero okay lang yan. Ang importante may kasama ako bukas papunta sa GC. Ayokong maging loner noh..

Bumangon na 'ko at naligo. Di kasi ako pwedeng mag online pag hindi pa ako nakakapaligo o naka half bath. Mabilis lang naman toh kaya hayaan na lang. 

Binilisan ko na lang ang paliligo kasi sasagap pa ko ng information and updates about Darren. Waaaahhhh!!! Excited na ko!!! Mariinig ko na naman syang kumanta ng mga notang kahit kailan ay hindi ko maaabot.

___

Authors note: Ate kim sa susunod na mga chapters pa po ko kayo malalagay dito so sorry po.. 

At kung may mga readers man po dyan, feel free to comment po sa kung ano sa tingin nyo ang gawa ko.. kung panget po just be honest hindi po ako magagalit... :)

No Ordinary Fangirl's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon