Chapter 2: Unexpected Breakdown

5 1 1
                                    

Magkahawak ang kamay namin ni Lucy.

*Earthquake*

Nagpanic kaming lahat. Bagsak ang mga upuan sa loob ng classroom at dali dali kaming bumaba ng building.

Nawawala si Lucy.

Teka

Naiwan sa loob ng room.

at para masigurado, tinextan ko.

To: Lucy

Lucy, ayos ka lang dyan? buhay ka pa ba? :3

----

*message sent*

*1 message received*

From: Lucy

Patay na ako babe, patay na patay sa'yo. :')

----

*tunog ng kalderong binabatingting*

"Slaine! Gising! Slaine! Tanghali na.Late ka na" biglang sigaw ni nanay sa akin sa loob ng kwarto ko.

Pwe. may pasok pala. Epal. Epal. Epal. sa panaginip na nga lang ako kikiligin. Yung alarm sa phone ko di ko na-set. putspa.

Pero bakit?

Sa panaginip na lang

Hanggang panaginip lang ba talaga ako?

*1 message received*

From: Lucy

Hoy. maligo ka ha

-----

Pati ba siya. ganun na rin tingin sakin? na pangit ako? na hindi ako naliligo? na nakakadiri ako?

Tumingin ako sa salamin.

*ayos buhok*

*punas laway*

"ang gwapo ko naman, malabo lang ba mga mata nila? pwe. basta gwapo ako."

Napatingin ako bigla sa phone ko. 7:30 na.

nagmadali akong kumain, magtoothbrush, maligo at magbihis. Di na ako nagayos ng bag. At pumasok sa school.

Wala kaming flag ceremony ^________^ Tuwing monday lang daw. kaya ayos lang magpalate. hahaha.

8:15 na nung nakarating ako sa room.

pagkapasok na pagkapasok ko. Bigla silang natahimik. Wooh. Isa akong anghel. Hahaha. Juuust kidding. Agad silang nagbulungan. Yung kahit rinig na rinig ko bulungan nila, wala silang pake.

"Late si baho."

"Andyan nanaman yung pangit."

At siyempre ako, wala akong pakealam. Basta ang alam ko gwapo ako. Hahaha. Bulag lang sila.

ngumiti na lang ako na parang heartthrob ako ng campus. Hahahaha.

At nginitian din ako. As usual, ngiting demonyo. huehue.

Pagkaupo ko. Biglang tumingin lahat sa akin. Bulungan ulit. Hahaha. Lahat nga ng ginagawa ko binabatikos diba? Dami kong fans. Bwahaha. Buti na lang dumating na yung teacher.

Ang boring. As in napakaboring. Ewan ko kung may nakikinig pa.

*1 message received*

From: 0917xxxxxxx

Hoy. amoy tae.

-----

Biglang nagtawanan yung mga lalake sa likod. Isa lang ibig sabihin. Sila yun.

"anong tinitingin tingin mo dyan?"

"uwi ka muna, maligo ka. Hahaha"

Gusto kong umiyak. Pero nginitian ko na lang sila.

"ngingiti ngiti ka pa dyan."

"ang pangit mo talaga"

At kahit naririnig na ng teacher, wala pa rin itong imik. Di pa rin inaawat yung mga lalaki sa likod. Nagpaalam na lang ako na lalabas ako.

Naglibot ako sa buong campus. Nakahanap ng lugar kung saan presko, tahimik, walang tao. Lugar kung saan pwede akong maglabas ng sama ng loob.

Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa makaramdam ako ng paggaan ng loob

Sinuntok ko yung pader para mapunta sa kamay ko yung sakit na nararamdaman ko sa mga pinagsasabi nila sa akin.

Binato ko sa tubig lahat ng galit ko.

At ayun. ayos na ulit ako.

Lunch na nung bumalik ako sa highschool building.

Wala na akong pake kung anong sasabihin nila. Kung saan ako nanggaling. Basta ang alam ko sa sarili ko, nailabas ko na sama ng loob ko.

Bakit parang may nagvivibrate sa tiyan ko. Nasa loob ba ng tshirt ko yung phone ko?

Tinignan ko, wala naman.

Nagvivibrate ulit. Naramdaman ata ni Lucy.

"Ano yan? Sagutin mo nga phone mo" sabi ni Lucy.

"Nakapatay phone ko." Sabi ko naman.

"Hahahahahaha. SI SLAINE GRABE GUTUMIN!!! YUNG TIYAN NYA PARANG NAGVIVIBRATE NA PHONE KAPAG MAY TUMATAWAG!!HAHAHA" sigaw ni Lucy.

Narinig ng mga kaklase kong kumakain sa room. Nagtawanan sila. Hindi ko naman alam na gutom ako. Ano ngayon kung ganoon na lang yung tiyan ko kapag gutom ako? Tae. Nakakahiya. Ayoko na. Lupa, lamunin mo na ako.

Pero siyempre, para mapakita kong wala lang yan, nakitawa na lang ako.

After a few minutes, nagsidating na mga kaklase ko. Nakarating agad sa kanila yung tungkol sa tiyan ko. Aba. Ang astig ko talaga. Hahaha. Bago pa man sila magsabi ng kung ano-ano, dumating na yung first subject teacher namin sa hapon.

"good afternoon class" sabi ng teacher

*deafining silence*

*napautot ako ng malakas*

"HAHAHAHAHaHAHAHAHA" tawa silang lahat

"ang baho naman ng utot mo!" sabi ni Shiro

"wala naming amoy eh." Sabi ko naman. Eh wala naman talagang amoy.

"Eh kasi mas mabaho ka pa kaysa sa utot mo." Sumbat ng kakambal niyang si Sora.

Tumawa ulit silang lahat. Ngayon mas malala pa yung tawa nila.

Si Sir Klein na inaasahan kong aawatin sila, yung tawa niya pa ang nangingibabaw sa pandinig ko.

Ayoko na. Grabe.

Sa sobrang hiya. Hinablot ko yung cutter sa desk ni Lucy. Sinubukan kong icutter yung wrist ko. Sa sobrang hiyang nararamdaman ko, napwersahan ko ata masyado.

Blood. I'm afraid of blood. D*mn.

They're still laughing..

And suddenly, I feel like my world is shaking...

I feel like everything's falling...

I can't breathe...

----


To be continued... ^^

Salamat sa mga sumusubaybay x 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck In his DaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon