Chapter 1: Reality vs. Expectations

11 3 1
                                    

"that's what you get when you let your heart win. Oooooh." ~

6:30 na pala. First day of school. Kailangan maaga ako. Btw, ang ganda ng alarm ko no? XD

So ayun. Dali dali akong bumangon, kumain, naligo, nagbihis, nagayos ng gamit at pumasok sa school.

First day bilang highschool student. At nagaaral ako sa Gledale State University, ang paaralang pinapangarap ng lahat ng magaaral sa lugar namin. Hindi lang dahil sa facilities, hindi din kasi siya masakit sa bulsa.

Ako? Bat nga ba ako magaaral dito? Siyempre kase yung mga estudyante, siguro mababait. Yung mga teachers, siguro mababait din. Hahaha.

Woah! Flag Ceremony na nung nakarating ako. No problem. Tambay na lang ako sa may store malapit at hintay hanggang matapos ang flag ceremony. Hahaha

Habang nakatambay, may isang babaeng nakaagaw ng aking paningin. Maganda. Basta maganda. Hahaha

At ayun. Natapos ang flag ceremony at hindi ko alam kung saang room ako. Pwede naman magtanong sa mga teachers, yun nagtanong ako. Dun daw ako sa room 5

Habang paakyat. Papunta sa aking room. May mga grupo ng mga estudyante na nakatambay sa may corridor

"Uy! Uy! Criselle, crush mo oh" sabi nung isang lalake sa kasama niyang babae.

"Ew! Duh! Yuck! Yuck! Ang daming pimples. Ang taba. Ang pangit. Pwe. EW AS IN EW!" sabi nung babae

Napatingin ako sa kanila, napatingin din sila sakin. Nginitian ko na lang. Nginitian din ako, kaso yung sa kanila pangdemonyong ngiti.

Andun na ako sa room. Pagkapasok ko, biglang natahimik silang lahat.

"Ew"

"Duh"

"Bakit may pangit dito?"

"Yuck! Kita mo yun. Yung mukha niya. Parang pimples na tinubuan ng mukha."

"Naliligo ba yan?"

"ang taba niya, pangit pa."

"ang baho"

Yan. Pagkapasok na pagkapasok ko. Yan agad ang bumungad sa akin. Smile is the best revenge, diba? Kaya ngumiti na lang ako. At yan nanaman, ngumiti din sila. Ngiting demonyo talaga

Habang naghahanap ako ng upuan. Yung babaeng nakaagaw ng pansin ko kanina, walang katabi. At yun na lang ang bakanteng upuan. Dun na ako umupo.

"Uy. Bagay sila"

"Uy! Lucy. Sure ka dyan sa katabi mo?"

"Lucy, Lucy. Baka mahawaan ka sa katabi mo. Alam mo na!"

Hinayaan ko na lang mga sinabi nila at nginitian yung babae. Inirapan lang ako ng babae. Putspa. Tsundere to ah. Deep inside kinikilig yan. Hahahaha

Di naming namalayan, may teacher na pala. Introduce yourself daw =__=

Nagintroduce sila ng sarili nila. Nagpakita ng talent. May kumanta, sumayaw, lumamon ng apoy at kung ano ano. Hanggang sa nakarating sa akin.

"Good morning. I'm Slaine Troyard. 11 years old. Graduated from Katuray elementary school."

"anong talent mo?" tanong nung teacher na adviser pala namin.

"Wala po." Sabi ko. Sabay paalam na pupunta akong cr para umihi. Hahaha.

Ang ganda nung cr. Ang bango. Wow. Pwedeng gawing bahay XD

Inenjoy ko muna kung anong meron sa cr. At bumalik sa room. Iba na teacher. Pero introduce yourself pa rin. Maghapon, ito lang ginagawa namin. Haaay

Lunch na! gutom na ako. Dali dali akong lumabas sa room. Dumaan ako sa mga grupo ng estudyante na tambayan ang corridor at narinig ko nanaman ang bulungan nila tungkol sa kagwapuhan ko. Juuust kidding. Basta yun, alam niyo naa -_____-

Lahat ng mini carinderia, puno. Kaya pinalipas ko na lang gutom ko. Para kahit paano pumayat. Haha

Nagstart na first subject naming sa hapon. Introduce yourself pa rin. Pwe. Nakipagkwentuhan na lang ako kay Lucy hanggang sa madismiss kami ng last subject teacher.

"Uwian na! Uwian na! Uwian na!" maingay na sigaw ng mga kaklase ko na kahit paano ay nakakapagpasaya ng damdamin. Kasi nga uwian na. lmao. Kinuha ko number ni Lucy. Tinextan ko agad para alam niyang ako yun.

At dahil uwian na. laro muna tayo sa comshop. Yung mga 4th years. Andito. Pagkakita nila sa akin, yan nanaman yung bulungan. Pati ba naman sa comshop =____= ayun, di na ako naglaro.

Kahit saan, kahit anong gawin ko, may mga taong alam mo na. Pero ayos lang to. Alam kong maganda tong school na to. Alam kong mababait mga estudyante dito. Siguro pag nagkasundo na kami, baka tigilan na nila ako. Blowing someone's candle doesn't make your candle brighter, kaya wala din silang mapapala. Ako, ngingiti na lang at ngingiti... hanggang kaya ko pa.

Stuck In his DaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon