CHAPTER : I saw him again.

616 16 2
                                    

**

     After 5 years…… Isa na akong accountant sa isang maganda at malaking kompaya. Pag-uwi ko sa bahay hindi ko inaasahang makita si, siya si evil bad boy, grrrrrr. Nakasandal siya sa hood ng gray Honda Civic niya na nakaparada sa harap ng bahay namin, wow alam pa pala niya  kung san ang bahay ah. At halatang hinihintay niya ang aking pag-uwi.

    Biglag kumuyom ang aking mga kamay at nag-init ang buong katawan ko. Gusto ko siyang sugurin, suntukin, sampalin at murahin ng murahin. Ang kapal naman talaga ng mukha nito, sa lahat ng ginawa niya kinaya pa niyang  magpakita sa akin??? WOW naman!

    Tas bigla siyang ngumiti ng pagkatamis-tamis, kumabog ng pagkalakas-lakas ang aking puso at nanlamig ang boung katawan ko  na kanina’y pagkainit-init.

    Libu-libo nanaman ata ang sumapi sa akin na masasamang espiritu at bigla kung nakalimutan lahat lahat ng mga ginawa niya.

Ang gwapo, gwapo niya parin! Gush! At mahal ko pari…ata… Ano? Hindi. Oo. Hindi.Oo. Baka.

 

“Hello Amber, kumusta ka na?” kumislap  ang mga matang intro niya.

“H-heto mabuti,” ‘di makatitig na sabi ko.

“Mas lalo kang gumanda.”

Ikaw rin mas lalo kang gumwapo at mas HOT ka ngayon. Gusto ko sanang sabihin pero napigil ako.

 

“Wala ka pa raw asawa,” aniya nang ‘di ako kumibo.

“So?” nagawa kong sabihin. Gusto ko sanang magtaray kahit konti lang.

“Ako rin, wala pa,” nakangiti pa ring sabi niya.

This time, para akong nakuryente sa kinatatayuan ko. But again, hindi ako nag-comment.

“Bakit wala ka pang asawa?” sunod na tanong niya.

“E ano sa’yo?” Sa wala pa nga eh!” nanghahaba ang ngusong sabi ko. Parang gusto kong umalis pero ‘di ko naman magawa.

    Hindi ko siya maiwan kasi ang tagal naming ‘di nagkita. Na-miss ko siya as in super. I want him to talk, say anything, everything. Magsalita lang siya at makikinig ako, makikinig ng maigi sa lahat ng kong ano pa mang sasabihin niya. I’m interested to know everything and anything happened to him through the years.

“Ikaw, bakit wala ka pang asawa?” kahit nahihiya ay lakas loob akong nagtanong nang wala na siyang gawin kundi ang titigan ako.

“Dahil sa ‘yo,” seryoso niyang wika.  “I know malaki at napakalaki ang kasalanang nagawa ko sa ‘yo,” aniya matapos humugot at magpawala ng mahabang hininga “I’m sorry; I miss you so much, very much. Pwede ba nating ibalik ang lahat? Can I…… can I uhm court you again?”

Biglang umarko ang kilay ko sa aking narinig.

“Manigas ka!” Haha. Nasabi ko pagkatapos. “Ang kapal mong ligawan ako ulit. For what? As they say, pag naloko ka na ng isang lalake once, kasalanan ‘yon ng lalake. But if naloko siya ulit kasalanan na ‘yon ng babae. Duh! Ayoko na kayang maloko ulit, lalo na sayo! And it’s all because of my katangahan”

The Bad Boy's Girl (One Shot Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon