Mga Pare!! wag nyong pilitin ang babae pag ayaw....sabi nito
Sa pagkakarinig ni lyka sa tinig ay nabuhayan sya ng loob..Pamilyar ang boses nito kaya napalingon sya sa likod .. namangha sya ng makita nya ang lalaking nakaaway nya kanina...
Hoy! wag kang makialam dito ah!! baka ikaw pagbalingan namin...
Ah.. ganun ba!! o sige bahala kayo ... sagot ng lalake sa likuran...
Pero mabilis ang lalaki,,sinuntok at sinipa nya ang 2 lalaking lasing..Sa pagkakakita nya para ngang sanay na sanay ito .. Nag aral ata ito ng martial arts.... Dahil sa lasing ang 2 lalaking bumastos sa kanya....dali nitong napatumba ang 2.....kahit hilo ang 2 lalaki ay kumaripas ito ng takbo.. mukhang natakot sa kalaban...
di makapagsalita si lyka sa nakita.. me ibubuga naman pala talaga ang lalaki.. mayabang....
Miss Lyka...ok ka lang ba? nasaktan ka ba.. pag aalalang tanong ni Angelo sa kanya...
Hindi..., maraming salamat sa yo Mister.. umilag si Lyka at tangkang aalis ng biglang humarang ang lalaki sa daraanan nya...
Hey!! wait a minute young lady.,,,,ganyan ka ba magpasalamat??? bulalas ng lalaki sa kanya..
Napahinto si Lyka...
ok mister pasensya na ..salamat talaga at kailangan ko ng umalis....paliwanag ng dalaga..
Sandali lang ako na maghahatid sa yo.. gusto ko lang makipag usap sa iyo.. yong tungkol sa nangyari kanina..Hihingi lang akong tawad sa yo Lyka....
Pano mo nalaman pangalan ko Mister?????takang tanong ni lyka..
Angelo na lang... Angelo Buenavidez,, but im on first name basis kaya lang Angelo lang...at tungkol naman sa name mo kung pano ko nalaman.. I have my sources...wika ng binata...
Naglahad ng kamay si Angelo at nagatubiling tanggapin ito ni Lyka..Sa paglapit nito sa kanya ay naamoy nya ang mamahaling pabango nito.. napapikit si Lyka dahil tumagos sa kalamnan nya ang amoy ng pabango nito..
Lyka??? pls... di naman ako masamang tao.. its just that weve met at the wrong time.....kaya pls... peace na tayo... pagsusumamo ni Angelo sa kanya...
Sige Mr...?? di na naituloy ni Lyka sasabihin nya dahil inunahan sya ni Angelo sa pagsasalita...
Angelo lang itawag mo sa akin pls...???
Sige,,, Angelo apology accepted.....pero kailangan ko na talagang umalis... at bka kagalitan na ko ng tyang ko..
Lyka Ihahatid na kita.. besides wala ka ng masakyan.......ng ganitong oras..
Tinanggap agad ni Lyka ang alok nitong ihatid sya dahil malalim na ang gabi..Pinasakay sya ni Angelo sa magara nitong sasakyan..habang pauwi ay hindi sila nagkikibuan na dalawa...maliban lamang sa pasulyap sulyap ni Angelo sa kanya,,,nakaramdam siguro ng pagkabagot si Angelo kaya binasag nito ang katahimikan sa loob ng kotse...
Ah.. Lyka yong nasabi ko sa yo kaninang umaga sorry .. kalimutan mo na yon.. gusto ko talgang makipagkaibigan sa yo..wika ni Angelo..
Oo na kanina ka pa MAKULIT....sabi ko nga apology accepted... wika ni Lyka..
Lyka Me itatanong ako sa yo pero wag kang magagalit ha?
Basta kaya kong sagutin hindi ako magagalit kung hindi mo ko pipilitin... Ano yon???
Me BF ka na ba? alumpihit na taNONG ni Angelo sa kanya...
Naku,,,, wala at ayoko pa.... magagalit tyang ko.... sagot ni Lyka....
Hindi na muling mimik si Angelo.. Nang makarating sila sa sinabi ni Lyka na paghihintuan sa kanya ay
bumaba na si Lyka....
Lyka, syanga pala me ipinabibigay si Mrs. Lagmay sa tyang mo....Sa akin na nya ibinilin dahil nauna na sya.... nakalimutan ko lang kaninang ibigay nong nakita kitang binabastos nong 2 lalaki..
Naku,, buti na lang at naalala mo kundi lagot din ako pag di ko nakuha ngayong gabi yang order...salamat at mag ingat ka na rin pauwi......Angelo....
Lyka,,,, pwede ba kong pumasyal jan sa inyo???...pahabol na tanong ni Angelo
Bat ka papasyal wala naman akong sakit ah... pabirong sabi ni LYka
Aakyat sana ako ng ligaw Lyka... hiyang sambit ni Angelo.....
Naku!!naku wag!! magagalit ang tyang.... banta ni Lyka.....
Sige na.... Angelo saka na Lang tayo mag usap...sinabayan nya ng takbo kaya wala ng nagawa si Angelo..Nang gabing yon laman ng isip ni Lyka ang mga sinabi ni Angelo.....
BINABASA MO ANG
NO.......OTHER
General FictionPaano mo haharapin ang isang nakaraang pabalikbalik na umuukit sa isip mo....pano mo haharapin ang isang taong kailanmay hindi mo natutong kalimutan.......paano haharapin ang galit nya....after 5 long years.....paano mo lalabanan ang mga halik at ya...