Isang linggo ang matuling lumipas ..ni walang Angelo na nagpapakita sa kanya. Bagamat nadismaya si Lyka ay itinanim nya sa utak nya na baka natauhan na si Angelo at napagtanto nitong langit at lupa ang pagitan nila....Matamlay si Lyka pag sumasagi sa isip nyang wala ng interes si Angelo sa kanya.
Natigilan sya sa kanyang naisip... diyatat may nararamdaman na sya ke Angelo... Ilang gabi na rin syang di makatulog dahil sa kakaisip rito.
Hanggang ang isang araw.. isang unos ang darating na magpapabago ng buhay nya,,,,
Dahil linggo non at nauunang pumupunta at Tyang sa divisoria dahil maaga itong sumisimba.. naiwan muna sya at naglilinis ng bahay... susunod sya pagkatapos.. nang patapos na sya sa kanyang ginagawa ay me narinig syang tumatawag sa pangalan nya sa labas.
Lyka!!Lyka!!
Bakit po Mang Esteve? tanong ni Lyka..
Ang Tyang mo bigla na lamang natumba sa pwesto nya.. isinugod na sya sa ospital....
HO? san hong ospital? aburidong tanong ni Lyka...
Halika na at ihahatid na kita sa ospital,,,,
agad tumalima si Lyka.... Hindi nya alam kung ano ang gagawin nya parang wala sya sa kanyang sarili....hindi nya lubos maisip na mangyayari yon..
Pagdating ni Lyka sa ospital ay isang masamAng balita ang sumalubong sa kanya...
Dead On Arrival daw Ang Tyang nya..Me naputol daw na ugat kaya binawian agad ang tyang nya ng buhay...Iyak ng iyak si Lyka d nya alam kung ano na mangyayari sa buhay nya....Buti na lamang at mababait ang kanilang mga kapitbahay at tulong tulong sila sa pagpapalibing ng tyang nya...
Isang gabi pagkatapos ilibing ang kanyang tyahin,, bigla syang nakaramdam ng matinding pangungulila.... kahit pala ang tyang nya ang pinakamasungit na taong nakilala nya eh.. mamimiss din pala nya ito...Ngayong nag iisa na sya sa buhay ..di nya alam kung paano sya magsisimula sa buhay nya..Naisip nyang magtrabaho muna o di kayay ipagpatuloy nya ang pagnenegosyo na nasimulan ng kanyang tyahin...Hindi na muna sya magaaral.. mag iipon muna sya...
Me narinig syang kumakatok sa pintuaN...sino ang bisita sa ganitong oras ng gabi???Pagbukas nya ng pintuan ay nagulat sya dahil si Angelo ang bumungad sa kanyang harapan.Mukhang kagagaling lang nito sa mahabang byahe,,,Pagod pero di pa rin ito nakakabawas sa kagwapuhan nito..Nka tshirt ng kulay puti at abuhing pantalon ang suot nito..
Hindi mo ba ako patutuluyin LYka?
atubili pa syang buksan ang pinto pero nanaig pa rin damdamin nya sa binata.....
Tuloy ka.. bat gabi na eh napasugod ka angelo?
Im sorry just heard the news about your aunt........today,,,galing lang kasi ako sa isang bakasyon.. paliwanag ni Angelo
Salamat .... wika ni Lyka
Nag usap usap pa sila ng mga bagay bagay bagamat gusto pa ni Lyka na magtagal si Angelo ay kelangan na rin namang magpahinga nito..
Lyka... I hate to say good nyt but i guess kelangan mo na ring magpahinga...Sure ka ba na kaya mo na dito??? I mean hindi b mapanganib para sa isang katulad mo na mag isa rito????
Ok lang ako .. ano ka ba... mababait naman mga kapitbahay ko dito.. sige na at gabi na rin...
Babalik ako rito Lyka.... ingat ka at mag lock ka ng pinto mo.... pag papaalala ni Angelo...
Kumaway si Lyka at pinabaunan pa nya si Angelo ng isang matamis na ngiti.. kAhit pano ay naibsan ang lungkot nya... Masaya sila pareho ng gabing yon...
Eksakto alas syete ng sunduin sya ni Angelo sa harap ng bahay nila....Bago lumabas ng kwarto ay tinignan muna nya ang kanyang sarili sa salamin.. isang simpleng kulay pulang bestida ang suot nya... naglagay din sya ng lipstick at hinayaan nyang nakalugay ang buhok nya..Nang lumabas sya.. bahagyang natulala si Angelo pagkakita sa kanya.....
You look wonderful tonight!! sabi ni Angelo...
nahiya si Lyka..pero nakabawi rin sya agad..Salamat!! tara na at baka magabihan pa tayo...
Habang nasa sasakyan ..tinignan nya si Angelo.. halos lahat ng parte ng katawan nito ay perpekto
Pati mukha nito at tila ng inukit....
Did I pass??? tanong ni Angelo sa kanya dahil nahuli sya nitong nakatitig ....
Huh??? tanging nasambit nila Lyka..
Bigla ang pagbawi nya ng tingin....
Lyka tungkol sa mga sinabi ko sayo noon na aakyat ako ng ligaw.. siguro naman pwede na ngayon???
Angelo.. hindi mo ba napapansin.. di ako nababagay sa yo...baka pagmulan pa to ng gulo kung ipagpapatuloy mo ang panliligaw mo sa akin....paliwanag ni Lyka
Lyka.. wala namang masama sa panliligaw ko sa yo,,, dalaga ka binata naman ako...And Ako lang ang magsasabi kung sino nababagay sa akin.....
Ikaw ang bahala kibit balikat ni Lyka....
Dinala sya ni Angelo sa isang mamahaling restaurant,, ipinaubaya nya rito ang pagoorder ng pagkain,, dahil wala naman syang alam sa mga pagkaing pang mayaman..
Masaya silang nagkwentuhan.. madali namang nakapalagayang loob si Angelo, dahl mapagbiro rin pala ito, at hindi nito alintana ang estado ng kanilang buhay..
BINABASA MO ANG
NO.......OTHER
General FictionPaano mo haharapin ang isang nakaraang pabalikbalik na umuukit sa isip mo....pano mo haharapin ang isang taong kailanmay hindi mo natutong kalimutan.......paano haharapin ang galit nya....after 5 long years.....paano mo lalabanan ang mga halik at ya...